Final Chapter 38 //

26 2 0
                                    

Jasper POV

Naging sulit ang pang aaya ko ng Lunch sa kaniya. sinamahan ko pa siyang mag libot sa mall at saka ko biglang naalala na kailangan ko palang pumunta sa Airport kasi susunduin ko yung pinsan ko at yung asawa niya.

"Sophie , Sorry pero kailngan ko munang umalis ngayon." malungkot kong sinabi sa kaniya habang pabalik na kami sa store.

"Bakit saan ka pupunta .?"

"susunduin ko kasi yung pinsan ko kasama yung asawa niya ngayon sa Airport"

"Aa. Ganun ba .? Jasper , pede bang sumama nalang sayo .? wala naman akong gagawin this day" Nginitian ko nalang siya at saka sabay kaming lumabas ng mall para maka punta na ako kagad sa Airport.

"Sigurado ka bang okay lang na isinama kita .?" tanong ko habang nasa biyahe kami.

"Oo nga okay lang. sinabi ko narin naman sayo na wala akong gagawin this day"

Sophie POV

Nasa biyahe kami ngayon ni Jasper papuntang Airport. Sumama na ako kesa naman sa mag isa akong mag ikot ikot sa mall. Mas masayang may kasama.

"Dont worry , after kong masundo sila kakain tayo sa labas"

"Kakain nanaman.? Wow huh galante ka XD" Tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa biglang nag iba yung mood ko.

parang pabigat ng pabigat sang pakiramdam ko. Hinihingal ako, Nanlalamig. Unti unti kong naalala yung gabing bago ako mabangga. Parang pakiramdam ko nasa iisang sitwasyon ako ngayon gaya nung pangyayaring yun.

Napahigpit ang hawak ko sa upuan. Halos pumikit na ako at naka hawak ang kaliwang kamay ko sa dibdib ko. Nauubusan ako ng hangin.

"Sophie are you okay .?" Naririnig ko yung boses ni Jasper pero di ko siya masagot. Hindi ako mkapag salita.

inihinto niya yung kotse sa tabi at saka lumabas para buksan yung pintuan ng kotse sa gilid ko.

"Sophie .? Nahihirapan kabang huminga .?" Sinubukan kong igalaw yung ulo ko at tumango para malaman niyang gusto kong sabihing - oo -

Itinayo niya ako at inilabas sa loob ng kotse para maka pagpahangi. Hinihingal ako ng sobra.

"Sophie , dadalhin muna kita sa hospital. sa ngayon tiisin mo muna sa loob ng kotse." natatarantang sabi ni Jasper sa akin .

"Jasper ..." sinibukan ko ng magsalita and finally nagawa ko naman.

"Kaya mo pa ba .?" Nag nod ako

"Tara dadalhin kita sa Hospital" Akmang lalakad na kami pero pinigil ko siya.

"Okay na ako. Siguro doon nalang ako sa may bandang likuran uupo. may naalala lang akong pangyayari kaya --kaya ako parang ganito" medyo nagkaroon na ng hangin yung dibdib ko.

"Osige. tulungan na kitang maka pasok sa likuran." Nag lakad na kaming muli papunta sa kotse nito at doon ako umupo sa likuran.

Safe na kaming nakarating sa Airport and Finally na sundo na namin yung pinsan ni Jasper kasama yung asawa nito. Ipinakilala niya ako, nag kwentuhan sandali hanggang sa napagkasunduan ng mag asawang mag ta.taxi nalang sila pabalik sa bahay nila.

gaya ng promise ni Jasper, kumain kami ulet , natagalan kami sa pag hintay at hapon na kaya natunaw na yung kinain namin kaninang Lunch..

"Kamusta pakiramdam mo ngayon .? Hindi kana ba nahihirapang huminga ?" concern na tanong sa akin ni Jasper habang nakain kami.

"Kanina talaga, halos himatayin na ako. Pakiramdam ko unti unting nauubusan ako ng hangin sa katawan." paliwanag ko.

"Alam mo pareho tayo ng na.experience. Pero yung sa akin, that was 2 or 3 months ago."

"Bakit anong nangyari sayo .?"

"Car Accident, at doon din mismo sa pinag hintuan natin ng kotse ko nangyari" Sa pag kukwento ni Jasper bigla akong natakot na kinabahan. Pero kahit ganun yung naramdaman ko Hindi ko lang pinahata sa kaniya.

"Tapos.? anong nangyari .?" pag uusisa ko na kunwari interisado akong malaman.

"I was super broken that night --"

"that night .?" pag iisip ko habang nag kukwento siya.

"Pauwi na ako nun galing Airport din, I got a bad news from the Airline na sinakyan ni Mama."

"siya paalis na ng airport ako papunta palang. Hindi kaya -- No !! Masydo lang akong nag iisip ng kung ano"

hininto ko na ang pag iisip ng kakaiba at hinayaan ko nalang siyang mag kwento.

"Sabi ng Airlines Hindi pa raw nkakalapag yung plane na sinakyan ni Mama mula pa nung 2 days ago nang umalis siya sa Hongkong. Balita narin that time na may nawawalang mga eroplano"

"Then --that night -- Ahhmm ? Anong nangyri sayo .?" nauutal ko pang pagtatanong sa kniya. talagang iba yung pakiramdam ko.

"Pinatakbo ko ng mabilis yung kotse ko. Although nakita kong umilaw na yung Red sa Stop Light nag Turn Left ako then may isang sasakyang Hindi pa nkakahinto rin ang nabangga ko. Bale nagkabanggaan kaming pareho. Bali ang Braso ko nun at duguan daw ako. Yung naka bangga ko Hindi ko naman alam kung anong nangyari sa kniya"

parang patalim na pumapasok sa tenga ko deretcho sa puso ko yung kinukwento ni Jasper.

"nagkaroon ako ng takot name mag drive ulet . at everytime na papasok ako sa isang sasakyan, hnfi ko mapigilang kabahan hanggang sa parang pakiramdam ko nauubusan na ako ng hangin. Gaya nung--"

Napahinto siya sa pag kukwento ng sabihin Kong -- "TAMA NA!"

Mahigpit lang akong naka hawak sa lamesa at halos nakayuko na dahil Hindi ko siya magawang tignan.

"Sophie .? Are you okay .?"

"Muntik na akong mawalan ng mga mata. Nawala sakin yung taong mahalaga sakin, yung lalaking mahal ko at si Chris yun. At alam mo kung bakit .?" Napataas ang ulo ko at kahit naiyak ako tumingin ako sa mga mata niya.

"Dahil sa isang Car Accident."

"Sophie .? Anong ---"

"Anong Ibig kong sabihin .? Jasper -- Its Me , Nasa loob ako ng kotseng nabangga mo. And that night too , nag mamadali akong pumunta ng airport para maka pag pa book ng ticket papuntang America dahil mahalaga saking makasama ko ang mahal Kong may sakit. Pero nabago yung gabi kong yon . And thats because of that Car Accident"

Bigla akong tumayo at iniwan siya. Pilit niyang tinatawag sang pangalan ko pero Hindi ko siya pinapansin.

Napahinto nalang ako ng biglang nag ring ang phone ko ..
Its Teacher April. Ano kayang dahilan kaya tumatawag siya ngayon. Kinakabahan ako.

His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon