Chapter 1: Z for Zombie

30 2 0
                                    

I pinched myself if this is a nightmare. Alam ko noon, hiniling ko sa sarili ko na kung magkakaroon ng apocalypse, I wish na sana zombie na lang. Pero hindi naman sa situation ko na pagka-gising ko galing sa isang accident ay mangyayari itong zombie apocalypse. 

And why the fuck they are fast? kung ganyan sila kabilis, ang survival rate lang ng humanity is 1% or less. Kahit sana katulad sa The Walking Dead ang mga zombies na mababagal maglakad. 

Also, how am I still alive? Kung may mga zombie sa building na ito, bakit hindi ako kinagat? Or maybe I'm just lucky na nasa taas ang room ko at hindi nakarating ang mga zombie dito. Suddenly, I remember the noises before when my consciousness came back. I remembered the voice of my mom. The loud noises that I heard that time tapos bigla na lang nawala. 

Another mystery is what happened to me? Bakit nasa hospital ako? I tried to think pero wala ako maalala. So, this the feeling of having an amnesia. Parang nakaligtaan mo lang 'yung nawala mo bagay. 

How ironic naman ng situation ko. Parang ako lang si Rick sa The Walking Dead kung saan nagising lang din siya from coma at bumaliktad na ang mundo.

I woke up from the rays of sun. Nakatulog pala ako kagabi kakaisip sa mga nangyayari. I need to get out of here at umuwi sa bahay. I need to see my family. I went to a bathroom inside the room, and I saw myself in the mirror. I looked really different. Maputla ang aking mukha, payat ang mga pisnge at magulong buhok na umabot sa aking leeg.

I thoroughly checked my body and aside sa mga mark ng injections sa kamay ko, everything looks normal. I don't see any abnormalities tulad ng mga tahi.

Pinihit ko ang gripo at nag-babakasakaling may tubig na lalabas ngunit ni isang patak ay wala akong na-tanggap. Kahit pag-hilamos man lang ay di ko magawa. I tried to look something to wear pero wala ako nakita. I saw a rubber band and I've used it to tied my hair.  

I carefully opened the door, at sinilip ang hallway.  Pinasukan ko pala ang katabing kwarto ko kagabi. Patay na ang mga ilaw pero sapat naman ang liwanag na galing sa labas para makita ko ang buong hallway.

Maingat ako sa paglalakad at kung maari ay iniiwasan ko na gumawa ng ingay. Kung tama ang aking hinala, madali sila ma-attract sa ingay at tunog. Kailangan ko talasin ang aking paningin at maging alerto.

Nakarating muli ako sa pwesto ko kahapon kung saan ko nakita ang pasyenteng zombie. Sinilip ko muna ng dahan-dahan at nang sa tingin ko ay safe naman tsaka ako tumungo sa kabilang direksyon. Ngayon ko lang din napansin ang elevator na mukhang hindi na gumagana. Ibig bang sabihin ay wala ng kuryente? 

Habang maingat ako sa paglalakad, nakarinig ako ng ingay. Ingay na nangagaling sa aking tyan. Kagabi ko pa naramdaman ang gutom pero winalang bahala ko na lang dahil nasa bingit ako ng kamatayan. Kailangan ko din makahanap ng makakain. 

Nakarating ako sa fire exit, at binuhos ko talaga doon ang aking lakas para mabuksan iyon. Hesitant pa ako sa una dahil nag-aalala ako na baka gumawa ito ng ingay. Laking pasasalamat ko talaga na nabuksan at nasarado ko ito na wala masyadong tunog. Pwede na ako maging spy sa ginagawa ko.

 Umupo muna ako malapit sa hagdaan upang magpahinga. Tama ang aking desisyon na dito dumaan, mahirap na kung kung sa hallway at baka bigla ako may makasalubong na zombie. Bumungad sa akin ang mga natuyong dugo sa sahig, pader, at sa malamig na bakal ng stair. Maingat ko silang nilagpasan and as much as possible, maingat din ako na hindi mahawakan. 

I remembered 'yong film na napanood ko, where a drop of blood has fallen to his eye, and he immediately turned into a zombie. The fact na hindi ko pa alam lahat on how a zombie can infect us- well aside from a bite, it's not good kung magiging careless ako.

