ISANG lalaking nakamaskara ang tahimik na nakaupo sa isang silya at may mamahaling alak na nakalapag sa mesang naroon din na panaka-nakang iniinom nito. Hindi nito inaalis ang paningin sa pinaka entrance door ng Mask bar. May nais siyang makitang pumasok doon para sa gabing iyon.Maya-maya isang babaeng tulad niyang nakamaskara din ang lumapit sa kaniya para kunin ang kaniyang atensiyon. Hindi naging sagabal ang suot nitong maskara para hindi niya ito makilala sapagkat iyon lamang naman ang maskarang ginagamit nito kapag nasa loob ng MB.
“I like the design of your new mask and the color of your eyes. Is that Natural?” malambing na turan ng babae na nakamaskara sa kaniya.
“Thank you for this mask, Butterfly. Maaasahan kang talaga.”
“Of course. Basta ikaw ang mag-request ng kahit na ano gagawin ko. Ganiyan ka kalakas sa akin,” malambing pa rin na muling turan nito..
“And about my eyes. No, I have contact lenses. Pinasadya ko lang na dapat same color lang siya ng eyes ko lalo at bago ang suot kong maskara,” ani naman ng lalaki rito.
“Ah, siya nga pala dala ko na rin ang isa mo pang request. Here.” Sabay lapag nito ng maliit na kulay itim na box sa harap mismo ng lalaki.
Umaliwalas ang mata ng lalaking nakamaskara nang makita iyon. Agad nitong dinampot ang inilapag ni Butterfly sa mesa at tsaka binuksan. Bumahid ang pagkamangha sa paningin niya sa bagay na ngayon ay tangan na bahagyang pinapaikot-ikot pa habang maingat na hawak. Kumikislap ang mga maliliit na batong naroon
“This is so beautiful. Alam kong magugustuhan niya ang pagkakagawa mo ng disenyo nito.”
“Of course! Being a famous jewelry designer madali na lang sa akin makuha ang gustong pasadyang disenyo ng kliyente ko tulad mo. Hindi ba nga kaya sumikat ang Mystique Jewelry store here and Abroad. Ang pagiging magaling ko sa craft na iyan ang naging tatak ng Mystique Jewelry.”
Mababanaag sa boses ni Butterfly ang pagmamalaki sa tinurang iyon.
“Yeah, I know. Ita-transfer ko agad ang bayad nito as soon as possible. I will make it double para sa effort mo.”
“That was great, my man” turan ni Butterfly na ang lapad ng ngiti sa labi. “Malaki ang maitutulong ng idaragdag mong bayad dahil sa House of hope na sinusuportahan ko din iyan ibibigay. Anyways, everything is ready. Presence na lang niya ang kulang para sa surprise mo na ito para sa kaniya na magaganap dito sa loob ng MB. Are you sure na darating siya?”
“Yeah.” Confident na sagot ng lalaki kay Butterfly.
Tulad niya ang pangalan na gamit nito ay codename lang din. Bilang tulad nilang mga exclusive member ng Mask bar required silang sa mga codename magtawagan kapag nasa loob at kung nasa labas naman na sila at tapos na ang gabing iyon para sa kasiyahant. Tsaka sila nagtatawagan ng kani-kanilang totoong pangalan.
Ang lahat ng exclusive member ng Mask bar ay magkakakilala sa personal. Kung ikaw ay mahilig sa mga kakaibang trip na ang nais ay enjoyment at handang magwaldas ng pera swak ang Mask bar para sa tulad mo na magpa miyembro, ngunit kapalit nito ang mga mahihigpit na rules sa loob at labas na may kinalaman din rito.
“Excited na ako para sa gabing ito. As far as I know ngayon lang yata magiging formal ang gabing ito para sa MB.”
“Mask bar is so special to me at alam mo iyan, Butterfly. Ikaw ang dahilan bakit ako naging member nito. Thank you so much.”
“Your welcome, my man. Anyway, may approval na ang founder ng MB sa nais mong mangyari sa loob ng bar pagdating ng iyong special visitor. Isa pa pala sa katulad ng gusto mo rin para sa mahalagang okasyon na magaganap. Ang invited lang dito ngayon ay mga piling exclusive member na may mga invited guest.
BINABASA MO ANG
Mask Bar Series: The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...