"So Ashi pala ang pangalan mo."
"Pfffffffffft" napabuga ako ng kape. At... at... sa mukha nya pa.
ANONG GINAGAWA NYA DITO?
"AHHH! ANO KA BA NAMANG BABAE KA?!" sigaw nya sakin.
"...patay nagalit si direk..." narinig kong sabi ng isang staff.
Teka... direk?
"T-Teka... S-Sino k-ka?"-Ako
Nauutal nako.
"Tss. Nakalimutan mo na agad ako?" Sabi nya habang natatawa ng mahina.
Hindi naman ako sumagot.
"Haist! Sige ipapaalala ko" sabi nya.
Lumapit sya sakin
"Ako yung sinabihan mong magnanakaw/akyat bahay. At yung sinabihan mo ding mukhang katulong. Ako din yung pakielamero. Tapos yung naka drugs. Sa mga pag aakusa mo sakin hindi mo ko maalala? Sabihin mo nga sakin, nagdadrugs ka ba talaga?"-Sya. Ang lapit nya sakin.
Tinulak ko sya ng mahina.
"Oo na. Oo na! Kilala na kita. Ngayon umalis ka sa harap ko at mag shushooting pako. Hmp!" Sigaw ko sa kanya.
Naglalakad nako papunta sa set ng magsalita sya ulit.
"Wala pa nga akong sinasabing action."
Napatigil ako sa paglalakad.
Wala pa nga akong sinasabing action.
Wala pa nga akong sinasabing action
Wala panga akong sinasabing action
Wala pa nga akong sinasabing action....
Teka, bakit nga ba sya nandito?
Posible kayang...
WHAT?!
lumingon ako para tignan sya. Ngumiti lang sya ng nakakaloko at umiwas ng tingin sabay alis.
Sinundan ko lang sya ng tingin.
May humarang na staff sa kanya.
"Direk!"-staff.
Direk...
Direk...
Direk...
OH NO!!! SYA SI DIREK KLEIN?! BUT WHY?!!? WHY HIM?
Nanlalaki ang mga mata ko. Naestatwa nako sa kinatatayuan ko.
Nako... siguradong hindi magiging madali to!!! >_
"Okay! Ready na ang set!" Sigaw nya.
Tumingin sya sakin.
"Ikaw. Ano pang tinatayo tayo mo dyan?" Nakatingin sya sakin ng masama.
Grrr...
"Sorry D-Direk" sabi ko.
Pumunta na ako sa pwesto ko at nag umpisa na kami sa pag arte ng kunyare kidnapper.
Natapos na ang taping at jusko. Hindi nga naging maganda para sakin to. 12 times akong pinaulit sa pag arte nung kumag na yun. Grrr! At eto pa ang mga sinabi nya "Ano ba naman Ashi?! Dapat ngayon mo ilabas ang Arte mo! Wala ka man lang ka feelings feelings!" "Ano ba? Artista ka ba talaga?" "Cuuuut!!!! Ayusin mo!"
At wala akong ginawa kung hindi humingi ng sorry! Argh. Why i do i feel so helpless? Tss.
At sa 12 na na take. Yung pinaka una yung kinuha nya! Kainis! Kaya naman nung matapos kami. Mas malala pa sa pinagsakluban ng langit at lupayung mukha ko!
