Matapos ang nangyari kanina, bumalik na ako sa loob para mag simulang mag ikot. Hindi lang naman ang kasiyahan ang pakay ko dito sa totoo lang pero mukhang mau-udlot na 'to dahil sa kasunduan namin ng mahal na prinsesa.
"Kamahalan, anong ginagawa n'yo dito? Hindi ba't na sa labas dapat kayo para mag saya?"
Hindi na ako nag aksaya ng oras para lingunin ang taong nakatayo sa likod ko.
"Huwag kang mag patawa, kaarawan mo rin naman ito, hindi ba?" Mapaklang saad ko.
Natawa naman ito dahil sa sinabi ko. Tinignan ko naman s'ya nang tumabi ito sa'kin. "Kahit kailan talaga ay napaka lamig pa rin nang pakikitungo mo sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ay hindi mo ako tunay na kapatid."
"Hindi naman talaga," bulong ko.
"HAHA, Kamahalan, alam ko naman na noon pa lang ay ayaw mo na sa'kin, ngunit ano ba ang magagawa ko, iisa lang ang ating ina't ama, hindi ba't dapat ay matuwa ka dahil nagkaroon ka ng mabait na kakambal?"
Nilingon ko s'ya nang banggitin n'ya ang mga salitang 'yon. "Kahit kailan man ay hindi kita itinuring na kapatid. Kahit kambal pa tayo." Saad ko.
Tinitigan ko s'ya mula ulo hanggang baba. Masasabi kong kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa taglay nitong kagandahan. Daig pa n'ya ang isang Diyosa na naligaw lang dito sa mundo. Mula sa napaka garbo nitong kasuotan, mas lalong lumitaw ang kagandahan niyang taglay dahil sa ayos niya ngayon.
"Hindi ko alam kung bakit ako ang na naman ang nakita mo, bukod sa mag kamukha kami ng prinsesa, hindi ba't dapat matakot ka dahil baka sa mga oras na ito ay alam na ng mahal na hari." Saad ko at uminom ng wine sa kopitang hawak ko.
Mula sa pwesto namin, tanaw na tanaw namin ang buong palasyo, gano'n na rin ang mga taong nag kakasiyahan sa labas. Kahit madilim ay masasabi kong pinag handaan talaga ang kasiyahang ito.
"Hindi kita lalapitan kung hindi alam ng mahal kong ama."
Napalingon ako sa kanya dahil sa binanggit nito. "Hindi ko alam na mag kakilala pala kayo ni Philip."
Napakagat ako nang labi dahil sa sinabi nito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," mariing saad ko.
Natawa naman ito dahil sa inasal ko. "Huwag ka nang mag maang-maangan pa. Hindi naman ako bingi para hindi marinig ang usapan n'yo sa hardin kanina."
Tahimik na lang akong nakinig sa kaniya. Alam ko naman na kahit anong sabihin ko ay wala na rin akong mapapala.
"Aife, sabihin mo, bilang isang mamamayan ng bayan na 'to, paano nga ba mapapatigil ng palasyo ang kagutuman na dinaranas ng mga mamamayan?"
Kunot noo kong tinitigan ang ilang sebilyan sa kabilang hardin na ngayon ay nag pu-puslit ng mga pagkain galing sa kusina. Napakuyom ako ng kamay.
"Hindi ba't may kasagutan ka dapat sa katanungan mong 'yan. Matalino ka hindi ba? Bakit hindi mo ata ginagamit ang utak mo." Saad ko.
Nilingon ko naman s'yang muli at bakas sa maamo nitong mukha ang galit. "Hindi ko alam na matabas pala ang dila ng asong kagaya mo." Saad n'ya at marahas na binaba ang kopitang hawak. Nilapitan naman ako nito dahilan para mapasandal ako sa hambana ng beranda.
"At hindi ko rin alam na makitid pa rin pala ang utak mo para lapitan ako." Saad ko.
Sinakal ako nito dahilan para madulas ako. Kulang na lang ay mapasigaw ako sa takot dahil sa nangyari. Ramdam kong naka abang na sa baba ang kalhati ng katawan ko. Mariin akong humawak sa kamay nito.
"Nais ko lang malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isipan mo dahilan para mag pakita ngayon sa kasiyahan. Sa katunayan ay kanina pa kita minamanmanan at mukhang may ibang pakay ka rin dito sa palasyo." Saad nito.
Napapikit ako nang mariin dahil sa kaba at galit na nararamdaman ko. Hindi ganito ang kamatayan na gusto kong mangyari.
"Bi-bitiwan ko ako."
Ngumisi naman ito at marahas akong tinulak sa pader, dahilan para mapa upo ako. Hawak ang leeg ko, sinubukan kong tumayo kahit nangangatog na ang mga tuhod ko.
"Sinasabi ko sayo Aife, sundin mo lang ang usapan natin at hindi mapapahamak ang pamilya mo. Huwag mo nang tangkain na sirain ang gabing ito." Saad n'ya at nag lakad na paalis.
"Malaki ata ang sira sa ulo ng babaeng 'yon," bulong ko.
"Wow. Ang gandang palabas naman ng pinakita n'yo."
Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ng babaeng kanina ko pa hinihintay.
"Aife, kakaiba ka talaga. Mukhang tama ako sa pag pili sayo."
Napahilamos ako ng mukha dahil sa sinabi nito. Eto na nga ba ang sinasabi ko.
"Kamahalan, alam kong may idea ka na sa nangyari kanina." Saad ko.
Nilapitan ako nito at marahang inayos ang damit kong nalukot kanina.
"Oo naman. Hindi ko aakalain na ang kagaya mo pala ang makikilala ko. Akalain mo 'yon, akala ko ay kakambal ko ang nahanap ko pero mukhang kakambal pa ata ng iba ang na-bingwit ko." Natatawang saad nito.
Huminga ako nang malalim para isiksik sa isipan ko ang lahat ng nangyayari. "Hindi ko rin alam na mangyayari 'to." Saad ko at lumagok sa kopitang hawak n'ya.
Kibit balikat itong umupo at tinitigan ako. "Mukhang matutuwa ang ina ko kapag nalaman n'yang may anak sa labas ang dating mahal na hari." Natatawang saad n'ya. Halos manlamig ang mga daliri ko sa kamay dahil sa sinabi nito.
Mali ka ng iniisip.
"Na sa'yo kung gusto mong sabihin sa mahal na reyna ang totoo." Saad ko. Umalis na ako sa pwesto ko para iwasan ito. Huminto muna ako sa kusina para silipin kung ando'n pa ang mga kapatid ko, gano'n na rin ang pinaka mamahal kong ina.
"Alam ba ito ng pamilya mo?"
Napakuyom ako ng kamao nang marinig ko ang sinabi nito. "Wala. At wala rin akong balak na ipaalam pa sa kanila." Mariing saad ko.
Tanging halakhak ang bumalot sa pasilyo habang naglalakad kami pabalik sa loob. Kahit malalim na ang gabi, tuloy pa rin ang kasiyahan ng mga mahaharlika. Mula sa mga nag kikinangan nilang ginto, sa magagarbo nilang mga kasuotan, sa tindig at postura nila, masasabi ko talagang mga kilalang pamilya, angkan, at kaibigan ang andito.
"Kung sa inyong mamarapatin, maari ba kitang isayaw, binibini?"
Napatitig kaming dalawa ni Lilibeth sa lalaking ngayon ay nakaluhod na sa harapan namin. Hindi ko kilala ito dahil sa suot nitong maskara.
"Oh, ginoo, kaninong kamay ba ang nais mong mahawakan?" Natatawang saad ng katabi ko.
Wala akong balak makipag sayaw ngayong gabi. Sira na ang mood ko. Gusto ko na lang umuwi at humiga. Ramdam na ramdam ko na rin ang pagod sa'king katawan.
"Kung inyong pahihintulutan kamahalan ay kay prinsesa Zirana sana-"
"Hindi maari dahil s'ya ang aking katambal ngayong gabi."
Halos naman ang mga mata ko nang makita ko sa likuran n'ya ang bagong hinirang na hari.
To be continue...
BINABASA MO ANG
Sanctuary Blessings (Knight series 1)
Mystery / ThrillerThe scent of flower drew a mystery feelings. An abyss she had fallen into, that bore pain, brought death, milked blood were tracing over her skin like it was made out of crystal glass. As she face the consiquences, something sinister bore down on th...