- 2 -

110 2 0
                                    

- 2 -

Kinabukasan kahity antok na antok pa ako ay pinilit kong pumasok sa school. Ayoko kasing umabsent dahil hindi ko makikita ang long time crush ko na si Claire.

Bakit long time? Kasi kahit second year college na kami ay siya pa rin ang crush ko. Since grade six kami ay crush ko na siya.

Pero hanggang crush ko na lang siguro siya. Hindio ko kasi siya maligawan dahil meron na siyang boybriend. At saka hindi ko siya magawang kausapin dahil torpe ako at mahiyain.

"Bro, kamusta? Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos kagabi aa?" puna ng kaibigan kong si Randell. Nahalata siguro nito ang soggy eyes ko!

Hindi ko siya sinagot dahil nakatuon ang atensyon ko sa classmate namin na si Anna. Nasa kalapit ko lang siya at pinapakinggan kong maigi ang boses niya habang nagsasalita siya.

Pinilit kong inaalala ang boses ng misteryosong babae kung kapareho ng boses ni Anna. Pero hindi ee! Hindi nito kaboses ang babaeng tumawag sa akin kagabi.

Napansin ata nito na nakatingin ako dito ng kakaiba.

"Gino, ba't mo ba ako tinitingnan ng ganyan?"

"A-anna, tinawagan mo ba ako kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman! Bakit?"

"Wala nama! Kalimutan mo na lang ang tinanong ko." sabi ko saka ako tumayo at nagmadaling umalis sa room.

Sinundan pala ako ni Randell.

"Gino may problema ka ba?'' 

"Wala pre! Ayos lang ako!"

"Ayos? E ba't ka nagkakaganyan? Parang wala ka sa sarili mo!" di naniniwalang sabi pa nito.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako nagkakaganito?"

"Oo!"

"Tara sumunod ka sa akin!" sabi ko at saka kami nagpatuloy ng lakad.

                                                                                         * * * * * 

-THE CALLER-  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon