All Rights Reserved.
Copyright 2013
The characters and events in this story are purely fictional and are not to be construed as even remotely inspired by persons and events known and unknown to the author.
- THE CALLER -
Original Story by ROCKY018
- 1 -
Nasa kalaliman na ng gabi ng ako'y maalimpungatan dahil sa pagtunog ng aking cellphone. Nahintakutan akong bigla ng makita ko sa wall clock na almost twelve midnight pa lamang.
Sino naman kayang tatawag sa akin ng ganitong oras? Kaasar naman o. Napapakamot sa ulong bumalikwas ako ng bangon.
Mas lalo akong nahintakutan ng makita kong unknown number ang tumatawag. Kahit medyo natatakot ako ay sinagot ko pa rin ang tawag ng kung sino mang caller na iyon na gustong mambulabog sa akin.
"Hello?" kinakabahan kong sabi.
Medyo matagal bago may nagsalita sa kabilang linya.
"I-ikaw ba si G-gino?" halos pabulong na sabi mula sa kabilang linya.
Malamig ang boses nito at tila isa itong babae.
"O-oo ako ito. Bakit?" sabi ko.
"G-gino!" sabi nito na tila nahihirapan.
Naguguluhan na ako.
"Anong kailangan mo?"
"G-gino, t-tu ... lungan mo a-ako..."
"Tulungan? Paano? Hindi nga kita kilala. Sino ka ba?" naguguluhan kong tanong.
Wala na akong nakuhang sagot mula sa tanong ko dahil naputol na ang linya.
Kinakabahan na talaga ako. At hindi ko na pati namalayan na tagaktak na pala ako ng pawis.
Nanginginig ang kamay na binaba ko ang cellphone ko. Siguro ay wala lang magawa ang babaeng iyon.
Baka ginugoodtime lang ako!
O baka naman wrong call lang siya!
Pero hindi eh!
Bakit niya ako kilala?
Kumalma ako! Pinilit ko ang sarili ko na bumalik na sa pagtulog. Pero hanggang sa mag-umaga na ay hindi pa rin ako makatulog dahil sa misteryosong babae na iyon!
* * * * *
BINABASA MO ANG
-THE CALLER- (COMPLETED)
Misterio / SuspensoAno nga ba ang misteryong bumabalot sa isang TAWAG mula sa cellphone ni Gino?