Chapter 4 : Saved

7 4 0
                                    

Maya-maya ay naunahan ako ni Warren sa pagtakbo, nasa gitna na nila ako ngayon dahil nasa likod ko si Cager.

Napakarisky ng ginagawa namin pero kailangan naming kumilos.

Mabilis kaming nakarating sa isang corridor pero bumungad sa'min ang isang matandang zombie na gumagapang sa sahig kaya napaatras kami.

Napatingin ako sa wheelchair mula sa hindi kalayuan, parang galing ata siya doon tapos nahulog nang dumaan 'yong dalawang tao na pumunta dito.

"I think she can't walk, but can crawl so we just need to run and pass her. She's too old to catch us." wika ni Cager. Tama naman siya.

Tiningnan ko yung matanda, mukha siyang nanghihina pero ang mata niya ay  purong itim at puno siya ng dugo.

"I'll go first." si Warren, tumakbo siya at tinalunan yung matanda, naging agressive yung matandang zombie pero hindi siya makatayo. Sumenyas sa'min si Warren na sumunod kaya agad akong sumunod.

Sa di inaasahang pagkakataon natanggal pa 'yong school shoes na suot-suot ko sa mismong harap ng matanda nung pagtalon ko.

Tangina malas.

Ayoko magmedyas lang habang hinahabol ng zombie kaya lumapit ako para kunin yung sapatos ko. Wala naman 'tong laban sa'min dahil mukhang mahina naman siya.

"Yah! what are you doing?" pasigaw na bulong ni Cager sa kabila.

"Just wear mine, you don't have to get that." narinig ko ang boses ni Warren sa likoran ko habang nakahawak sa braso ko.

Binawi ko ang braso ko sa kanya at sinenyasan silang manahimik.

Nang makalapit na'ko, nilapit ko na ang kamay ko para mabilis na mahablot ang sapatos pero naunahan ako ng matanda, hindi sapatos ang nahablot niya pero ang kamay ko.

"Mama! Tanginaniyo tulong!" pilit kong hinihila ang kamay ko at pilit din na lumalapit yung matanda sa kamay ko para makagat 'yon.

Tiningnan ko si Cager na umiling at lumapit sa'min at hinila ang buhok nung matanda.

Ouch.

Sinabunutan ba naman 'yong matanda.

"Oh diba sabi naman sa'yo, 'wag mo nang ipilit." si Warren, hinila niya ako sa likod niya at mabilis na kinuha ang sapatos ko.

Binitawan naman ni Cager 'yong matanda at lumapit sa'min.

"Dude, you tortured an old lady."

"Not my fault, it's hers." turo niya sa'kin. Sinamaan ko sila nang tingin at kinuha mula kay Warren ang sapatos ko.

Nakarinig kami ng kalabog doon mismo nagmumula sa loob ng cr ng mga babae. Nagkatinginan kami at nagmadaling pumasok. 

Nauna akong nakapasok sa cr at nakita kong pilit na itinutulak ng isang binatilyo ang pinto ng isang cubicle, may nakita akong paa dun na parang nabubulok, malamang zombie 'yon.

Mukhang nagulat pa 'yong lalaki dahil sa pagpasok namin dahil medyo nawalan siya ng lakas dahil bumukas ang pinto ng cubicle, pero nabalik agad ang huwisyo niya kaya mabilis niyang nilakasan ang pwersa niya pero gumawa iyon ng malakas na tunog.

Kumilos naman agad si Cager at Warren para tulongan 'yong lalaki.

Habang ako ay lumapit sa batang babae na nakayuko sa isang gilid at umiiyak.

Bahagya siyang sumilip, naramdaman niya atang may palapit sa kanya. Mas lalo siyang sumiksik sa isang sulok at lumalakas ang hikbi niya. Lumuhod ako sa harap niya para magkapantay kami.

Virus SpreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon