Hindi ko maiwasan ang mapangisi dahil sa narinig ko.
Nag papatawa ka ba?
Inangat ko ang aking mukha na may bahid ng gulat dahil sa sinabi nito. "Ngunit ang ganyang klaseng kasunduan ay hindi dapat basta-basta iasa sa iba. Hindi ka ba natatakot na ipagkalat ko sa bayan na nawawala ang mahal na prinsesa?"
Ramdam na ramdam ko ang tensyon na pumapalibot ngayon sa apat na sulok na silid na 'to. Kasabay ng halimuyak ng mabangong aroma ay s'ya namang pagdaan nang malamig na hangin dahil sa bukas na bintana.
"Bakit pa ako matatakot kung kaya naman kitang paslangin bago mo pa 'yan magawa." Seryosong saad nito na ngayon ay may bahid na nang galit at puot ang kanyang mga mata.
Napalunok na lang ako dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa alok n'ya.
"Paano kung tumutol ako?" Matapang kong saad at sinalubong ang kanyang mga tingin.
"Simple lang, papaslangin pa rin kita dahil nalaman mo na ang katotohanan, gano'n din ang iyong pamilya." Kalmado nitong saad at tumalikod na patungo sa kanyang higaan at na upo.
Dumaretso naman ako nang tuwid at marahan napasabubot sa'king buhok.
"Pero anong dahilan para alukin mo ako ng ganito. Hindi ba't isang kataksilan ang hindi pagsabi ng totoo?"
"Huwag mong intindihin 'yon dahil kaya ko nang asikasuhin ang bagay na 'yan. Ang mahalaga lang ay nasa tabi kita hanggang matapos ang kasiyahan."
Sinundan ko naman nang tingin ang ginagawa nito. Naglalabas na s'ya ng iba't ibang klaseng damit na mukhang pagmamay-ari ng nawawalang prinsesa.
"Para saan ba ang kasiyahang ito?" Tanong ko at nilapitan s'ya upang suriin ang mga damit na nakalatag ngayon sa kama.
"Ipapakilala ang magiging bagong hari ngayong gabi at bilang prinsesa ng kaharian, kailangan na nasa harapan tayo ng buong nasasakupan at para na rin malaman kung sino ba ang nakatakdan-"
Tumango lang ako at pinutol ko na ang sasabihin nito dahil inip na inip na rin ako. Hinablot ko na lang ang bistidang nahagip ng mata ko. "Sasama lang naman ako sayo diba? Sige pumapayag na ako. Huwag mo lang gagalawin ang pamilya ko, kaya gusto ko na mangako ka na tutuparin mo ang usapan." Seryoso kong saad at nag lakad na papunta sa katulong na kanina pa nag hihintay sa pinto.
"Kahit anong kahilingan ay tutuparin ko." bulong nito.
Nagpaalam na ako at sumunod na sa kasambahay na maghahatid sa'kin sa pribadong paliguan para ayusan.
Hindi rin kami nag tagal dahil ang mga kakailanganin kong suutin ay nakahanda na sa silid ng nawawalang prinsesa. Kahit na tutol ako ay mas inisip ko pa rin ang kapakanan ng aking ina't mga kapatid na walang alam sa nangyayari.
Habang binabaybay ang hagdan, hindi ko na maiwasan ang kabahan at matakot dahil sa mga titig na aking natatanggap. Kasabay ng musika ang s'yang mga bulungan sa paligid.
"Magandang gabi sa inyo kamahalan," Napalingon naman ako sa taong nagsalita sa likod ko.
Bakas man ang gulat sa'king mukha ay pilit ko pa ring pinag mukhang seryoso ang aking ekspresyon. Hindi ko makakaila na namangha ako sa taglay na ka-gwapuhan ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Magandang gabi. Ano ang kailangan mo?" Malamig kong saad at pinag patuloy lang ang paglilibot ng aking mata sa paligid.
"Wala naman, nabahala lang ako nang makita ko ang isang binibini na nag i-isa." Saad nito at tinabihan ako. Lumayo naman ako na ikinagulat n'ya.
"Una sa lahat, hindi ako mag-isa. Pangalawa ay wala akong oras makipag harutan kung 'yan lang ang pinuntan mo sa harap ko." Daretso kong saad na nakapag pahalakhak sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sanctuary Blessings (Knight series 1)
Mistério / SuspenseThe scent of flower drew a mystery feelings. An abyss she had fallen into, that bore pain, brought death, milked blood were tracing over her skin like it was made out of crystal glass. As she face the consiquences, something sinister bore down on th...