"IKAW?!?!" Nginitian niya lang ako. Take note, ngiting nakakaloko. Ay wait, correction pala : ngisi. Ngisi ang ginawa niya, ngising nakakaloko. May pag asa pa bang tumino si Tim? Well, matino naman siya eh. Monster nga lang, Argh! Boys, kahit kailan talaga sakit lang sa ulo!
"What? Surprised?" Nakangiti parin siya, sinamaan ko lang siya ng tingin pero nag chuckle lang siya. Eto na ba yung time na matutunaw na ako? Ang gwapo niya kase tignan atska ang manly ng boses niya tapos..... JOKE LANG LAHAT NG YUN!
Inakbayan niya ko at syempre, tinanggal ko braso niya sa balikat ko. Wow ah? Swerte naman niya kung hahayaan ko siya.
"Sorry girls, medyo amazona kasi tong si Eya my loves kaya napasigaw kanina. Ayaw niya kaseng pinagkakaguluhan ng maraming babae ang boyfriend niya eh." Nakangiti este ngisi niyang sabi. Sapak gusto niya? Anong 'Eya my loves'? Tska boyfriend? Ha! Asa siya! Humarap ako sa kanya at....
*BOOGSH*
sinuntok ko siya. Smh, akala niya ganun ganun lang yun kadali? Haha! Asa ka pa. I'm the owner kaya bawal akong gantihan! Haha, I love being a queen. ╮(╯▽╰)╭
Nag lakad ako paalis and left them with their jaw open. A queen is a queen, they should obey me, follow me and above all, respect me.
Dumiretso na ako sa classroom, pag dating ko palang dun nag lelesson na ang teacher. And so? Eh sa gusto ko malate eh. Atska, wag na wag siyang aangal kung ayaw niyang matanggal sa serbisyo dito sa skwelahan na 'to.
Umupo ako agad, what's the big deal? Titingin tingin sila sakin. Alam ko naman na maganda ako eh, pero pati mga babae nakatingin sakin eh. What's new? Yung iba natatawa at yung iba naka pokerface. May dumi ba sa mukha ko?
"Eya, your back." Bulong sakin ng katabi ko. My back? Huh? Wha--
"WHO DID THIS!?!?" May papel lang namang nakadikit sa likod ko. Kinuha ko yung paper, what the heck?!?
"I'M OBSSESED WITH TYLER LOPEZ"
what the? I'm obssesed with Tyler Lopez? Sino namang gagong maglalagay neto sa likod ko? Atsaka, secret relationship ang meron kami ni Tyler noon kaya sino nama--
"TIM LOPEEZZ!!!!" Siya lang naman talaga eh! Ano bang trip niya? Hindi ko siya hahayaan na makalagpas! Argh!
Tyler's PoV
Thank God, lunch na. Dumiretso na ako sa cafeteria, as usual pinagtitilian at pinapantasya parin ako ng mga babae. Kapag gwapo talaga, tsk.
"Have you heard? Queen Eya is obssesed with Tyler Lopez!"
"Hindi naman siguro, atsaka wag ka ngang maingay. Mamaya marinig ka nun eh. Lagot ka pa."
Eya? As in Eya Sareen? So ano, dapat na ba akong kiligin? Psh. Atsaka wala talaga ako--
"TAKBOOO!!" Sh*t. Napapasigaw ako ng wala sa oras eh, nababakla ka na Tyler! Baklang bakla! Sa lahat ng mga babae ko, siya lang ang tinatakbuhan ko.
"Baby wait laang!! May good news ako sayooo!" F*ck! Bwisit na babae, kung mamalasin ka nga naman. Naabutan niya ako habang higit higit yung braso ko.
"Alam mo ba? Hihi, guess what?" Baliw nga talaga siya. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya.
"Yeah that's great! Kakain na ako bye." Mabilis kong sabi atsaka naglakad ng mabilis palayo sa kanya. Nakakainis na babae.
"Sabay na tayong kumain baby." Nakahabol siya sakin? Ang bilis niya, sino ba siya? Si flash?
"H-hindi... kasabay ko friends ko." Nakakakilabot si Chloe, kung wala lang siyang sakit sa utak matagal ko na siyang sinapak. Pucha nakakatakot yung ngiti niya.
*SLAP!*
"Sh*t Chloe! What the f*ck was that for?!?!?" Nakahahawak parin ako sa pisngi. Ang sakit sh*t. Pakiramdam ko bumakat yung kamay niya sa pisngi ko.
"Masakit ba? Sorry loves." Hinimas himas niya pa pisngi ko. Baliw na talaga siya, ewan ko ba kung bakit binibigyan pa ng freedom tong babaeng to. Dapat nasa mental na to eh, atsaka isa pa yu--
*SLAP!*
"Chloe ano ba! Kan--" nagulat at napatigil ako nang hindi si Chloe ang nakita ko. Kung di ang reyna ng mga reyna, my ex girlfriend. Ang isang Eya Sareen Gonzales ang nakita ko.
"Hoy ikaw Tyler!" Tinuro niya pa ako. Ano ba problema ng babae na to? "Isang sampal para sa ginawa ng gago mong kuya sakin." *SLAP!*
"Aray ah! Eh ano ba ginawa ng kuya ko sayo?" Nakahawak parin ako sa pisngi ko. Ang bigat ng kamay niya shit, ang sakit.
"Wala nang tanong tanong!" *SLAP!* For the third time, sinampal niya ulit ako. "At yan naman para sa pang gagago sakin!" Sa lahat ng sampal na nakuha ko galing sa lahat ng babae, ito ang pinaka masakit. Pagkatapos niya sabihin yun naglakad siya palayo.
Iba na talaga si Eya kung ikukumpara noon. Dati kase si Eya, mahinhin, mabait, maunawain at hindi kayang manakit ng kahit sino. Pero dahil sa pag iwan at pang gagago ko sa kanya, halos buong mundo pag gagantihan niya.
Nakatingin lang ako sa kanyang umaalis palayo. Ang tapang na niya, malakas na ang loob niya. Buti naman, atleast isa sa amin may magandang pinag tunguhan. Napangiti nalang ako, nakakatawa kase isipin na ex girlfriend ko ang reyna ng campus at ni isa wala pang nakakaalam. Kahit pa na 3 years din kami nag tagal, ni isa walang nag duda.
Pero kahit pa na lumakas at tumapang si Eya, hindi ko gusto ang pinagbago niya. Mas gusto ko yung prinsesa nalang siya ulit at hindi reyna. Pero huli na ang lahat atsaka wala na akong nararamdaman para sa kanya.
----------------------------
AUTHOR'S NOTE: Pasensya na po kung maiksi lang. Haha! Babawi ako next chapter, pangako yan! Rate, Vote or Comment para kung may di kayo gusto maayos natin para ma impove. Ok? Love y'all! -MISS K

BINABASA MO ANG
My Campus Queen
Teen FictionAmazonang Eya meets Supladong Tim. Negative plus negative? Negative din ba kaya ang kalalabasan o positive na nag uugat ng pagmamahalan? "ang corny niyan." Tim "Wag kang OA description lang to." Sagot ko, nakakaasar na! "I-end mo na." Tim. "Edi i-en...