Hi! Gusto ko lang pong ma try gumawa ng story. :)Yun po.. enjoy!!
xx
Twinkle Twinkle little star...
"TWINKLE!!!"
Maya maya may narinig akong paakyat ng hagdan.
"Ano ba naman twinkle? Wala ka na bang ibang alam gawin kundi mag star gazing dyan? Halina't bumaba doon, naghihintay na yung mga bisita at ang mga magulang mo! New year na new year pinaghihintay mo mga magulang mo. Tara na!"
"Opo nanny. Susunod na po ako."
Si nanny yung nagsasabi kaninang bumaba nako.
"Sige, sumunod kana ha? Tsaka mag ayos kana din! Maraming bisita sa baba."-nanny.
"Opo!" Tumayo ako sabay salute.
Sinara na ni nanny yung pinto. Napatingin naman ako sa mga star sa langit.
Di ko napansin na bumukas pala yung pinto. Matagal tagal din pala akong naka titig sa mga bituin.
"Hoy bata ka! Baba na sabi e!"
Haha. Si nanny pala. Siguro alam nyang hindi pa talaga ko bababa. I can't help it. It's like sinumpa ng laging mapunta yung mga mata ko sa magagandang butuin sa langit.
"Haha. Eto na po nanny!" Sabi ko. Ang cute lang ni nanny. Yung ulo lang nya yung nakapasok sa pintuan.
So ayun... nag ayos ako ng onti. Nagdress lang ako. Color peach. Tsaka doll shoes lang. Hindi naman ako ma klorete sa katawan. Tapos yung buhok ko naka messy bun lang. Sinuot ko din yung binigay na necklace ko na may pendant na star.
Eto yung binigay nya sakin e. Natatandaan ko pa. 11 yrs ago...
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Parang ayoko na ngang tumuloy sa baba e. Nakakahiya kasi. Ang daming tao. Nag uusap usap sila ng kung ano ano. About business, at kung ano ano pa.
Nakakahiya.
Tapos bigla nalang akong natapilok kaya may malakas na tunog ng hagdan ang narinig ng mga tao. At dahilan para tumingin sila sa kinaroroonan ko. Nako naman.
Buti nalang nakakapit ako sa hawakan sa gilid ng hagdan kaya hindi ako nahulog. Kung nagkataon para akong bola na gumulong at tumatalbog pababa. Hay nako. Ano nanaman bang kapal pakan to? Lahat tuloy sila napatingin sakin.
"Twinkle anak? Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?!" Umakyat na si Mama para sakin.
"A-Ah... okay lang po ako... Ma. Ahehe" sabi ko kay mama para di na sya mag alala.
"Naku! Mag ingat ka naman! Ikaw talagang bata ka! New year na new year bibigyan mo pako ng problema." Mahinang sabi ni mama. Nag sorry naman ako.
"O sige. Baba kana dun. Nandun din ang mga pinsan mo. Aasikasuhin ko lang ang mga bisita."
"Okay po ma."
Sabay na kami bumaba ni mama kasi inalalayan nya din ako. Tapos pinakilala nya din ako sa mga bisita. Yung iba business partner nya o di kaya ni dad.
Naglakad lakad ako tapos pumunta akong kitchen.
"HOYYY!!" sigaw ko.
"TWINKLE!!" sigaw din nila.
Mga pinsan ko talaga sila. Haha. Namiss ko sila!!
"Crizella! Clarisse!" Lumapit ako sa kanila tapos niyakap namin ang isat isa.
Si Crizella at Clarrise ay kambal. Actually tatlo sila. Mga pinsan ko sila. Super close kaming apat.
"Namiss ka namin! Omg!" Sabi nila na may pahawak hawak pa sa balikat ko.
"Ako din!! Teka nasan sya?" Tanong ko sa kanila.
"Grabe ka?! Sya agad hinanap mo?! How dare you?" Akusa nila sakin.
OA talaga silang dalawa. Ibang iba yung isa nilabg kapatid.
"Niyakap nyo na nga ako't lahat lahat e!" Natatawang sabi ko sa kanila.
"Joke lang! Hehe. Tara puntahan natin sya at baka nakawin na ng ibang girls yun!" Sabi ni Clarisse.
Yun. Pumunta kami sa labas malapit sa pool area at hindi kami nagkamali. Nandun nga sya! Pinagkakaguluhan nanaman. Hahaha.
"Teka lang! Oy! Ano ba! Mapupunit na damit ko!" Medyo naiinis na sabi nya.
"Omo! Cute parin kahit naiinis! Akin ka nalang please?"-girl#1
"Kaya nga ang cute nya talaga! Mas maganda kapa samin! Akin ka nalang! Ididisplay kita sa kwarto ko!! Uwaaah!"-girl#2
Lalo namang lumapit sakanya yung mga babae. Tapos nakita nya kami na pinagtatawanan sya.
"No girls... May nagmamay-ari na sakin!" Sabi nya naman. Nagulat naman yung mga girls.
"The who?!" Sabi nung mga girls.
Hinila naman nya agad ako. Lagi naman e. Hahaha!
"Her property." Napatungin naman sakin yung mga babae.
"A-Ano?!" Sabi nung mga babae.
"Yes! Tama sya. Ako ang nagmamay ari sakanya. Kaya girls..."
"BACK-OFF!" pagpapatuloy ko.
Agad naman lumayo yung mga babae pero narinig ko yung ilang sinabi nila paalis.
"Wala na. Talo na tayo! Ang ganda nung babae! Parang doll! Bagay sila! Omooo! Huhuhu" -girl#1
"Kaya nga! Simply pretty!"-girl#2
"P-Pero mas sexy ako sa kanya no!"-girl#3
Hahahaha! Ano daw? Nako kung alam lang nila. Hahaha! Nakakatawa talaga!
"Hoy bitiwan mo na nga ako!"
"Maka hoy naman to! May utang ka nanaman sakin! Hahahaha. Papisil nalang ngaaaa" sabi ko tapos pinisil yung mukha ni clyde. Tama Clyde pangalan nya. Isa sa kambal nila Clarisse at Crizella. Triplets sila. At sya ang nagiisang lalaki
"Aray naman! Bakit ba kasi lagi nila akong nilalapitan e! Ahuhuhu. Di naman ako cute di ba? Pogi kaya ako. Diba? Diba? >3
"Ang cuuuuute!!!!" Sabay sabay na sabi namin nila Crizella.
Hahaha. Bat ba ang cute nya?
"Uwaaaah! Pogi nga ako sabi e!"
Pag katapos naming lamugin yung pisngi ni Clyde. Bumalik na kami sa loob ng Bahay.
Niyaya nila ako sa likod bahay, hindi ko naman sila tinanggihan kasi ngayon nalang ulit kami nagkita kita. Pero pinauna ko na muna sila kasi nakalimutan kong may regalo pala ako sa kanila. Nakalimutan ko sa rooftop nung nagbabalot ako dun.
Umakyat nako.
Nakakahingal talaga! 5th floor pa yung rooftop namin. Ang taas ba? Ewan ko ba sa mga magulang ko. Siguro wala ng magawa sa pera nila kaya itinuon nalang sa pagpapagawa at pagpapataas ng bahay namin.
Nakatungting nadin ako sa last step ng hagdan papuntang rooftop. Hayyy. Hindi ko din maitindihan kung bakit hindi nalang sila nagpagawa ng elevator para hindi ako napapagod ng ganito. Lagi kasi akong nasa rooftop e. Kaya lagi din akong napapagod umakyat :3
Naglakad nako patungo dun sa maliit na parang kwartong puro glass lang. Ako ang nagpagawa nito. Dito kasi ako madalas nag sa-star gaze.
Akmang papasok nako ng bigla akong may nakitang tao na nakatayo dun malapit sa Rails.
S-Sino to?
Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya tapos akmang hahawakan ko sya sa balikat ng bigla syang humarap ng kusa at hinawakan ako sa bewang. Tapos yung naka angat na kamay ko napakpit sa leeg nya kasi bigla nalang nag jelly yung tuhod ko kaya muntik nakong matumba.
A-Anong nangyayare?!
"Ay kabayo!!" Nagulat kasi ako sa mga pangyayare.