Prologue

59 2 0
                                    


I suddenly wake up after hearing loud noises. Kaso, I was wondering kung bakit hindi ko magalaw ang katawan ko. I'm unable to open my eyes too. I heard a familiar voice and I think it's my mom and my brother. I couldn't figure it out what they were saying, kasi loud noises are coming everywhere. I'm not sure if this is a hallucination or if I'm just dreaming. I tried my best to open my eyes or move my lips, but I failed.

While I was busy trying to move my body, napagtanto ko na lang na biglang tumahimik. What the hell is happening? Pinaka-isip ko kung ano ang posibleng nangyari sa akin pero wala ako maalala. 

I can hear the familiar beep sound. Eventually, I realized na mukhang nasa hospital ako. 

"God, what happened to me? Did I get blind and paralyzed?"

Gusto ko man tawagin ang pangalan ni mama, pero bigo ako. Hindi ko na alam kung ilang oras o araw na ba ang nakakalipas. But the good news is I can now move some of my fingers. At isang araw, nadilat ko na ang mga mata ko. 

Ang puting kisame ang unang bumungad sa akin. Pinoprocess pa rin ng utak ko ang mga nangyayari. I was right about being bedridden sa hospital. Tinangal ko ang walang laman na dextrose sa kaliwang kamay ko. Sunod ko naman inalis itong clipper at sa huli ang nakatusok sa ilong ko. 

Bumagsak pa ang pwet ko sa sahig nang sinubukan ko tumayo. Ginamit ko ang pader bilang suporta at dahan-dahan ako naglakad patungo sa saradong bintana. 

Mga usok na galing sa mga matataas na gusali ang agad ko napansin. Ang kalangitan ay kulay kahel. Nasa itaas ako ng palapag kaya hindi ko masyado maaninag ang mga taong nasa baba. Bumalik ako sa kama para umupo at magpahinga. Mukhang naubos kasi ang aking lakas. 

Napatitig na lang ako sa orasan. 8:00 am 

Pero ang nakakapagtaka ay magdidilim na sa labas. Tsaka ko lang napansin na, hindi na pala gumagalaw ang pulang kamay ng orasan. Binuhos ko ulit ang aking lakas para tumayo at dahan dahan humawak sa pader patungo sa pintuan. Pinindot ko yung switch ng ilaw pero hindi siya bumukas. 

"Pundido?" I asked myself. 

Lumabas ako sa aking kwarto upang humanap ng nurse na pwedeng mag-assist sa akin. Patay sindi ang ilaw ng hallway at meron parte na madilim na. Sa totoo lang, kinakabahan ako dahil napaka-weird ng mga nangyayari. 

Napaka-empty tignan ng hallway. Walang ingay na maririnig. Gusto ko tumawag ng nurse pero may instinct ako na huwag gawin 'yon. Ma-ingat ako sa bawat hakbang. Nang makaabot ako sa katabing kwarto, ma-ingat ko itong binuksan. 

Bumungad sa akin ang malinis na kwarto. Mukhang walang gumamit dito. Halata sa malinis at maayos na kama. Mabilis ko din sinarado at nagpatuloy ako maglakad hanggang sa napadpad na ako sa dulo. 

Dahan-dahan ko sinilip ang left hallway, at bukas naman ang mga ilaw. Ganun din ang ginawa ko sa right hallway. Mga nakakalat na papel, at mga dugo sa sahig at pader ang aking nakita. Alam ko sa sarili ko na meron talagang nangyari dito. Ang instinct ko ay gusto dumaan sa right hallway kung saan nagkalat ang mga dugo. Pero sa left hallway ako lumiko kung saan maaliwalas ang daan. 

Bigla ako nagulat sa daga na mabilis na dumaan. Aaminin ko na napatili ako doon. Rinig ko na nag echo ang boses ko sa buong hallway at may instinct ako na meron mangyayari na di maganda. 

Hindi ko alam how I can describe my reaction when I suddenly heard a noise. Tunog sya na may tumatakbo at papalapit sa akin. Dumagdag pa ang parang hingal na hingal na tunog tao. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. At sa totoo lang, parang nawala lahat ng pagod ko. Sinilip ko kung saan nangagaling ang ingay at nagulat ako sa nakita ko. Isang pasyente na mukhang tuliro at puno ng dugo ang bibig hanggang pababa sa kanyang suot. 

Nagkatinginan ang aming mga mata, at mabilis ko tinago ang aking ulo. I heard his screech and I know that was a bad sign. Sinilip ko ulit sya at napasigaw ako sa gulat ng makita ko sya na tumatakbo patungo sa akin. 

Mabilis ako tumakbo pabalik sa direksyon ng pinagmulan ko. Ginamit ko pa rin ang pader bilang guide dahil natatakot ako na matumba or matapilok. Nasa kalahati pa lang ako ng hallway ng nakita ko malapit na siya. Tumakbo lang ako ng tumakbo at mabilis na pumasok sa isang kwarto.  Mabilis ko sinarado ang pintuan at napaupo habang nakatakip ang dalawang kamay sa aking bibig. 

Narinig ko ang mga hakbang niya sa hallway at alam ko na malapit lang sya. Naririnig ko din ang mga hingal na katulad sa napapanood ko sa movies. Alam ko sa sarili ko ang nakita ko. It's impossible na aswang yon dahil wala naman ako sa probinsya. 

It was a fucking zombie. 

His eyes are red as blood. He growls and screech like an animal. And the fact that he is fast as an Olympic runner. What the hell is going on? 

Half Dead; AliveWhere stories live. Discover now