Four

11 0 0
                                    

Gumising ako ng masakit ang likod. Dinilat ko ang aking mga mata. Oo nga pala. Nakahiga nga pala ako sa sahig. First time kong humiga dito kaya naman hindi nakapagtatakang sumakit ang likod ko.

Bumangon ako ng dahan dahan at tumingin sa kama ko.

Hindi ko nakita yung iniwan kong natutulog sa kama ko kagabi.

Natauhan naman ako. Tumayo ako at pumunta sa cr. Wala sya dun.

Nilibot ko yung buong kwarto ko pero wala ni maliit na bakas ni rooftop guy.

Tss.

Hindi marunong mag thank you.

Umupo naman ako sa kama. Napalingon ako at nakita ang nakabukas na bintana. Pumunta ako dun at tinignan.

Posible kayang dito sya dumaan?

Napailing nalang ako sa naiisip ko.

Pumunta nako sa Cr at nag shower. Naalala ko kasing may pasok pa pala ako.

Pagkatapos kong maligo nagbihis nako.

Ako nga pala si Twinkle Ashantti Mendez. 21 yrs old. Yes Im 21. Hindi lang halata dahil sabi nila baby face daw ako. Chos. Hindi halata kasi medyo may pagka isip bata ako.
At college nako. Hindi katulad ng itsura ko sa trabaho ko, isa akong nerd sa school. Tinatago ko ang identity ko. Dahil isa akong celebrity. Maaga akong napasok sa showbiz. Isa ako sa myembro ng pinakasikat na girl group sa mundo ngayon. Pero hindi ako kumikilos na parang isang importanteng tao dahil gusto kong maging isang normal na tao.

Naglalakad nako sa papunta sa practice room. Nandito ako ngayon sa Rockstar Entertainment. Free ang schedule ko ngayon dahil wala akong pasok. Tourism ang course ko at magtatapos nako.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang nagpapractice kong mga ka myembro.

"Ashi! Late ka nanaman!" Bungad sakin ng choreographer namin. Napatingin naman sakin ang kaninang nagpapractice na sina Shanon, Reissin, Roshann at Crizella. Pumunta naman sila sakin at niyakap ako.

"Twinkle!!! We miss you!" Sabi ni Reissin.  Si Reissin ang pinaka girly saming lima. Napaka sweet nya kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Sya din pala ang lead dancer namin.

Ngumiti naman ako sa kanila. 

"So, kamusta ang bakasyon mo Twinkle?" Sabi naman ng nakangiting si Roshann.  Si roshann ay palangiti. Laging possitive ang aura nya. Kaya marami ding nahuhumaling sa mga ngiti nya.

"Okay lang. Medyo nakapag adjust nako. At namiss ko din kayo" sabi ko sa kanila.

"Aw. Buti nandito na kayong magpinsan! Buo na ulit tayo! " sabi naman ng pumapalakpak pang si Shanon. Sya ang pinaka mature mag isip samin. Isa din syang model at mahiling syang mag work out. Kaya naman napaka sexy nya. Kaya maraming lalaki ang naakit sa kanya.

"Oo nga. Buti nandito na tayo Twinkle!! Namiss ko din to!" Sabi naman ng naka akbay saking si Crizella. Oo si Crizella! Isa din sya member ng group namin na "Popstar". At walang nakakaalam na mag pinsan kami. Kami kami lang ng mga groupmate namin at ng manager namin. 

At si Crizella nga pala ang pinaka makulit at magulo samin. Lagi syang sakit sa ulo ng mga nagtuturo samin. Pero sya din ang pinaka madaling makapick up ng mga steps sa sayaw namin.

At ako? Hmm, ano bang share ko dito? Ah. Ako nga pala si Twinkle. Pero Ashi ang pangalan ko sa harap ng camera. Ako ang lead singer sa grupo namin. Ako din ang leader samin. At maliban sa pagiging "popstar" isa din akong actress. 16 yrs old palang ako isa na akong artista. Bago pa ako nagkaroon ng oppurtinity na bumuo sa grupong "Popstar".  Bata palang kasi ako gusto ko ng magartista. Pero nitong nag 21 ako. Naisip ko na mahirap din palang pag sabayin ang pag aartista at pag aaral. Kaya naman humingi ako ng bakasyon para makapag pahinga ng isip. Pero bumalik nako ngayon. Dahil eto talaga ang gusto ko.

Reaching A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon