Pumunta ako sa restroom ng kinaroroonan namin para maghanap ng bintana. Gusto ko lang makita kung ano ang mga nangyayari sa labas ngayon.
Nasabi na rin namin sa kanila ang napag-usapan naming tatlo kanina tungkol sa pag-alis.
Sumampa ako sa lababo para maabot ang bintana.
Hindi ko masyadong makita ang nasa baba mismo ng mall dahil may salamin na nakaharang pero nakikita ko naman ang ibang parte.
Sobrang dami ng mga tao sa baba.
Kung siguro walang magaganap na concert ngayon, hindi ganito karami ang marami ang maapektohan ng kung ano man 'tong nangyayari.
Nakikita kong may mga tao pa ding patuloy na nakikipaglaban sa mga zombies. Ilang oras na ang lumipas, bakit hindi sila naghanap ng matataguan? Gusto ko silang tulungan pero alam kong hindi ko kaya.
Napansin ko ang zombie na nakahilata sa mga daan. Hindi ko alam kung alikabok lang ba nakikita ko o umuusok talaga sila.
Matalas talaga ang paningin ko kaya kahit malayo ako sa baba, nakikita ko pa rin.
Kamusta na kaya sila Rina?
Tumingin ulit ako baba.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang grupo ng mga tao na sabay nagsitakbuhan papunta sa direksyon kung madaming kumpol na mga zombie, hindi nila 'yon nakikita dahil nahaharangan ng isang pader.
Naaninag ko ang pamilyar na tindig at takbo, pati damit.
Sure akong si Rina 'yon!
Akay-akay siya ng isang lalaki.
Delikado sila, malamang kukuyugin sila ng mga zombie pagnakarating sila sa likod ng pader na namamagitan sa kanila.
"Hershey!" natatarantang sigaw ko.
Narinig ko ang yabag na pagtakbo papunta sa cr.
"What happened?" narinig kong tanong ni Warren.
"Tulungan mo akong tanggalin 'tong salamin! Kailangan kong tulungan ang kaibigan ko, nasa baba sila!"
"Huh?"
"Huwag ka nang magtanong, bilis na!" Mabilis na kumilos si Warren at sumampa din sa lababo.
Tumingin ulit ako sa baba, palapit na sila.
"Kailangan nang tools para matanggal to."
Naalala ko bigla ang baril na inipit ko pala kanina sa likoran ko. Bakit 'di ko 'yon naisip kanina? Bobo amputek.
Pero oo nga naman, kung ginamit ko 'yun malakas ang tunog nun.
Hinugot ko 'yon sa likoran ko at walang pagdadalawang isip na hinampas ang salamin.
Kung bakal lang kamao ko, kamao ko na pinanghampas ko eh.
Malakas ang nagawang tunog ng paghampas ko.
"Zariana!"
Nagtalsikan ang mga bubog ng salamin, pero karamihan ay nasa labas tumalsik, may iilan pa rin na tumalsik papasok at may tumama pa sa mukha ko.
Hinarangan ko agad ang mata ko gamit ang braso ko.
Inulit ko pa 'yon hanggang masira ang salamin sa harapan ko.
Narinig ko ang mga yabag na papunta sa cr. Malamang 'yong iba naming mga kasamahan 'yon.
Sinilip ko ang baba, napatingin ang ibang kasamahan ni Rina sa taas, dahil siguro yung mga nahulog na mga bubog ang napansin nila.
BINABASA MO ANG
Virus Spread
ActionZariana Ellie Perez is a loving daughter and sister, seen by everyone as a fragile treasure. Despite her delicate appearance, she has endured much, both physically and mentally, at a young age. In a zombie apocalypse, will she have what it takes to...