Hidden Feelings

29 1 0
                                    

Bea's POV:

Billy! Billy! Akin na yan! Ano ba?! Ibalik mo sa akin yan!

Nag-aagawan kami sa bandang dulo ng classroom habang nag checheck si Ma'am at busy ang mga classmates ko kakadaldal. Asar na asar ako kay Billy, seatmate ko. Kinuha niya kasi yung diary ko. Kailangan ko nang mabawi to habang hindi niya pa nababasa. Maraming secrets dyan na matagal ko nang tinatago. Nakakahiya kapag nabasa niya at ipagkakalat sa iba.

"Billy!" sigaw ni Joyce.

Pheww. Akala ko si Ma'am.

"Billy, ibalik mo na yan. Masusulat ko na kayo sa noisy! Isa!" utos ni Joyce sa kanya.

"Eto na eto na." pataray na sagot ni Billy.

Hmm. Nakahinga din sa wakas ng maluwag. Hinding hindi ka na ulit maaagaw sa akin diary ko. I promise. Medyo na bad vibes tuloy ako.

Habang nakaupo ako, naramdaman ko ang boredness. Gusto ko munang umidlip sa klase kasi 30 minutes pa bago ang uwian. Sa gitna ng pagtulog ko, I heard someone singing..

"~I'm still held captive by your smile, don't you think we deserve another try~~"

Napaharap ako at nakitang kumakanta si Erica. She's a great singer. Gusto ko sanang bigyan siya ng compliment kaso nauna nanaman si Mark kausapin siya. Wag na, nakakahiya naman. Ugh. Babalik nalang ulit ako sa pagtulog ko.

Babalik na sana ako sa pagtulog ko pero biglang nagbell. Sa wakas makakauwi na din. Medyo naging badtrip ang hapon ko eh.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko..

"Bea!" tawag ni Erica.

Napalingon ako at medyo kinabahan baka kasi yayain niya ako kung saan, medyo badtrip pa naman ako. Please sana hindi.

"Tara sabay na tayo." bigla bigla niyang dinugtong

Ugh! Eto na yung ayaw ko eh. Hindi ko naman na siya matatanggian. Okay lang, mas okay yung ganito, kaysa si Mark palagi kasa-kasama niya.

Sige.

Habang naglalakad kami, napapansin kong nag iisip ng sasabihin si Erica. Isip siya ng isip. Natatakot yata siya. Sana hindi ko nalang siya dinamay sa kabadtripan ko. Baka iba nanaman ang mangyayari sa amin tulad nung nangyari sa canteen.

Ano na? Ako ang unang magsasalita? Hindi. Siya nalang kasi kanina pa siya isip ng isip. Baka kasi iba ang sasabihin niya. Ano kaya? Hmm. Bigla siyang nagsalita..

"Kamusta na Bea?" masayang tinanong niya sa akin.

Okay lang. with pilit kong ngiti.

Nakuha niya na yata mood ko. Gustong gusto ko nang umuwi Erica. Saan ba tayo pupunta?

Eto nanaman tayo, hindi na siya nagsasalita. Kasalanan ko to eh. Tumahimik kami sa pagsasalita. Should I cheer up the mood around us? Sige..

Bakit bigla siyang napahinto? Oh, si Mark nanaman. First time niya palang nakita si Mark na tumugtog. Kitang kita ko sa mga mata ni Erica na bilib na bilib siya. Para siyang nag freeze. Teka, nakaramdam ako ng uhaw.

Erica! Erica! Bibili muna ako ng tubig ha.

Habang naglalakad ako papuntang canteen, naalala kong parang hindi na ako napansin ni Erica. Sobrang amaze na amaze talaga siya kay Mark. Hindi ko man lang na-confirm kung talagang narinig niya ako o hindi.

Isang mineral water nga po Ma'am... Thank you Ma'am.

Dali dali akong bumalik sa main campus baka hinahanap na ako ni Erica.

Lost PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon