- 3 -
Nang makarating kami ng canteen ay doon ko sinabi sa kanya ang lahat lahat tungkol sa misteryosong babae na tumawag sa akin kagabi.
Mukhang hindi nga ito naniniwala dahilan ng pagkunot ng noo nito.
"Seryoso ka ba Gino?"
"Randell, hindi ako nagbibiro!"
"I think she's a prank caller. Baka pinagtitripan ka lang."
"Gusto ko ding isipin 'yan. Pero 'tol kilala niya ako. Mukhang totoo talaga na kailangan ng tulong ng babaeng iyon!" protesta ko sa kanya.
"So kung totoo nga? Anong gagawin mo? Ni hindi nga nagpakilala 'yung babae. So paano mo siya matutulungan?"
Natigilan ako!
May point si Randell. Paano ko nga ba matutulungan ang taong iyon? Ni wala akong alam tungkol sa pagkatao niya.
"Paano kung tumawag ulit siya?" tanong ko.
"E 'di 'wag mo na lang sagutin ang tawag niya. Bro sigurado ako pinagtitripan ka lang ng babaeng iyon!"
Naputol ang pag-uusap namin ni Randell dahil nakita ko si Claire sa kabilang mesa.
Pinagmasdan ko siya. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Lagi ko iyon nararamdaman tuwing makikita ko siya. Hay! Pag-ibig nga naman. A one-sided love!
Nang bumaling siya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin.
Nang sulyapan ko ulit siya ay hindi sinasadyang nagtama ang aming mga mata.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Claire.
Tila iyo'y nangungusap at parang may mensaheng gustong iparating.
Gusto ko siyang lapitan at kausapin ngunit wala akong lakas ng loob.
Umiwas siya ng tingin at saka nagmadaling umalis.
* * * * *
BINABASA MO ANG
-THE CALLER- (COMPLETED)
Mystery / ThrillerAno nga ba ang misteryong bumabalot sa isang TAWAG mula sa cellphone ni Gino?