Finally, nakarating ako sa cafeteria ng hospital. Mahigit sampung minuto din ang akin nilakad mula 7th floor hangang dito sa 2nd floor. I was right about my imagination na makalat ang dadatnan ko dito. Ang daming pagkain na nasa floor, nakakalat na mga upuan, tuyong dugo, at mga vending machine. 

Ramdam ko tuloy 'yong uhaw sa akin bibig dahil sa mga softdrink at coffee na aking nakita. Napahawak na lang ako sa sentido ng mapagtanto ko na wala pala ako pera. Tanging lab gown lang ang suot ko. 

Tinungo ko ang bar area dahil nag-babakasakali ako na may mga pagkain na naka-tago dito. Napa-papalakpak na lang ako ng meron ako nakita na mga imported chocolates and chips. Kung sinuswerte ka nga naman. Walang pag aatubili ay mabilis ko kinain ang lahat. Sa bilis kung lumunok ay nag-mukhang ang tagal ko hindi nakakain.Ngayon ang problem ko na lang ay ang panulak. 

Wala ako makita pwedeng mainom kahit bottled water lang. My last resort is to break the vending machine. Is it worth to risk it? Kasi come to think of it, kung hindi naman ako mamatay sa zombie, baka mamatay naman ako sa uhaw. At may possible din na na-hoard na ng mga ibang survivors 'yong mga essential supplies tulad ng water. Based din sa mga nabasa ko, hanggang 3 days lang ang kaya ng tao na mabuhay na walang iniinom na tubig. I'm sure na worth it naman 'to. 

Wait, there should be a key para sa mga vending machine, right? If I can find the key, mas okay 'yon kesa mag-lagay ako ng money. And besides, wala din electricity so it won't be operated. Sa ganitong sitwasyon, kailangan talaga ang diskarte at talino. 

Mabilis ako bumalik sa bar area at binuksan ang mga drawers. Ngunit bigo ako makakita ng kahit anong susi. Napaupo na lang ako sa gilid at nagpakawala ng buntong hininga. Napatanong ako sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Aminado ako na hindi ko kayang labanan ang zombie kapag nagpakita sa akin. Baka mapa-ihi na lang ako sa takot. 

Napatayo ako nang bigla ako nakarinig ng putukan sa labas. Kasalukuyang nasa pangalawang palapag ako  at hindi ko mawari kung saan nangaling ang tunog ng baril dahil sa alingawngaw na gawa nito. Nagmamadali ako pumunta sa bintana para silipin ang mga nangyayari. At nakita ko ang mga ilang kalalakihan na nakasuot ng damit pang-sundalo sa labas at iilan na naka suot pang civilian. 

"Pagkakataon ko na 'to parang humingi ng tulong." Aakmang patungo ako sa hagdanan pababa ng makarinig ako ng ingay galing sa taas ng hagdaan. 

Mabilis ako bumalik sa bar area at dahan dahan gumapangsa ilalim para magtago. Palapit ng palapit ang ungol ng zombie at malakas ang kutob ko na nasa harap ko lang siya. Laking pasasalamat ko dito sa nakaharang na bar area. 

Narinig ko na naman ang tunog ng baril at di ko sinasadyang magpakawala ng ingay. Mabilis ko tinakpan ang aking bibig. Pinapanalangin ko na sana hindi iyon narinig. Pero nawalan ako ng pag-asa nang marinig ko na lumapit siya patungo sa direksyon ko. Rinig na rinig ko ang pag-ungol nya na parang gutom na gutom. Tirik na tirik ang kanyang namumulang mata at puno ng dugo ang kanyang bibig.

Hindi pa ako pwede mamatay dito, pero anong gagawin ko? Biglang hindi ko magalaw ang katawan ko. Pwede pa akong makatakas. Umakyat sa bar area at tumakbo papunta sa baba. Pinipilit ko maging matapang kahit ngayon lang pero nanlambot na ang mga paa ko. Huli na ang lahat dahil malapit na siya. Huli na ang lahat dahil kinain na ako ng takot. Sobrang bigat ng aking paghinga, parang lalabas na ang puso ko. 

"Ma tulungan mo ko" bulong ko.

Half Dead; AliveWhere stories live. Discover now