Nagbabasa lang ako ng libro habang hinihintay ang next teacher namin. 'Di ko alam kung anong silbi ng pag-aaral na'to, ang gusto ko lang naman magpahinga habang buhay.
"Zariana! Tara na kasi, magcutting na tayo. Minsan lang naman e." kanina pa nangunglit sa'kin si Rina, pano ba naman kasi may concert sa mall ang iniidolo niyang singer kaso tinatamad akong samahan siya.
"Papagalitan tayo nila mama pag nalamang niyang 'di natin inaayos ang pag aaral natin."
"Ngayon lang naman! Dali na kasi! Parang awa mo naaaa! 2 hours nalang oh magsastart na concert niya! Kailangan pa na'ting bumyahe ng 1 hour para makarating sa venue."
"Ayaw ko nga, may quiz tayo ngayon."
"Sige, ako nalang mag isa babyahe. Habang buhay kang makokonsensya pagmay nangyaring masama sa'kin."
"Rina." nagbabantang tawag ko sa kanya.
"Sige na kasi, minsan lang pumupunta si Deither dito. Sayang din 'yung binili kong ticket, vip pa naman. Isang taong baon ko rin 'yung pinag-iponan ko." Pagmamakakaawa niya sa'kin.
"Sige na, sige na. Tara na, ikaw bahala kay mama pagnapagalitan tayo."
"Yes!!! ako na bahala kay tita! Promise! Ano pang hinihintay mo? Tara na! Baka mahuli tayo." napailing ako dahil sobrang saya ng mukha niya. Patay talaga kami kay mama pagnalaman na pumunta kami sa malayong lugar na di nagpapaalam.
Siya lang din ang manonood kasi siya lang naman ang may ticket, siguro sa mall nalang ako tatambay na katabi ng venue.
-Nakasakay na kami ng jeep, 'di mapakali si Rina sa tabi ko. Bigla-bigla nalang ngingiti, sobrang excited e.
Pagkalipas ng isang oras, sa wakas nakarating din sa venue.
"Sa mall nalang ako tatambay, itext mo'ko pag may kailangan ka."
"Sige-sigee, 'wag mo'ko iiwan ha!"
"Aba malamang, kargo ng konsensya ko pagnawala ka dito-oh siya pumasok ka na don!" pagpapaalis ko sa kanya.
Madaming napapatingin sa'min, dahil siguro nakaschool uniform kami.
'Di ko nalang sila pinansin at dumeretso sa mall. 10am palang ngayon. Medyo madaming tao ngayon sa mall, siguro maya-maya mawawala rin 'to pagnagstart na ang concert.
Pumunta ako school supplies area para magtingin-tingin. Oh diba, nagcutting nga ako at least tungkol pa rin sa pag-aaral ang inaatupag ko.
Ang gaganda ng mga tinda, gusto ko sana bumili kaso wala akong pera kaya nevermind.
Nagtext si Rina sa'kin na bilhan ko daw siya ng makakain, di daw siya makapasok sa mall kasi andaming tao sa entrance at tinatamad siyang makipagsiksikan. Inutosan pa'ko, wala akong pera. 'Di joke lang, may pera ako pero 'di pwedeng waldasin. Babayaran naman daw ako ni Rina tapos may interes pa raw kaya bumili na agad ako.
Pumila ako sa isang food stall dito. Napatingin ako sa kabilang food stall, chicken intestine ang benebenta do'n.
Biglang nagkagulo nang may isang babaeng nangisay sa sahig. Nagkagulo ang mga tao at may tumawag ng medic. Mabilis na dumami ang tao at pinalibutan ang nangingisay na babae. Andaming mga chismosa at chismoso. Nawawalan ng oxygen 'yong babaeng nasa gitna nila.
'Di na'ko nakichismiss, wala naman akong mapapala.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain para kay Rina, lalabas na sana ako pero biglang nagkagulo ang mga tao.
Napalingon ako sa kanila, nagtatakbohan ng iba't ibang direksyon.
Narinig kong may nagmessage sa phone ko.
BINABASA MO ANG
Virus Spread
ActionZariana Ellie Perez is a loving daughter and sister, seen by everyone as a fragile treasure. Despite her delicate appearance, she has endured much, both physically and mentally, at a young age. In a zombie apocalypse, will she have what it takes to...