- 4 -

80 2 0
                                    

- 4 -

Ilang gabi din ang lumipas at hindi na ulit tumawag pa ang misteryosong babae na iyon. Siguro nga ay prank caller lang ito at pinagtitripan lang ako.

Ngunit isang gabi, halos pasado alas dose ay muling nag-ring ang cellphone ko.

Unknown number ang tumatawag. Hindi ko sinagot ang tawag. Siguro ay nantitrip lang talaga ang taong tumatawag ng ganitong oras.

Matagal ng nagri-ring ang cellphone ko. Wala atang balak ang caller na tumigil sa pagtawag.

Kahit sobrang nahihintakutan ay sinagot ko na ang tawag.

"Hello?"

"G - . . . G - gi . . . G - ino . . . " nahihirapang sabi ng nasa kabilang linya. Sigurado akong ang misteryosong babae ulit ang tumatawag. Tila nahihirapan ito.

Bigla akong nahiwagaan sa babaeng nasa kabilang linya. Parang may nag-uudyok sa akin na kilalanin ito.

Sino nga ba ang misteryosong babae na iyon?

"Sino ka ba talaga? Please tell me!"

"T - . . . Tu . . . lungan mo a - ako!" narinig ko ang paghihirap niya habang nagsasalita.

"Tulungan? Paano? Anong tulong?" naguguluhan kong tanong.

"T - tulungan mo ako! I - ipag . . . dasal mo . . . a - ako . . . " huminto siya at tila lalo siyang nahihirapan. Hindi ko alam kung bakit siya nahihirapan. Pero gusto ko siyang tulungan.

Hindi ko alam kung bakit napakagaan agad ng loob ko sa kanya.

At ang boses niya!

Parang pamilyar talaga ang boses niya!

" . . . I - ipag . . . d - dasal mo ang aking k - ka . . . matayan!"

Na-shock ako sa sinabi niya.

Agad kong pinutol ang linya.

Ipagdasal? Dasal sa isang taong malapit ng mamatay? Paano? Hindi ko alam kung paano!

Tuluyan na akong napaiyak.

At habang humahagulhol dala ng awa at takot na aking nararamdaman ay umusal ako ng panalangin.

Panalangin para sa misteryosong babae na iyon!

* * * * *

-THE CALLER-  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon