ISANG malamlam na liwanag ng mga ilaw ang sumalubong kay Danna-ann pagkapasok niya sa loob ng mask bar.
Katulad ng dati noong kasama niya si Shenna ay may sumalubong din sa kaniya para tulungan siyang makahanap ng puwesto.
“This way ma’am,” anito sa kaniya ng staff na lalaki na sa tingin niya ay isa rin sa mga waiter ng bar.
Ang napili nitong puwesto para sa kaniya ay sa bandang dulo na bahagi ng dance area, na kung saan mayroong mga nagsasayawan na pareha sa saliw ng isang love song.
Nang mapansin niya ang bote ng isang brandy na nakapatong sa table ay ipinagtaka niya iyon. Tila may nakapwesto na roon dahil may alak nang nakalapag. Kaya nagtanong siya sa waiter.
“Ahm, hindi kaya may nakapwesto na rito?”
“Wala po, Ma’am.”
“Pero kasi may nakalagay ng alak sa lamesa, eh.”
“Ahm, sadyang nakalagay na po iyan riyan. Pa-free po iyan ng MB para sa mga katulad ninyo pong mga guest.”
“MB?” tanong niya sapagkat bago iyon sa kaniyang pangdinig.
“ MB, na ang ibig sabihin po ay pinaikling word lamang ng mask bar, ma’am.”
“Ahh. . .”
Matapos marinig mula iyon sa waiter ay nagpalam na rin ito sa kaniya kaya agad siyang nagpasalamat sa ginawang pag-assist nito sa kaniya sa loob.
“Thank you,” wika niya sa lalaki. Ngumiti naman ito sa kaniya bago siya tuluyang iniwanan.
Habang nakaupo, iginala niya ang paningin higit lalo sa mga taong nagkalat sa kung saan-saan bahagi ng MB, short name for mask bar nga raw. Napansin niyang malaki ang pagkakaiba ng MB ngayon kumpara sa noong napuntahan nila ng kaibigan si Shenna.
Paikot ang pwesto ng mga chairs and table at ang dance area ay nasa pinaka center place. May bandang siyang tumutugtog kung saan nagmumula ang mga lovesong music.
Napansin din niyang mas marami rin ang walang nakamaskara sa paligid kompara noong unang makapasok siya ng MB. Iilan-ilan lang ang nakikita niya na mga mayroon suot.
Natatandaan niya ang itsura ng suot na maskara ni Code Zero. Iyon lang ang tanging basehan niya.
Sa mga nakikita niyang iilan na naroroon na mga nakamaskara ay hindi niya pa nakikita ang katulad ng kay Code Zero.
Tiningnan niya ang oras sa suot na relo. Alas onse pasado na. Marahil siguro wala pa si Code Zero at naniniwala siyang hindi man niya ito makita ng kaniyang mga mata siguro naman ay ito mismo ang lalapit sa kaniya oras na makita siyang narito na siya.
Hindi niya ugali ang maghintay, sapagkat mas gusto niyang siya ang hinihintay pero ngayon handa siyang maghintay sa paglapit ni Zero sa kaniya. Sana nga lang ay lumapit nga ito sa kaniya.
Kapag lumapit ito sa kaniya ngayon tsaka na siya gagawa ng hakbang. Ayaw niyang masayang ang effort niya sa pagpunta rito ng walang malinaw na resulta pagkatapos.
Dumako ang paningin niya sa alak na nakalapag sa mesa. May baso na rin doon. Tila iyon nag-aanyaya na inumin niya. Wala naman sigurong masama kung kukuha siya roon para inumin. Sinabi naman kasi ng waiter kanina para talaga sa katulad niyang guest ang alak na iyon.
BINABASA MO ANG
Mask Bar Series: The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...