Chapter 2 : Hide out

8 4 0
                                    

Ligtas silang apat na nakapasok sa loob ng store na pinagtataguan nila Giselle at Cager, 'yung magshota. Ang pinag-aalala lang namin ngayon ay ang mga zombie na nasa labas ng store, nakikita nila kami. Pinipilit nilang makalapit sa'min, inuuntog nila ang ulo nila sa salamin. Natatakot kami baka mabasag nila ang salamin. Kailangan naming harangan ang salamin para hindi sila magwala. Habang tumatagal din ay mas lalong dumadami ang pumapalibot sa'min.

Nakikita ko na din na unti-unting nagca-crack ang salamin.

Ito na ba ang kataposan namin?

"Lets cover up the mirrors, I'm not sure if it will work but lets give it a try." si Warren. Pumunta siya sa counter, may nakita siyang mga maninipis na paper bag doon. May nakita din siyang pack ng tubig sa ilalim ng counter. Kinuha niya lahat 'yon at ibinigay sa'min ang paper bag.

"It's all your fault! Hindi na dapat namin kayo tinulongan!" sigaw ni Cager. Mas lalong natrigger ang mga zombies at lalong nagwawala.

"Can you please shut up? You're not helping." inis na ani nung girlfriend niya.

Hindi ko na sila pinakinggan, kumilos na'ko. Sinimulan na ni Warren na magbuhos ng tubig sa mga salamin na pader sa store na'to. Tumulong din sa'kin 'yong kaedad ko lang din na idikit sa salamin ang mga paper bags.

Effective ang ginawa namin dahil ng matabunan na namin ang lahat na salamin, unti-unting umaalis ang mga taong apektado sa virus.

Nagtulong-tulong din kaming lahat na iharang lahat ng pwedeng iharang sa mga salamin.

Pagkatapos naming magtrabaho, pabilog silang umupo sa gitna ng store. Malawak ang store na pinag-si-stayhan namin, isa itong store ng mga branded clothes.

Lumayo muna ako sa kanila at umupo sa isang gilid.

Pumikit muna ako para maipagpahinga ang utak ko.

Paano kami makakaligtas dito?

Kung di kami mamamatay dahil sa mga zombie, mamamatay naman kami dahil sa gutom. Anong kakainin namin dito? Damit?

Sinong maglalakas loob na lumabas? Kahit ako pinaghihinaan ng loob.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at naghanap ng damit at pants na pwedeng pamalit. Puno na ng dugo ang suot ko, tsaka naka uniform ako at skirts pa.

Dumeretso ako sa fitting room at nagbihis. Ano naman kung nagnanakaw ako?

Pagkalabas ko ng fitting room may tao din sa kabilang fitting room. Bumukas ang pinto doon at iniluwa ang babaeng kasing edad ko lang din. Nginitian niya ako, sinuklian ko din siya ng kunting ngiti.

"Hershey Novelle nga pala." inilahad niya ang palad niya sa harap ko. Tinanggap ko naman 'yon.

"Zariana."

"Nice to meet you Zariana." tinguan ko siya saka umalis sa harap niya. Wala akong ganang makipag-usap.

Narinig ko ang malakas na iyak ng batang dala ni Deither kanina. Lumapit ako sa kanila dahil kahit anong gawin nilang pagpatigil ng iyak ng bata ayaw paawat. Naririnig ko din ang kalabog ng salamin mula sa labas. Tumingin ako sa babaeng kasama ni Deither kanina na may edad na, nakatulala lang ito sa isang gilid.

"Akin na." hawak ni Deither ngayon ang bata. Kinuha ko mula sa kanya ang bata at kinarga ng maayos. Pumunta ako sa fitting room para hindi malakas ang tunog ng boses ng iyak niya.

"Shh, wag kang iiyak." pagpapatahan ko sa sanggol na hawak ko. Alam ko kung paano mag-alaga ng bata. I used to be a babysitter.

Kumuha ako ng malaking damit at saka inilapag ang bata sa sahig. Tsaka tiningnan ang diaper niya baka nakatae pero wala naman. Baka gutom, anong ipapakain namin dito?

Virus SpreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon