- 5 -
Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na muling naulit ang pagtawag sa akin ng babaeng iyon.
Naging normal na ulit ang buhay ko.
Pero hindi ko inaasahan na magkakaroon pa pala ulit ako ng problema.
Isang napakalaking problema para sa akin!
Hindi na kasi pumapasok ang classmate at crush kong si Claire. Nakapagtataka nga ang hindi na nito pagpasok.
Sinubukan kong ipagtanong siya sa mga kaibigan niya ngunit wala akong nakuhang sagot kung ano ng nangyari sa kanya.
Halos isang buwan na din kasi itong hindi pumapasok kaya wala na silang balita kay Claire.
Nanlulumong umuwi ako ng bahay. Wala akong nadatnang tao sa bahay pag-uwi ko.
Siguro ay nasa trabaho pa naman sina mommy at daddy. Ano pa bang inaasahan ko? Palagi naman silang wala dito sa bahay.
Nasa kwarto na ako ng biglang may nagdoorbell. Dali-dali akong bumaba at tinungo ang gate.
Pagbukas ko ng gate ay tumambad sa akin ang isang nakapusturang ginang.
"Magandang araw iho! Ikaw ba si Gino De Vera?" nakangiting sabi ng ginang kahit parang malungkot ito.
"Ako na po ginang! Ano po ang kailangan nila?" tanong ko.
"Pinapabigay sa iyo ito ni Claire!"
Marahang inabot nito sa akin ang isang sulat.
Pinabibigay sa akin ni Claire ang sulat na ito? Teka paano nito nalaman ang address ko.
"Kayo po ba ang mommy ni Claire?"
"Tama ka iho! Ako nga ang mommy ni Claire" malungkot na wika nito.
Dali-dali ko ng binuksan ang sulat at binasa iyon.
Gino,
Alam kong sa oras na mabasa mo ang sulat na ito ay wala na ako. Pero gusto ko lang malaman mo na matagal ko ng alam na may lihim kang pagtingin sa akin. At alam mo matagal na din akong umiibig sa'yo. Ayoko lang ipaalam sa'yo dahil bilang na ang mga nalalabi kong araw.
Pero alam mo naging masaya ako sa mga natitir kong araw na nakikita kita. Isa ka sa mga taong naging inspirasyon ko para lumaban. Salamat nga pala sa dasal mo para sa akin. Alam kong magiging payapa na ang paglisan ko sa mundong ito.
Salamat!
Nagmamahal,
Claire
Sobra akong na-shocked matapos kong mabasa ang sulat.
Siya? Siya ang ang misteryosong babae na iyon?
She was the caller?
Kaya pala pamilyar ang boses ng babaeng iyon!
"She died two weeks ago" sabi nito na pilit pinipigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.
Nagsimula na ring tumulo ang luha ko. Gusto kong umiyak ng mga oras na 'yon. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Patay na si Claire! Patay na ang babaeng pinaglalaanan ko ng pag-ibig ko.
Hindi ko namalayang humahagulhol na pala ako.
Sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko.
"Patay na si Claire? Hindi maaari. Hindi pa siya patay!" humahagulhol kong sabi.
"Namatay siya dahil sa sakit niyang leukemia!"
The Caller . . . ?
All i know is she really was'nt lying.
Pumunta ako sa libing ni Claire. At doon ay umusal ako ng panalangin habang ibinababa ang bangkay niya sa hukay.
Panalangin na mula sa aking puso para sa babaeng lihim kong minahal ng lubusan . . .
- WAKAS -
SALAMAT SA LAHAT NG BUMASA!
VOTE, COMMENT AND BE MY FAN!
Add me on Facebook : martinezrocky57@yahoo.com
THANK YOU !
BINABASA MO ANG
-THE CALLER- (COMPLETED)
Mystery / ThrillerAno nga ba ang misteryong bumabalot sa isang TAWAG mula sa cellphone ni Gino?