Matapos naming maligo sa ulan at magpakasaya,wala kaming kamalay malay sa susunod na mangyayari kinabukasan.Habang naglalakad kami pauwi ay nakasalubong namin ang mga magulang niya na nakasimangot at may daladalang damit nya.
"Sa kanila ka na lang magligo at maya maya ka na umuwi."
sabi sa amin ng magulang nya.Tuwang tuwa naman kaming dalawa.
Naligo ako sa banyo sa itaas habang sya naman ay sa baba.Pagkatapos naming maligo ay nanood kami ng T.V. ang palabas ay Tom & Jerry.
Nagtatawanan kami ng sobrang lakas na parang WALA NANG BUKAS.Pero totoo pala ito.Maya maya lang ay tinawag na sya ng magulang nya.Gabi na at nasa kama na ako ng bigla akong mapaisip.
"Totoo kaya yung sinabi nya na mahal nya ako?siguro hindi kasi masyado pa kaming bata para doon at hindi nya ito sineryoso.Pero umulan kahit sobrang init.Bagay ba talaga kami?"
Hindi ko alam ang sagot.Ang alam ko lang gulong gulo na ako.
Kinabukasan ay nagising na ako at mabilis akong kumain ng agahan at nagmadaling maligo.Gawain namin to sa tuwing gigising kami.
Naligo na ako at dumiretso sa bahay nila.Pagkita ko doon ay saradong sarado ang bahay nila na tila walang tao.
Sigaw ako ng sigaw pero tingin ko walang nakakarinig sa akin.Nakakapagtaka kasi isang sigaw ko lang sa pangalan nya ay lumalabas na sya agad pero ngayon halos maka 100x na tawag na ako sa pangalan nya pero hindi parin sya lumalabas.
Maya maya lang ay may nakakita sa akin na kapitbahay namin.Tinanong ko sya kung nasaan ang mga tao dito.Laking gulat ko sa sagot nya.
Hindi ko alam kung magagalit ba ako o malulungkot.
Lumipat na daw sila sa Cavite dahil dun sya magaaral.Nanghihinayang ako na nalulungkot na nagagalit dahil hindi sya nagpaalam sa akin kahit ipasabi nya man lang kay mommy.
Nagkatotoo ang sinabi ko kahapon na sobra kami makatawa na parang wala nang bukas.Wala na ngang bukas.
Sana hindi ko nalang yun sinabi.Sa sobrang inis ko ay napasigaw ako sa tapat ng bahay nila
"I Hate You!!! Bakit???"
![](https://img.wattpad.com/cover/8539104-288-k8552.jpg)
BINABASA MO ANG
My Friend,My Love
Teen FictionNormal lang sa isang tao na magkaroon ng bestfriend hindi ba??? sigurado ako ikaw, oo ikaw. Ikaw na nagbabasa nito, may bestfriend ka hindi ba??? Masaya magkaroon ng bestfriend lalo na kung ramdam nyo ang pagmamahal ng isa't isa. Pero minsan, hindi...