Chapter 1

69 21 100
                                    

Dedicated to nikayzxs

"Aife, Pakibuhat na ang mga panggatong para makapag simula nang magluto!"

Bumalik ako sa ulirat ko nang marinig ko ang boses ng ina ko. Andito kasi kami sa likod ng bahay at nagsisibak ako ng kahoy para sa gagamiting panggatong. Espesyal kasi ang araw na 'to dahil kalat na ang balita na dadayo daw ang mga mahaharlika sa aming lugar.

Hindi ba kataka-taka 'yon dahil napaka imposibleng dumayo ang mga mayayaman sa napakahirap at napakaliit na bayan na 'to.

"Ate! Kanina pa ikaw tawag nay-nay!" Sigaw ng bunso kong kapatid na ikinatawa ko. Ginulo ko muna ang buhok niya bago ko buhatin ang nasibak na kahoy.

Aaminin kong hindi madali ang buhay namin sa bayan. Araw-araw ay nakikipagsapalaran kami sa kabilang bayan lang para makakuha ng pang kain. Swerte na lang kami kung makakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

"Inay, saan ko po 'to ilalapag?" tanong ko nang makapasok ako sa maliit at baro-baro naming tahanan.

Tuloy lang ito sa ginagawa niya habang nagki-kis-kis. "Sa sulok na lang, pagkatapos mo d'yan ay tulungan mong maligo at magpalit ng damit 'yang kapatid mo para naman magmukha tayong disente mamaya," sagot niya habang abala sa paggawa ng apoy gamit ang tuyong kahoy.

Hindi na ako nag atubiling nilagay ang mga kahoy sa sulok at lumabas na para paliguan ang bunso kong kapatid.

Hindi kasi siya maaring iwanan ng mag isa sa Lawa dahil napakabata niya pa at wala din kaming pagkakatiwalaan.

"Ate! Ligo! Ligo!" Nagtatalong sigaw ng kapatid ko. Sinalubong ako sa bakuran ng may mga ngiti sa labi.

'Nakakagaan ng pakiramdam ang ngiti niyang 'yon'

"Halika na, Delvin. Maliligo na tayo!" natatawa kong sigaw at binuhat ang anim na taong gulang kong kapatid.

Dito sa bayan namin, limitado lang ang palikurang magagamit dahil mahirap din ang maka igib ng tubig. Lalo na ngayon, darating ang mga kilalang maharlika ng iba't ibang palasyo kaya mahirap ang makasingit.

"Aife, ligo batis!" natatawang sigaw nito habang nilalaro ang pilak kong buhok. Saktong kalalabas lang namin ng pinto nang dumating ang isa ko pang kapatid na si Nihaiza, habang buhat-buhat ang ilang sangkap na gagamitin sa pang luto.

"Ate? Saan kayo pupunta ni Delvin?" takang tanong niya sa'kin.

"Pupunta kami sa lawa, sasama ka ba?" nakangiti kong saad habang nilalagpasan na siya.

Hindi ko na narinig ang sagot nito marahil hindi siya sasama. Sanay na ako sa ugali niyang 'yon dahil kagaya ko, hindi din siya palasalita pero kapag nasa mood naman ay mas daig niya pa ang bunso naming kapatid sa kakulitan.

"Ate? Uuwi papa?" bulong ng kapatid ko habang nakayakap pa sa'kin nang mahigpit.

Sandali akong natigilan at tinitigan ang kapatid kong walang ka-alam alam. Mahina akong napabuntong hininga bago ito sinagot. "Hindi, baka sa susunod pang mga araw,"

"Eh, paano ate 'yon? Pagkain natin?" inosente pa nitong tanong na nakapag pabuntong ulit sa'kin ng hininga.

"Delvin, si ate na bahala doon basta maliligo tayo ngayon kasi amoy tuba na ikaw." Pangungulit kong saad sa kapatid ko na ikinatawa naman niya.

Ilang minuto din ang nilakad ko bago namin marating ang tagong lawa ng Gesha. Ako at ang mga kapatid ko lang ang nagpupunta sa lawang nagtatago sa bayan namin. Malapit kasi ito sa gubat at alam kong walang sino man ang nagpapahangas na pumunta dito dahil sa takot na makalagpas sa linya.

Sanctuary Blessings (Knight series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon