Chapter 3 : Mission

7 4 0
                                    

Malawak ang store na napasokan namin. Nililibot ko ngayon ang buong store. Madaming mga bagay na hula ko ay mapapakinabangan namin, di ko lang masabi kung ano-ano 'tong mga nakadisplay dito dahil puro korean at hindi ko mabasa, pero pwede naman namin buksan tapos sabay tapon kung walang kwenta, wala naman kaming babayaran e.

Nililibot ko ngayon ang buong store.

May nakita din akong isang pinto pa sa store na'to. Nakadando din 'yon sa labas pero naghanap ako ng pwedeng iharang don. May nakita akong lamesa na pwede na iharang. Kinuha ko 'yon at dahan-dahan na hinila kasi mabigat tapos kung lalakasan ko ng hila baka marinig ng mga zombies sa labas.

Inangat ko ang lamesa na nasa banda ko para hindi malakas ang magagawang ingay ng lamesa.

Iniisip ko ngayon kung makakasurvive ba kami sa nangyayari sa mundo ngayon. Kamusta na din kaya sila mama at mga kapatid ko? Pati Rina, di ko na sila macocontact, bukod sa wala na ang cellphone ko, di ko din kabisado ang number nila kung makakahiram ako ng cellphone pangcontact. Mas nakakatakot pa 'tong nangyayari ngayon kesa sa nangyayari sa baranggay namin na bali-balitang may malignong gumagala.

"Zariana"

"Zariana"

"Hey." Sa lalim ng iniisip ko nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Ay maligno!" Nabitawan ko pa 'yong lamesa tapos tumama pa sa paa ko. Napapikit ako sa sakit ng pagkatama, inaabot ko 'yong paa ko para mapisil ko. Tahimik kong iniinda ang sakit na nararamdaman ko, tangina parang mapuputol ata paa ko.

Nakapaa pa naman ako kasi nabu-bwesit ako sa school shoes na suot ko, ang sakit sa paa.

"I'm sorry! Gezz!" lumuhod si Warren para hawakan 'yong paa ko. "Does it hurt that much?" pinisil niya 'yon. Ikaw kaya tamaan sa paa ng napakabigat na lamesa?

"Aray!"

"Sorry, kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo." hinipan niya 'yong paa ko pero binawi ko na. Napansin ko din si Deither na nakatingin sa labas.

"Okay na, di na masyadong masakit—ano ba kailangan mo?" Tumayo siya at humarap sa'kin.

"Kami na kako maglilipat nyan sa lamesa. Saan mo ba 'yan balak dalhin?"

"Dun sa pinto, ihaharang ko."

"May lock na naman 'yong pinto ah?"

"Mabuti na sigurado."

"Okay. If you say so. Deither! Come here!"

"What?"

"Iharang natin 'tong lamesa sa pinto."

Pumunta si Deither sa kabilang side ng lamesa at binuhat 'yon. Umatras naman ako para bigyan sila ng daan.

"I think this room is soundproof." biglang ani ni Deither habang nakatingin sa labas.

"Why?"

"When Zariana drop the table, it creates a loud sound but the zombies didn't react. There's a lot of them outside." Oo nga noh? Kung narinig nila 'yon malamang kakalabogin nila ang salamin.

"Are you sure?"

"Want me to prove it?" ani ni Deither. Di na hinintay ni Deither na magsalita si Warren, humarap na siya sa salamin at sumigaw. "Yahh!! Monsters! We're here!!" malakas niyang sigaw. Nanlaki ang mata ko baka biglang sugurin kami. Walang reaction ang mga zombie sa labas. Kung ganun, pwede kaming mag ingay dito. "See? We don't have to stay quiet in this place."

"Oh my gosh! What are doing Deither? The zombie might attack us!" biglang sulpot ni Giselle.

Pinapagalitan niya si Deither kasi sumigaw pero pati siya sumigaw, parang nakalunok ng microphone e noh.

Virus SpreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon