Ano? Imposible! Totoo ba ito? Baka ka-pangalan niya lang? This is just a dream right? Siya ba talaga ang nakikita ko? Nagbalik na nga siya. Mas lalo siyang gumanda.
I knew it! Siya nga! Si Erica V. de Vera! Ang bestfriend ko. She came back. Hindi ko nakalimutan ang mga pinagdaanan naming dalawa back when we were just innocents.
Here she goes, papalapit na siya. Ang bilis bilis na naglakad at bigla nalang umupo sa harapan ko. Mas maganda siya pag malapitan.
Ang weird naman dito sa classroom, biglang tumahimik. Should I break the silence? Sige, babatiin ko siya.
"Hi Erica." bilang singit ni Mark.
Mark broke the silence. The classroom went back to normal. Ako na sana yun eh. Anyway, kakausapin ko na lang si Erica pag break ba para mas makamusta ko siya.
Hindi ko mapigilang tumingin sa kay Erica at Mark na nag uusap. Medyo na didistract ako kasi nagrereview ako for tomorrow's finals. Ganun talaga siguro kapag matagal mo siyang hindi nakita.
Hindi talaga ako makafocus sa reviewer ko! Gustong gusto ko na talagang makausap si Erica. Marami siyang na miss na mga events dito. I still wanted to be her bestfriend. Sana hindi siya nag bago. Sana siya parin si Erica na nakilala ko. Sana ako yung unang magiging friend niya ngayong bumalik na siya.
***
Finally, nag ring na din yung bell, agad agad kong inayos ang mga gamit ko para maabutan ko siya. Gustong gusto ko na siya ma meet ulit.
Nasan na si Erica? Nakalabas na yata siya. Lalabas na agad ako.
Nagmadali akong lumabas ng classroom. Ang bilis bilis ng pagbaba ko ng hagdan ng biglang nakita kong Erica's with Mark. Napahinto ako sa tapat ng hagdan kung saan maraming nagagalit sakin dahil nakaharang ako.
"Excuse me?!"
"Miss, pwedeng tumabi ka saglit?"
"Tabi! Nagugutom na kami."
Sorry. Excuse me. Sorry.
Bigla ko nalang niyuko ang ulo ko at umakyat ulit pabalik sa classroom.
Nawalan ako ng ganang kumain. Nagmadali pa ako kung may kasama na pala siyang iba. Magrereview nalang ako. Next time na lang.
Habang patuloy ako sa pagrereview, inistorbo ako ni Katrina, classmate namin.
"Ang ganda sigurong kaibiganin si Erica no?" tanong niya sa akin.
Oo naman. sagot ko kay Katrina habang nakatingin parin sa notebook ko.
"Gusto ko sana siyang lapitan sa canteen kaso nakakahiya." patuloy niyang sinabi.
Nahihiya ka kasi kasama niya si Mark? still, nakafocus parin sa notebook ko.
"Mark? Gaga ka ba? Wala kaya siyang kasama. Mag isa niya lang kumakain dun." medyo lumakas ang tono ni Katrina.
Ano?! Nakita kong kasama niya si Mark kanina ah. biglang lingon ko kay Katrina.
"Gaga ka talaga. Alam mo namang sa labas kumakain si Mark at yung ibang mga boys." pasunod niyang sinabi.
Napatingin ako sa notebook ko at bila ko itong sinara. Kinuha ko ang bag ko at tumayo sa upuan ko. Bigla akong tumakbo paalis ng classroom upang pumunta sa canteen.
"Ui! Bea! Saan ka pupunta?" sigaw ni Katrina nung papalabas ako.
Hindi ko na siya napansin baka kasi wala na si Erica sa canteen. Nagmadali ulit ako. Pumasok ako sa canteen kung saan nagsisilabasan na ang ibang studyanteng kakatapos lang kumain. Sana hindi pa siya umalis. Ayun! Andun siya sa dulo.
Umupo ako sa tabi niya habang nakangiti. Halatang nagtataka siya.
"Uhm Hello po. Kayo po ba yung..." patuloy niyang sinasabi hanggang sumingit ako agad agad.
Erica! Naalala mo ako? I'm your childhood bestfriend.
"Bea? Bea Arenas? Bea! Ikaw nga!" lakas ng tono niya habang niyakap agad ako.
Ang saya saya ng tono namin. Hindi namin mapigilan ang excitement namin.
Kamusta ka na? masayang pauna kong sinabi sa kanya.
"Na saan na si MJ?" isang napakaexcited na tanong niya agad agad. Nakangiti siya na nakatingin sa sa aking mata hinihintay ang pagsagot ko.
Nagulat nalang ako sa tinanong niya. Yung mga ngiti ko ay napalitan ng pagtataka. Napatigil ako sa excitement. Grabe, hindi ko ine-expect na yun agad ang tatanungin niya. Crush na crush na si MJ nung bata pa kami. Hindi parin talaga siya nakalimot.
MJ? Yung kalaro natin nung bata pa tayo? Ang alam ko lang, lumipat na siya nung grade 3 kami. Wala na akong naging balita sa kanya after nun.
"Bea!" sigaw ng isang babae sa labas ng canteen.
Napalingon kaming dalawa ni Erica. Lumapit ang babae at sinabing may meeting kami sa Chemistry club. Kinuha niya agad ang kamay ko at hinila ako papalayo. Nag mamadali ang babaeng iyon. Napansin ko nalang na medyo naging malungkot si Erica. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos.
BINABASA MO ANG
Lost Promise
Novela JuvenilAng kwentong ito ay tungkol sa isang nawalang pangakong patuloy na hinahanap. Totoo nga ba na ang isang pangako ay natutupad? O ang isang pangako nga ba ay talagang napapako? Ito ang buhay ni Erica, isang babaeng hopeless na patuloy hinahap ang true...