17 - THE INVITATION

9 0 0
                                    


MAKALIPAS ANG ISANG TAON...

HINDI mapakali si Danna-Ann sa pabalik-balik nang paglalakad sa kaniyang sariling silid dahil sa natanggap na Invitation kanina galing sa organizer ng MB. Kakaiba ang pakiramdam niya kasi sa imbitasyon na iyon unlike sa mga naunang imbitasyon  niya bilang may VIP passes card.

Isa sa nalaman niyang access ng VIP  passes card ang automatic open invitation sa tuwing magbubukas ang MB na hindi na niya dinadaluhan simula ng maging magkasintahan sila ni Zero o Ethan sa totoong katauhan nito. Respeto na lang niya ito sa nobyo. At bilang exclusive member pa rin si Ethan ng MB ay never niyang pinanghimasukan ang desisyon nito kung dadalo o hindi.

Kung may pagkakatulad ang access ng VIP passes sa tulad niyang guest lang at sa access ng isang exclusive member iyon ay ang desisyon kung dadalo o hindi.     

Tiningnan niya ang oras sa suot niyang wrist watch at dahil may oras pa naman nalalabi buo ang desisyon niya na dumalo. Ngayon na lamang naman ulit ito at parang nasabik siyang maging present ulit sa MB.

Dinampot niya ang Cell phone at nag-chat sa nobyo na nasa Australia pa ngayon para sa business trip nito roon at sa makalawa pa ang uwi. Dahil palagi naman online ang nobyo, saglit lamang ay nakatanggap siya ng reply mula rito.

Bumahid ang ngiti niya sa labi. Pero sa kabilang banda medyo nagtaka siya sa nabasang reply nito na later on ipinagkibit balikat na lamang niya.

“Sure, my little girl. Dont worry about me  its fine with me. Just enjoy the night and just like the old times feel the happiness inside once you enter in the Mask Bar. I love you so much and see you.”

Inaasahan naman na niya ang pagpayag nito na dumalo siya, pero dahil nobyo niya ang binata, nais niyang alam pa rin nito ang kaniyang mga desisyon lalo at may kinalaman sa MB ang kaniyang lakad. 

Maya-maya, nag-ring ang kaniyang cell phone na agad niya rin sinagot. Mula sa kaniyang kaibigan na si Shenna ang tawag na iyon.

“Sis! Finally!” patili nitong bungad sa kaniya at halata agad ang excitement.

“Bakit napatawag ka?”

“Nakatanggap ako ng passes card mula sa MB kanina.”

Dahil sa narinig niya, mukhang alam na niya ang dahilan ng pagtawag nito sa kaniya.

“So?” aniya kunwari.

“Wala akong kasama, eh. Baka naman pwedi ka ngayon? Look. Alam ko na hindi ka na pumupunta sa MB simula ng naging mag-jowa kayo ni Manong mo pero baka naman this time pwedi ka ngayon? Sige na, oh? Kung kinkailangan kitang ipagpaalam kay Ethan gagawin ko may makasama lang ako ngayon doon.”

Bahagya siyang natawa dahil sa sunod-sunod na pagkakasabi nito.

“Si Skyte na lang ayain mo.”

“I did pero hindi raw siya available ngayong gabi at may date daw siya para sa prospect buyer ng painting niya.”

“Pilitin mo muna ako para pumayag ako.” Tila pang-aasar niya pa sa kaibigan.

“Hay naku, iyan tayo eh! Nagka-jowa ka lang kinalimutan mo na ang gumimik kasama ako. Kapag naging mag-asawa na kayo ni Ethan tsaka mo na kalimutan ang mga nakasanayan mong nigth life. Let me remind of you lang ha na dalaga ka pa rin until now at magkasintahan pa lang naman kayo ni Ethan.”

Hindi siya agad sumagot sa kaibigan. Speaking of pag-aasawa. Simula ng naging Boyfriend niya si Ethan kasal na lang talaga ang kulang sa kanila. Sa halos isang taon na ng relasyon nila ni Ethan hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na siyang nagpaubaya ng katawan rito.

Babae pa rin siya na naghahangad na alukin ng kasal mula sa lalaking mahal na mahal niya. Handa naman na siyang pumasok sa pag-aasawa. Nasa tamang edad naman na siya mas lalo na si Ethan. Kaya lamang ni hindi nga nila napag-uusapan ang bagay na iyon kaya naman iniiwasan din niyang magbukas ng topic nang tungkol doon sa nobyo kapag magkasama sila.

Nais niyang sa binata mismo kasi manggaling ang ganoong topic. At kung dumating man ang araw na aalukin na siya nito ng kasal isang mabilis na oo agad siya rito na tanging nais niya. Alam ng Diyos kung gaano niya ito kamahal kaya nangako siyang si Ethan na ang nais niyang makasama habang buhay.

Pero mukhang wala yata sa bokabolaryo ni Ethan ang salitang kasal. Minsan nga ipinagdarasal niya na sana ay mabuntis na siya. Baka kasi iyon ang maging daan para ito na mismo ang mag-alok ng kasal sa kaniya.

“Hoy! Ano ka na riyan at nanahimik ka na?” narinig niyang turan ni Shenna sa kabilang linya.

“Okay. Ang totoo niyan plano ko talaga na pumunta sa MB ngayon.”

“Wow! Talaga? Mabuti kung ganoon pala. Pero anong nakain mo? Iniisip ko pa naman na talagang hindi kita mapipilit, eh.”

“Wala naman. Na miss ko lang ang MB. Iyong mga ganap ba at kung ano ang pasabog nila ngayon sa loob. Isa pa, nakapagsabi naman na ako kay Ethan.”

“Thats great! So, magkita na lang tayo doon ng mga eleven ha.”

“Wait! Hindi ba tayo magsasabay papunta roon?”

“Hindi na. Doon na lamang tayo magkita.”

“Okay,” aniya.

Wala naman ng problema kung hindi niya makasabay si Shenna dahil marunong naman na siyang magmaneho at ang nobyo ang matiyagang nagturo sa kaniya at nagpalakas ng loob.

Nang mawala na si Shenna sa linya ay nagpasya siyang mag-asikaso na. May oras pa naman para makapag prepare siya. Pinili niya ang Isang simple pero eleganteng tingnan na dress na si Ethan mismo ang bumili para sa kaniya. Siya na rin ang nag-ayos ng kaniyang buhok at nag-make up sa sarili.

Makalipas lang ang halos isang oras na pag-aayos ay nagpasiya siyang umalis na pero magpaalam muna siya sa kaniyang Papa.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay muna nito sa kaniya.

“Masaya ako para sa iyo, Sweetheart. Ngayon ka na lamang ulit pupunta Ng MB at nakatitiyak Akong Hindi ka magsisise pagdalo mo na ito ngayong gabi.”

“What do you mean by that, dad?”

Ngumiti lang ang ama sa kaniya.

“Umalis ka na at nang hindi kamaabutan ng traffic. Ingat sa pagmamaneho.”

Nagtataka man siya sa ama ngayon ay  ipinagkibit balikat na lang niya iyon at humalik sa pisngi ng ama bago tuluyang umalis.

                *** Rhaime22 ***

Mask Bar Series: The man behind his mask (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon