Chapter 2: Y for YOLO

22 2 0
                                    


*Boom*

Isang malakas na pagsabog ang aking narinig. Ilang minuto ako nabingi na kaninang hawak ang aking bibig ay ngayo'y nasa aking mga tenga. Nakakapag-takang naglaho ang zombie na papa-lapit sa direksyon ko. Agad ako umalis sa pinagtaguan ko at mabilis na sinilip ang nangyayari sa labas. Nakita ko ang mga sundalo na tumatakbo palayo sa nagliliyab na gusali.

Mabilis na nag-silabasan ang mga zombie at tumakbo patungo sa direksyon nila. Nakita ko din na mga higit sampu ang mga zombie na lumabas galing sa building na 'to. Napuno tuloy ng ingay ang labas. Kasama na rin dito ang walang tigil na tunog ng kanilang baril. Hindi ko na makita ang mga sundalo pero sigurado ako na hinahabol na sila ng mga mabibilis na zombie.

Napagdesisyon ko na agad bumaba at kunin ang opportunidad na ito upang makalabas. Tinungo ko agad ang unang palapag at sinilip ang labas. Mabilis ko tinakbo ang kasalungat na direksyon ng mga sundalo. Gusto ko man tumungo sa direskyon na pinuntahan dahil iyon ang daan papunta sa bahay ko, sa kabilang daan na lang ako dumaan. 

Pagod na pagod ako sa pag-takbo at lumiko sa mga eskinita. Habang maari ay kailangan ko iwasan ang kalsada. Mabuti na lamang ay ni-isa ay wala akong nakitang zombie. Naalala ko tuloy yung kalsada na walang katao-tao. Bumalik sa akin yung taon 2020 kung saan nagkaroon ng pandemic, ang COVID-19. Kagayang kagaya ang eksena kanina na kung saan ay napaka-tahimik sa daan. Ang pinagkaibahan lang ay maraming sirang sasakyan at meron mga halimaw. 

Naramdaman ko na ang pag-sakit ng mga paa ko. Ikaw ba naman ang tumakbo na walang suot na tsinelas o sapatos. Idagdag mo pa ang uhaw at pagod. I realized na lumabas ako ng hospital na walang dala ni isang gamit or supply. 

Nagpasilong muna ako dito sa malaking puno habang hinahabol ang aking hininga. Sobrang tirik na ng araw at sa tingin ko ay mag-alas dose na ng tanghali. Lahat ng mga nadaanan ko bahay ay sarado. Hindi ko mawari kung meron ba nagtatago sa loob o baka naman nilikas sila at pumunta sa safe na lugar. 

Kung meron nga safe na lugar, saan lugar naman iyon? Kung iisipin, kakailanganin ng malaking space para magkasya ang lahat ng mga in-evacuate na tao. Another factor is kailangan tight ang security at meron itong gate.

While I was thinking, nakarinig ulit ako nga mga tunog na baril. I was panicking baka may ma-attract na zombie dito kaya agad ako tumayo at umakyat sa bakod na gawa sa kahoy na nasa likod ng puno. 

Maya't maya ay nakarinig na ako ng mga tunog ng pag-takbo na may kasamang ungol at hiyaw. Sumilip ako sa maliit na butas na kung saan sapat lang na makita silang nagtatakbuhan patungo sa direksyon ng tunog galing sa baril. Napatumba ako nang bigla may nakita akong mukha na huminto at mabilis na tumingin sa direksyon ko. 

Binalot ako ng kaba at takot. Nataranta ako tumayo at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan ng bahay. Pinihit ko ang door-knob pero naka-lock iyon. Mabilis ako tumakbo sa likod at narinig ko ang ingay ng zombie. Sa sobrang panic ko ay muntik na ako masubsob sa lupa. 

Mabilis ako nakarating sa likod ng bahay at dumiretso ako sa pintuan. Nagdiwa naman ang aking puso sa pangyayari at mabilis na pumasok sa loob. Agad ko ni-lock ang pintuan. Mabilis ako kumuha ng mga mabibigat na bagay na pangharang. 

Akala ko safe na ako pero biglang tumunog ang pinto. Hudyat na sinusubukan niya pumasok. Dahan-dahan nagsisitangalan ang mga bagay na nilagay ko. Napamura ako sa sarili dahil hindi ko expect na malakas sila. Natataranta ako tumitingin sa paligid na pwedeng gamitin panlaban o pwedeng pagtaguan. 

Nagtatalo ang isip ko kung pupunta ba ako sa kwarto o sa banyo. Meron posibilidad na ma-trap ako kung doon ako pupunta at mag-tatago. Lumabas ako sa kusina at tumungo sa pintuan. Mabilis ko inalis ang mga lock ng pinto. Bakit naman ang dami lock ng pintuan na 'to. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Half Dead; AliveWhere stories live. Discover now