TWINKLE'S POV
Agad akong bumaba. Halos patakbo na nga yung ginawa ko e. Hindi ako makahinga. Malapit nako sa kwarto. Onti nalang.
Pag ka bukas ko sa kwarto agad kong binuksan yung drawer ng side table ko. Kinuha ko yung inhaler.
Hinihika ako. Omg. Minsan lang ako hikain. After 3 months hinika ulit ako. Last time hinabol ako ng aso kaya ako hinika. Pero ngayon.. hindi ko alam kung bakit. Kumakabog ng sobra yung dibdib ko. Parang may karera ng kabayo. Tapos para akong tinatanggalan ng hininga.
Naupo ako sa kama kong kulay violet. Pinilit kong kumalma.
Hindi ko naman talaga sinasadyang sabihin na mukha syang katulong e. Yun lang yung lumabas sa bibig ko, siguro para makatakas sa sitwasyon? Ugh. Paniguradong galit yun sa mga sinabi ko.
Bakit nga pala sya nandun?
Bored siguro.
Tumayo ako at lumabas para balikan ang mga pinsan ko.
Pagdating ko sa pinagiwanan ko sakanila, nakita ko yung lalaki kanina sa rooftop.
Nakita kong kasama nya sila Clarrisse at Crizella. Yung kanang kamay nya nasa bewang ni Crizella at ying Kaliwang kamay nya nasa bewang naman ni Clarisse. At yung dalawa naman, todo kapit pa sa dibdib ni rooftop guy. Wtf?!
Nilapitan ko sila at tinanggal ko yung kamay nya sa dalawa kong malanding pinsan. tumawa lang si rooftop guy. Hinila ko naman palayo sila Clarrise at Crizella. "Ano ba kayo?! Kilala nyo ba kung sino yung konakapitan nyo?" Umiling lang sila sa tanong ko. "See? Tapos basta basta nalang kayo lalapit? Malay nyo manyak yun?!" Sigaw ko sa kanila. Lumingon naman ako dun sa lalaki at ang walanghiya, kinindatan pako. -_-
"Twinky alam mo, open minded kami. Galing kaming ibang bansa. Normal lang yun dun. It's not that big deal." Sabi naman ni Crizella.
"Pwes wala kayo sa ibang bansa at nandito kayo sa pilipinas. At hindi open minded ang mga lalaki dito. Mga malisyoso." Sabi ko sabay irap.
Nag taas naman sila ng dalawang kamay na parang nag sasabihing 'I surrender'
"Okay okay. Di namin alam na overprotective pinsan ka na pala. Love na love mo pala kami." Sabi nila sabay kiss sakin sa cheeks. Hayyy anh hirap ng may isip batang pinsan. Mas masahol pa pala sa bata. Mga pasaway.
Nilubayan naman ako ng mg pinsan ko. Pumunta nalang ako sa counter at uminom ng cocktail. Hindi ako mahilig maglasing. Ayokp kasing nagmumukhang engot pag lasing. Pag nakikita ko palang yung mga pinsan ko pag nalalasing, hiyang hiya nako. Pano pa kaya pag ako ang nalasing diba?
Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko.
Ang tindi ng isang to. Ayaw akong lubayan. Isip ko.
"Can I have some drink?" sabi nya.
"Mind your own business." Sabi ko naman. Onti nalang iisipin ko ng stalker to. Bigla nalang sumusulpot.
Hindi naman nya pinansin yung sinabi ko at kumuha sya ng hard drinks.
"Hindi lang stalker, pakielamero pa." Bulong ko.
"Hindi ako stalker." Simpleng sabi nya.
Narinig nya pala ako. Tss.
"Bakit kaba sunod ng sunod kung nasan ako?" Sabi ko.
"Im not stalking you. Asa ka pa" sabi nya pag katapos ay tumungga ng alak.
Matagal tagal din kaming tahimik. Wala ng nangahas mag salita at uminom nalang kami.
Nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilain at inakyat nya ako sa rooftop.
"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya. Pano ba naman nananahimik ako sa kusina tapos hihilain nya nalang ako at papagudin sa pag akyat sa hagdan?
Narinig ko naman yung mga tao sa baba na sumisigaw.
"Ten, nine, eight, seven, six, five.."
"NO!NO!NO!" sigaw ko naman. Tumakbo ako sa railings at sumampa sabay hawi ng mga kamay.
no!!
"Three, two, one!!!! Happy new year!!!" Sabay sabay na sigaw ng mga bisita sa baba.
Arghhhh!!!! Wala na!!!! Nagulo na ang mga bituin!!!
Ayoko talaga ng new year!!! Feeling ko kasi nagugulo yung mga nananahimik na mga bituin sa langit dahil sa mga fireworks.
"Hoy anong gimagawa mo?! Bumaba ka nga dyan!" Oo nga pala may kasama akong weirdong lalaki.
"Ano ba?!" Sigaw ko ng bigla nya akong higitin pa baba sa railings.
"Kung magpapakamatay ka, wag sa harapan ko. Hindi pako ready-ng makakita ng karumaldumal na bagay sa harap ko." Sabi nya.
"Teka nga. Sino namang nagsabi sating magpapakamatay ako? Hindi mo ba nakitang nakatingin ako sa mga bituin? Sa mga nanahimik na bituin na pilit na ginugulo ng mga bwisit na taong nagpapaputok! Bulag ka ba?" Sigaw ko sa kanya. Aist! Ilang beses na ba akong sumigaw ngayong gabi?! Baka masira ang boses ko dahil sa lalaking to.
"Ayaw mo ng fireworks?" Tanong nya sakin.
"Obvious ba masyado? Tss. Slow mo naman. Nakita mo nang halos magpakamatay nako para tumutol sa fireworks tapos tatanungin mo pa?!"-ako.
"Teka, bakit ka ba laging sumisigaw? Hindi naman ako bingi?" Sugaw dIn nya sakin.
Aish. Teka... bakit nga ba ako sumisigaw?! Naiinis kasi ako pag nagsasalita tong lalaking to e. At ewan ko kubg bakit.
Hindi ko sya sinagot. Tumingin ako sa firework display. Ano bang gusto ng nga tao dyan? Makukulay lang naman yan na mabilis mawala. Tapos ang ingay ingay pa.
"Ang ganda."
Napatingin naman ako sa nagsasalita kong katabi.
Nakatingin sya sakin. Yung totoo? San sya nagagandahan? Sa fireworks o sa kaharap nya? :3
Ay ano ba yan twinkle! Kung no ano naiisip mo.
Binalik ko nalng ang atensyon ko sa fireworks.
"I mean, ang ganda ng fireworks" sabi nya habang natatawa tawa.
Tuningin ulit ako sa kanya. In-eksamin ko ang itsura nya. Matipunong katawan. Maayos at madating na pananamit. At hindi ko din maipagkakailang gwapo sya. Napasulyap sya sakin at mas lalo kong nakita ang super light brown nyang mata. Ang ganda ng mga mata nya.
Nagtaas naman sya ng kilay. Ngayon ko lang napagtanto na nakatitig nga pala ako sa kanya. At bigla ko nalang naitanong to..."Naka drugs ka ba?"
Shit twinkle! Ano ba naman yang mga lumalabas sa bibig mo?!
"Ano? " nagtataka nyang tanong.
"Mukha ka kasing bangag e." Sabi ko sabay iwas ng tingin.
Tumawa naman sya.
"Pagkatapos mo akong akusahang akyat bahay. At mukhang katulong. Ngayon naman inaakusahan mo kong drug addict? Ikaw ata tong bangag." Sabi nya. Nakita ko namang tumungga sya dun sa hawak nyang bote.
May dala pala syang beer. Mapupungay na ang kanyang mga mata.
Bigla naman syang bumagsak at natulog.
Walangya. Naglasing lasing sa ibang bahay tapos hindi pala kaya! Nako naman! Pano ko to ibababa?!
Kinaladkad ko sya hanggang makarating sa kwarto ko. Naiisip ko kasing nakakahiya kung pauuwiin ko to ng ganto. Kaya nakapagdecide akong patulugin muna sa kwarto ko. At matutulog nalang muna ako sa sahig dahil ayoko sa couch.
Ngayong gabi. Naka salamuha ko ang weirdong lalaking to.
Ni hindi ko alam kung anong pangalan nya.
At natutulog pa sya ngayon sa kama ko.
PAMBIHIRA.
