Chapter 2

52 15 71
                                    

Tahimik lang ako hanggang sa makalabas ako ng kwarto.

Hindi ko naabutan sila ina at Nihaiza sa kusina. Marahil nasa labas na sila para maligo.

Nilapitan ko naman ang niluluto ni ina para sipatin kung maari ko na ba itong alisin sa palayok. Naisipan ni ina na magluto ng ilang kakanin para sa maibigay ito sa mga panauhing darating.

Akmang kukuha na sana ako ng unti nang sumulpot sa harapan ko si Ayla, ang kaibigan ko. Nakasuot ito ng puting bistida na may haba hanggang tuhod at manggas na hanggang siko, samantalang ang buhok nito ay nakapusod ng isa at may kulot pa sa gilid ng tainga. Napaka gandang binibini.

"Aife! Halika na, malapit na daw dumating ang mga panauhin!" Nakangiting saad nito habang hinihila ako.

Nabitawan ko naman ang hawak kong tinidor dahil dumulas ito sa kamay ko marahil sa mantikang nakadikit.

"Ay, pasensya na," kamot ulo nitong saad na ikinatango ko na lang.

Nagpapadyak naman ito dahil ayaw na ayaw niya ang katahimikan ko. "Ano ka ba naman Aife, ang tahimik mo talaga. Iisipin ko na lang na ayaw mo na sa'kin." Nagtatampong saad nito.

Natawa naman ako sa inasal niya. Sa katunayan ay hindi naman talaga ako masungit, sadyang malalim lang ang iniisip ko.

"Ikaw talaga Ayla, halika na nga. Baka nandoon na din sila ina sa labas." Nakangiti kong saad at marahan siyang hinawakan sa kamay at ginaya papalabas.

Yumakap naman siya sa braso ko habang naglalakad kami patungo sa gilid ng daan dahil may ilang kawal na din ang nakaharang kaya hindi na kami makakalampas pa. Madami na din ang mga tao pero hindi ko pa din makita ang magulang at mga kapatid ko.

Lumingon pa ako sa kaliwa't kanan bago nagtanong kay Ayla. "Nasaan sila ina? Hindi ko sila makita?" tanong ko at muling nilibot pa ang aking paningin.

"Ha? Sila pa nga nagpatawag sayo, baka nasa tabi-tabi lang sila."

Napabuntong hininga na lang ako at nakisabay na lang din sa pag a-abang. Nasa unahan kami ni Ayla kaya hindi na namin kailangan pang makipag gitgitan. Sa katunayan nga ay wala akong planong manood ng parada dahil sa antok na aking nararamdaman. Naglagay kasi ako ng patibong sa gubat para mamayang gabi, plano ko kasing manghuli muli ng baboy para sa uulamin namin sa susunod na buwan.

Tumahimik na lang akong muli at naghintay. Hindi pa man nag i-init ang paa ko ay nagsimula ng magkagulo ang mga tao, marahil paparating na ang mga mahaharlika. Mula sa dulo ay unti-unti ko nang natatanaw ang papalapit na mga kawal habang ang iba ay nakasakay sa kabayo. Hindi ko matanaw ng malinaw pero batid kong sa likod ng mga telang bitbit ng mga ito ay ang magagarbong kalesang sasakyan.

"Andyan na sila, Aife!" Tili ngunit impit na saad ni Ayla habang nakatingkad. Napairap na lang ako dahil wala naman akong pake kung andyan sila o wala. Naramdaman ko pa ang paghawak nitong muli sa'kin braso bago bumulong.

"Alam mo ba? Nakasagap ako ng balita mula sa ilang katulong ng palasyo. Ang sabi nila ay dadalo din daw ang mga binatang anak ng hari't reyna. Ibig sabihin masisilayan natin ang mga prinsipe at prinsesa ng ibang palasyo." Masayang saad nito at muling hinila ang manggas na suot ko.

Mabuti na lamang ay naisipan kong mag suot ng damit pangloob dahil masisira ata ni Ayla ang manggas ko sa kahihila niya. Parehas lang kami ng suot ngunit kulay ang pinagkaiba.

"Hindi ako interesado atsaka, magdahan dahan ka sa kahihila, malapit mo nang mapunit ang damit ko." bagot kong saad na ikinanguso niya. Binalik ko na lang ulit ang aking tingin sa daan at saktong pagharap ko ay siyang pagtigil ng mga sasakyang kalesa.

Sanctuary Blessings (Knight series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon