After asking others kung nasaan ang classroom ko, sa wakas, nahanap ko rin. Medyo nahirapan ako kasi nakakahiya magtanong eh. At ang dami daming busy na nagrereview. Malapit na siguro ang 3rd grading final exam.
Habang naglalakad ako sa hallway ng third year building, sobrang ingay na ang naririnig ko. Naalala ko nga pala, halo halo ang students sa isang section. May matalino, may average at may magugulo sa isang section. Hindi tulad sa ibang school na kung matatalino, sa section A at kung average, sa section B.
Yun pala yung dahilan kung bakit hindi kami naging classmates ni MJ kahit na magkasunod lang kami sa overall top sa St. Lawrence's Elementary School. Bigla ko tuloy siyang namention sa isip ko. I hope na classmate ko siya kung dito pa man siya nag-aaral.
Thomas Edison...Isaac Newton...Ayun! Albert Einstein, sa wakas!
Ito na yun. Gustong gusto ko na pong makaupo. Pagod na pagod na ako. gusto ko na munang magpahinga. Sobrang dami ba naman na building na inakyat mo. Sobrang layo din sa main campus. Tila naging libot ang ginawa ko.
Good Morning. Excuse me Ma'am. Kayo po ba si Ms. Ferrer?
Lakas loob ko yung sinabi sa may tapat ng pintuan kitang kita ng mga students. Sa loob nun ay may mga nagsisitakbuhan na bigla nalang tumigil, may mga nagsasalita na bigla nalang tumigil at may mga nagrereview na bigla nalang tumigil. Tila walang movements at sounds. Paghinga ko nalang at ingay sa kabilang section ang naririnig ko. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin. Nagtataka ako na medyo kinakabahan. Napalunok nalang ako. Helloooo? Mukha po ba akong kriminal??
Tumayo si Ma'am at nilapitan ako sa labas.
"Hi, so you must be?" paunang tanong niya.
Erica Ma'am.
"Erica V. de Vera, right?" tanong niya ulit.
Yes Ma'am.
"Oh, I've heard a lot from you earlier, nakausap ko kasi si Papa mo. Halika, punta ka sa harap at magpakilala. Oh wait, by the way, I'm your adviser, Ms. Jennifer Ferrer."
Inalok ni Ms. Ferrer ang kamay niya at ni-lead niya ako papuntang harap ng mga students. Nginitian niya ako at sininyasan na kailangan ko ng magpakilala sa kanila.
Hi. I'm Erica V. de Vera. 15 from Sunriser subdivision, Caloocan City. Late na akong pinasok dito kasi we are destined dati sa ibang bansa. I hope we'll be great friends.
Grabe, wala parin akong naririnig na sounds. Lahat sila nakatingin lang ng parang ewan. Wala talagang movements. Parang nag pause ang classroom na iyon. Ayoko nang magsermon ng kung ano ano. Basta iniklian ko nalang ang lahat. Okay na siguro kung malaman nila ang pangalan ko. So dito nalang ba ako, tatayo buong magdamag? Help! Gustong gusto ko nang umupo.
"May mga bakanteng seats pa ba dyan?" tanong ni Ms. Ferrer sa kanila.
"Dito Ma'am! Sa tabi ko!" sigaw ng isang lalakeng medyo pamilyar ang mukha.
"Okay ka lang ba sa pwestong yun?" tanong sa akin ni Ma'am.
Yes Ma'am.
Nagmadali akong naglakad sa second row sa pangatlong line at umupo na mukhang pagod na pagod. Inayos ko ang backpack ko at eto nanaman tayo, pagkatingin ko sa gilid ko nagulat nalang ako kung bakit nakatingin parin sila sa akin. Sobrang weird naman dito.
BINABASA MO ANG
Lost Promise
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang nawalang pangakong patuloy na hinahanap. Totoo nga ba na ang isang pangako ay natutupad? O ang isang pangako nga ba ay talagang napapako? Ito ang buhay ni Erica, isang babaeng hopeless na patuloy hinahap ang true...