Chapter 18: Sweather Weather.

2.7K 155 33
                                    

Chapter 18: Sweather Weather.

Abigail's PoV


Andito kami ni Trisha ngayon sa may baybay.

Naglalakad lakad lang.

Kakatapos lang namin magswimming swimming eh.





Naalala ko nanaman si Bes.

Hay sayang talaga.

Dapat kasama namin siya eh.





Pero siyempre kailangan niya pa magpahinga.

"Abigail balik na tayo? Ang lakas na din kasi ng sikat ng Araw eh. Nakakasilaw at ang init." Biglang sabi ni Trisha saakin at ipinaypay ang kamay niya sa mukha niya.





Tinakpan ko yung sikat gamit ang kanang kamay ko at tumingin kay Trisha.

"Sige tara."





Tumango siya at naglakad na kami pabalik sa room namin.

Tumingin ako sa orasan na nadaanan namin.

Tanghali na pala.





Bumukas na yung elevator at pumasok na kami.

"Ice Buko?" napatingin ako kay trisha sa tanong niya.





Tinituro niya yung ulo niya.

Tinignan ko siya.





"Oo naman." sagot ko ng nakangiti.





Napa-okay naman siya.

Ice Buko?

Diba yun yung sinasabi ng kaibigan niyo kapag tinatanong niya kung maayos yung buhok niya?

At oo.





Maayos ang mahaba niyang hair.

HAHAHAHAHA. orayt mais tuhod.

Ayun. Bumukas na yung pintuan ng elevator at lumabas na kami.





Naglakad na kami papunta sa room namin.

Pinihit na ni trisha yung doorknob. Saktong hindi naka-lock.

Siguro nasa loob si Bes.





Pagkabukas namin ng pintuan nakita namin si Bes sa kama niya na nakahiga.

Nakatingin siya sa kisame at parang may malalim na iniisip.

Pero nung narinig niya kaming pumasok lumingon agad siya saamin.





"GUYS!" agad siyang napabangon.





Lumapit kami sakanya.

"Why/Bakit?" natanong namin ni Trisha.





Umayos siya ng upo sa kama.

"Umm Gusto niyo pumunta sa isang party mamaya?"





"Party? Saan?" tanong ko.

"AY OO PALA!" Biglang napalo ni Trisha yung braso ko ng mahina pero napa-aw padin ako.





Brutal talaga nito kahit kailan.





"May party nga pala mamaya sa karaoke bar dito!" dagdag pa niya.





Tss. Anak ng may-ari, nakalimutan.

This is Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon