NANG makarating sila sa kanilang mansion, agad na bumaba si Danna-ann sa kotse niya mismo na minamaneho ni Ethan. Padabog na isinara ni Danna-ann ang pinto tsaka walang lingon-lingon na iniwan ang binata.
Narinig pa niya na ilang beses siyang tinawag nito pero hindi niya pinansin. Dumiretso siya sa kaniyang silid at agad na ni-lock ang pinto.
Nagngingitngit pa rin ang kalooban niya sa sinabi ng binata. Nagawa siya nitong matunton sa resthouse ni Skite. Kung hindi niya pa nakita ang presensiya nito roon hindi niya malalaman na magkamag-anak ang dalawa. Ang kaibigan niya rin ang nagsabi sa kaniya na ito ang nagsabi na naroon siya.Napasalampak siya ng upo sa malaking kama niya at seryosong nakatingin sa kulay berdeng wall ng kaniyang silid sa harapan bahagi niya. Bumabalik sa isipan ang naging reaksiyon niya matapos marinig ang sagot ni Skite sa itinatanong niya rito.
Halos maningkit din ang kaniyang mga mata sa pagbabalik sa kaniyang isipan ng nangyaring eksena nang makita niya ang manong na tinatawag niya sa bukana ng pintuan ng resthouse ni Skite. Tila iyon isang eksena na napapanood niya ngayon.
Agad niyang nilingon ang tinitingnan nito dahil ang pangalan na binangit nito sa kaniyang tanong ay kilala niya. Ewan pero biglang sumikdo ang puso niya.Agad siyang napatayo nang makalakapit ito sa kanila ni Skite tsaka nagtanong. “Paano mo nalaman na nandito ako?” agad na tanong ni Danna-ann nang makita si Ethan.
“Sinabi ni Skite na nandito ka nga raw kaya halika na ihahatid na kita pauwi sa mansion,” seryosong saad ni Ethan sa dalaga.“Teka, magkakilala kayo? Paano?” tanong ni Danna-ann na takang-taka.
Napunta ang paningin niya kay Skite nang ito ang sumagot sa tanong niya na para kay Ethan.
“He's my Uncle. Pinsan siya ni Mama,” sagot ni Skite.“What?! Ang manong na ito tito mo. Bakit ngayon ko lang nalaman?”
“Lately ko lang din nalaman na kilala ka ni Tito Ethan. And since nabangit niya sa akin minsan na sa kaniya ka ibinilin ng Daddy mo para bantayan kaya naisip ko na i-text siya kanina para masundo ka nga. Isa pa sa naisip ko mahirap biyahe rito kapag pauwi. Madalang na ang pampublikong sasakyan. Although, puwedi naman kitang ihatid kaya lang bigla ko nga naisip si Tito.
“Of all people siya pa talaga ang kinontak mo?”“Why and what’s wrong with that? In the first place, siya talaga naisip ko na contact-in dahil sabi ko nga hindi ba na ibinilin ka ng daddy mo sa kaniya. You kow, Danna kung ganiyan na ayaw mo ng nasusundo pala sa mga lakad mo, better siguro na mag-aral ka ng magmaneho nang hindi ka umaasa sa mga public vehicle.”
Hindi siya kaagad nakasagot sa mga sinabi ni Skite lalo na sa suhestiyon nito na mag-aral siyang magmaneho. Siguro nga dapat na siyang mag-enroll sa driving lesson. Pero ang totoo kasi mahina talaga ang loob niya sa paghawak ng manibela.“Hmmp.” May pagtataray na ingos niya pa sa kaibigan. “Sa ayoko, eh.”
“Iyon na nga, kaya wala kang choice.”Alam niyang babarahin lang siya ni Skite kapag usapang pagmamaneho. Matagal na kasi nitong sinasabi na mag-aral siyang magmaneho at huwag palaging nakaasa sa mga taxi or whatever. Hindi naman nito nilalahat ngunit hindi naman kasi lingid sa kaniya na may mga insidente na mismong driver ng taxi or grab service ang sangkot. Shes lucky kasi hindi siya nakae-encounter ng mga ganoon, pero how about sa mga darating at susunod na mga pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Mask Bar Series: The man behind his mask (COMPLETE)
RomansaThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...