Next Chapter 27 //

38 1 0
                                    

Sophie POV

Nag madali akong pumunta sa Orphanage kung nasan si Angel.

Tahimik lang akong naka upo sa tabi ni Kyle habang siya ang nag mamaneho.

"Malapet na ba tayo .? Sigurado ka bang dito yun.?" Mga nag aalalang tanong ni Kyle

"Oo , sige lang paki deretcho pa." Walang buhay kong pag kakasabi.

"Ayos ka lang ba .?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Kyle. Inilihis ko nalang ang ulo ko at tumingin sa may labas ng bintana.

"Hindi pa man din ako totally nkakapag isip ng irarason ko kay Angel pero kailangan niya yung totoong nangyari." Sabi ko sa pag iisip ko habang nasa labas ang tingin ko.

"Tama na. Dito na tayo huminto." Pag uutos ko kay Kyle. Kagad din nman siyang huminto. Nang pagkahinto niya, nag madali akong lumabas at pumasok sa loob ng Orphanage

"Maaaaammm Sophieeee !!" Sigaw ng mga batang sumalubong sa akin. Ngumiti ako sa knila ng buong galak pero ng makita kong malungkot si Angel doon sa isang sulok, Hindi ako nag dalwang Isip na unahin muna siyang kausapin.

"Angel... My Dear" nanginginig na tono ng boses ang lumabas sa bibig ko. Pinipigil ko lang din ang pag iyak.

"Mommy .?? Mommy Sophie" bigla niya akong niyakap at iyak ng iyak.
Napaluhod ako para mayakap siya ng maayos.

Bigla bigla nalang siyang tumakbo.. Tumakbo papunta kay Kyle.

"Daddy .. Daddyy" sigaw niya at Sabay yakap din dito.

Naka tayo lang si Kyle at hawak ang balikat ni Angel. Halos takpan ko na ng buong kamay ko ang bibig ko para mapigil ang pag hikbi ko.

Binigyan ako ni Kyle ng Tingin na -anong nang yayari?-
Lumapit na ako kanila Kyle at inialis si Angel mula sa pagkakayakap niya dito pero ayaw bumitaw ni Angel, iyak pa siya ng iyak.

Sumenyas si Kyle sa akin na -sige lang hayaan mo muna-
Nang lumabas na si Teacher April, siya na ang nag tanggal kay Angel sa pag kakayakap kay Kyle.

"Angel , may sasabhin si Mommy Sophie mo sayo huh. Makinig ka ng mabuti .. Be brave okayy gaya ng turo ko sayo." Nag nod si angel at saka pinapasok na siya sa loob. Sumunod nalang din nman kami ni Kyle.

Nang maka upo na si Angel , umalis na si Teacher April at naiwan kami with her.

Pinigyan ko ng masayang ngiti si Angel.

"Kala ko Hindi na po kayo babalik ni Daddy Chris dito. Kwento ni Teacher April , maysakit daw si Daddy tapos ikaw nman na aksidente. Kamusta kana Mommy? Na miss kita"

"Sorry my dear , kung matagal bago maka balik si Mommy dito huh. Pansamantalang nawalan ng paningin si Mommy at kailngan kong umalis para magpagamot."

"Ei si Daddy Chris po.?" Sabay tingin ni Angel kay Kyle at ganun din naman ako..

Hndi lang din nag salita si Kyle. Ibinalik ko na ang tingin Kay Angel.

"My dear ... Ang Daddy mo kasi --- ang Daddy Chris mo -- wala na .. wala na siya Angel." Hindi naka pag salita kagad si angel.

"Pero , wag kang mag alala.. Nandito parin naman si Mommy Sophie. Okay lang ba sayo yun..?" Hndi ko na napigilang umiyak.

"Mommy , Don't Cry po !!" Naging malungkot at paiyak na ang mukha ni Angel.

"Sorry .. Syempre, Hindi na iiyak si Mommy. promise" ngumiti na ako kahit masakit para sa akin.

"I'm sorry din Angel.. Dahil sa wala na si Daddy Chris mo , Hindi ko na alam kong mapapayagan ka pa nilang maging anak ko. Hndi ko alam kung magiging maayos ang Adoption papers mo"

"Pero diba sabi niyo magiging Anak niyo po ako .?" Biglang umiyak na si Angel.

"Wala na kasi ang Daddy Chris mo. Wala ng Husband si Mommy Sophie kaya , baka hndi ka nila payagang ampunin ko." Niyakap ako ni Angel ng mahigpit .. Niyakap ko nalang din siya as sweet return.

"Siya po .? Siya na po ba ang bagong Daddy ko.?" Bumitaw sa yakap si Angel at sabay turo kay Kyle habang sinasabi ang mga yun.

Napalingon ako pero kagad ko ring inalis ang tingin ko at ibinalik kay Angel.

"Hndi my dear. Siya si Tito Kyle. Kapatid siya ng Daddy Chris mo. Galing siyang States. At Alam mo ba, mabait siya" ngumiti ako kay Angel kahit na may luha parin konti sa mga mata ko.

"Dba Tito Kyle .?" Lumingon ako kay Kyle.

Nag reach out si Kyle sa amin. Mas lalo siyang lumapit at naki upo sa tabi ko..

Nakatingin ako sa kniya at kita ko ang pag ngiti niya ng buong puso Kay Angel.

"Gusto mo bang maging Daddy ako kapalit ni Kuya.?"

"Opo T-ito Kyle." Natawa ng konti at mahina si Kyle. Nakangiti naman ako.

Ipinatong ni Kyle ang kamay niya sa ulo ni Angel.

"Sige , Simula ngayon ako na ang Papa Kyle mo. Maliwanag ba?"

His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon