Chapter 3

39 14 60
                                    

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko nang makita ko na naman ang pares ng mga mata na 'yon. Parang gustong umatras ng mga paa ko, pero hindi man lang ako makagalaw na para bang paralyisado.

"Ate? Ayos ka lang ba?" May halong pagtataka at pag aalalang himig sakin ni Nihaiza. "Oo, ayos lang ako." Saad ko at mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay ng mga kapatid ko.

Kahit nanlalambot ay sinundan pa rin namin ang mga kasama namin papasok. Alam kong nakasunod sa'kin ang mga matang iyon ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang ito. Tanging yabag lang ang naririnig ko dahil sa katahimikan. Binabaybay namin ngayon ang isang pasilyo na may gintong sahig at gintong pader na may mga kung anong itim na palamuti. Nakaabot kami sa isa pang ginintuang pinto na may dalawang sundalo ang nagbabantay. Batid kong sa loob nito ay ang kasiyahan na aming pinuntahan dahil sa musika na aking nadidinig.

Naramdaman kong humigpit ang kapit sa'kin ni Den marahil kinakabahan. "Ate? Andito din ba si inay? Uwi na tayo po. Kinakabahan ako, ate." mahinang saad ng kapatid ko. Niyuko ko ito upang mapakalma. "Uuwi din tayo mamaya, ha? Basta huwag kang lalayo kay ate. Naiintindihan mo ba?" Mahinahon kong paliwanag na ikinatango niya.

Saktong pagtayo ko ay siya namang pagdating ng isang babae. Base sa itsura nito, may katandaan na din ito at mukhang masungit dahil nakaarko ang kilay nito sa amin na para bang hindi pabor sa kanya ang pagtapak namin sa palasyo.

Binuksan pa nito ang pamaypay bago nagsalita. "Makinig kayo. Ang kasiyahang ito ay maari lamang umabot ng alas nueve para sa inyo. Madaming panauhin at mas mga importanteng tao pa ang dadalo mamaya kaya hanggat maari ay maaga namin kayong paalisin." Mataray nitong saad. Narinig ko ang pagsinghap at bulong ng iba marahil sa pagkabigla. Aaminin kong kahit ako ay nagulat pero hindi na ako nagtaka sapagkat ang mahihirap na kagaya ko ay hindi talaga dapat imbitado sa ganitong kasiyahan.

Tinitigan niya pa kami isa-isa hanggang sa dumapo ang kanyang tingin sa gawi ko. Napahigpit bigla ang hawak ko sa kamay ng kapatid ko nang tignan ako nito mula ulo-pababa. "Ikaw!" Nabigla naman ako ng tinuro nito sakin ang hawak. Lumingon pa ako sa likod at kaliwa't kanan bago sumulyap sa ginang.

"A-Ako po ba?" Kabado kong saad. Alam kong nasa akin na ang lahat ng atensyon ng mga kasama ko.

"Oo. Ikaw babaeng pilak ang buhok, sumunod ka sa akin." Mataray nitong saad bago naglakad patalikod. Hindi ako gumalaw sa kinakatayuan ko. Panigurado naramdaman niya ito dahil lumingin itong muli sa amin na may galit at pagtataka sa mata.

Lumunok muna ako bago nagsalita. "Paumanhin, gusto kong sumunod ngunit may mga kapatid akong kailangan alagaan at samahan." Mahinahon kong saad. Nanliliksi ang mga mata nitong sinulyapan ako at ang mga kapatid ko.

"Lecia!"

Malakas nitong saad na nakapagpagulat sa amin. Lumabas sa likod namin ang ilang kasambahay na may itim at puting kasuotan.

"Kayo na ang bahala sa dalawang batang kasama niya. Naiintindihan niyo ba?" Masungit nitong saad.

"Masusunod po." Saad ng mga kasambahay.

Halos itakbo ko ang mga kapatid ko papalayo dahil sa inis. "Teka lang! Ano bang kailangan mo sa akin?!" matapang kong saad.

Halos mag iba na ang simoy ng hangin sa paligid ko dahil sa katahimikang bumabalot.

Hinirap ulit ako ng matandang babae. "Huwag kanang madaming tanong. Mamili ka, sasama ka o lahat ng mga kasama mo ay palalayasin ko lalo na ang mga kapatid mo." seryoso nitong saad.

Hindi ko alam ngunit galit na ang nararamdaman ko ngayon. Tinignan ko din ang mga kasama ko pero nag iwas lang sila ng tingin, marahil ayaw madamay sa gulong nangyayari ngayon.

Sanctuary Blessings (Knight series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon