Chapter 27: Let the Feelings Begin.

1.8K 101 18
                                    

Chapter 27: Let the Feelings Begin.

Desiree's PoV

*3 days later*


Umaga.

Monday ngayon at intrams na rin namin.

Ibigsabihin, wala masyadong gagawin.



Puro sports lang.

Manonood lang ng mga naglalaro.

At kung ano ano pa.



Nagpaalam na ako kila Mama at lumabas na ng bahay.

Isinaksak ko ang dalawang earphone sa tainga ko.

Habang naglalakad ako bigla nalang ako napatigil.



Nagulat ako sa biglang tumabi saakin.

Nanlaki ang dalawang mata ko.

Umm.



"Adrian?" natanong ko.



Oo! Si Adrian ang biglang sumabay!

At ngiting ngiti pa siya ha.

Anong trip niya?



"Sabay na tayo pumasok." maowtoridad niyang sabi.



Aba? Ano siya boss ko?

Hindi yan pepwede sakin!

Ha!



"Ayoko nga."

"May kasalanan ka pa nga sakin." bigla niyang sabi.



Kumunot ang noo ko.

Napatingin ako sakanya,

Anong kasalanan pinagsasabi niya?



"Pinagsasabi mo?" natanong ko sakanya.

"Di ka nawala sa isip ko kaya late ako natulog." dire-diretso niyang sabi.



Saka lang nagregister sa utak ko ang sinabi niya.

A-Ano daw?

Iniisip ako?



Ewan ko bigla akong namula.

What! Desiree!

Bat ako namula?!



"H-Ha?" nauutal kong tanong.

This is Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon