ORION'S POV
Invited si dad sa party dito sa bahay ng mga Mendez. Kaya naman napilit nya na din akong sumama tutal wala naman akong kasama sa bahay. Sabi ni dad corny daw pag nag new year kang mag isa.
Masyadong crowded sa loob. Lahat sila nasa loob ng bahay pero meron namang mangilan ngilan na nasa labas. May nakita pa nga akong pinagkakaguluhang lalaki sa labas e. So ayun nga dahil masyadong crowded naghanap ako ng lugar kung saan wala masyadong tao. Nakita ko yung mahabang hagdan ng bahay. Umakyat kaya ako? Siguro naman hindi bawal kasi wala namang nakalagay na 'off limits'.
Umakyat ako. Nakarating ako sa 2nd floor. Parang puro Kwarto lang yung nandito. Umakyat ulit ako at nakarating naman sa 3rd floor. Puro naman instrument. Parang hobby ng nakatira dito. Wala naman akong hilig sa mga yan kaya umakyat pa ako.
4th floor... parang office. Tapos maraming art na picture. May nakita pakong isang malaking painting. Babae. Mukang manika. Baka anak ng ka business partner ni dad.
May nakita pakong hagdan na paikot. Ibang klaseng bahay. Ilang floor ba to'? Tanaw mo namansa labas ng bahay na malaki talaga tong bahay. Actually masasabi mo tong mansyon sa sobrang laki. Dun palang sa gate nila mapapansin mo talagang mayaman ang nagmamayari nito. Hindi mo pa nga makikita sa gate ang bahay nila. May paliko ka pang dadaanan pag pasok ng gate. Puro bush lang o di kaya puro bulaklak at halaman. Pagkatapos nun, makikita mo yung pool area. Tapos yung bahay.
Umakyat ako sa paikot na hagdan. Nakakahilo naman yung hagdan na yun'. I wonder kung bakit wala silang elevator.
Ng maakyat ko yun. Nawala yung pagod ko sa pag akyat ng hagdan. Ang ganda dito! Kita mo yung kalangitan. May mga upuan pa na may mga unan. Tapos may napansin pakong parang tunnel na glass made. Pumasok ako dun. Pag pasok ko kwarto lang pala. Medyo maliit lang sya. Parang tambayan lang may duyan pa. Tapos may nakita akong mga nakakalat na gift wrap. Mukang nagbalot pa dito ng mga regalo. Lumabas ako dun sa isa pang tunnel. Paikot kasi sya. Tapos yung kwarto nasa gitna. Puro glass lang. Tapos paglabas ko. Nandun na ulit ako sa rooftop. Pumunta lang ako sa rails at tumingala para masulyapan ang kalangitan. Maraming bituin. Maganda ang panahon. Mamamangha ka talaga sa formation ng mga ito. Nakaka amaze talaga kung pano ito nagawa ng Dyos.
May napansin lang ako dito sa lugar na to' may mga parang telescope na makakakita sa stars. Swear pag nakita ko may ari nito maaamaze ako ng sobra sa kanya.
Bumalik nako sa pag sa-star gaze.
Hindi ko alam kung ilang minuto nako nakatingala habang pinagmamasdan ang mga butuin sa sobrang tagal ko sa posisyong yun. Naramdaman ko nalang na sumakit yung batok ko.
Naramdaman ko ding may nasa likod ko, kaya naman humarap ako at hinawakan ko sya. Aba malay mo papatayin nya pala ako.
Nakahawak ako sa bewang nya at bigla nalang syang tutumba kaya napaliyad kami at hinawakan ko sya ng mabuti. Napahawak naman sya sa batok ko.
Nagkatinginan lang kami sa mata. Ng sobrang tagal.
"Ay kabayo!" Sabi nya bigla.
Pfft.
"Hahahahaha!" Napatawa ako sa kanya. Late reaction ba sya lagi? Ang tagal na naming nasa ganung posisyon tapos ngayon lang sya nag salita.
"B-Bakit moko t-tinatawanan?!" Tanong nya sakin. Napatingin ako sa kanya. Yung mukha nya. Parang kumukulong takure.
"You're funny..." nag pause muna ako.
"...and cute!" patuloy ko
"Close ba tayo? Bat ka nandito?! Mag nanakaw kaba?" Abat inakusahan pakong magnanakaw.