Eya's POV
*SLAP!*
"At isang sampal para sa pang gagago sakin!" Ang tagal ko na inantay to, inipon ko lahat ng lakas ko para ilabas ang galit ko kay Tyler. Ramdam ko na malapit na kumawala ang mga luha ko sa aking mga mata. Hindi na ako makapag pigil kaya naman tumakbo na ako palayo kay Tyler. Lahat ng sakit bumabalik, lahat ng pang gagago, pang tataksil at pang loloko.
Nakarating ako sa likod ng school, tahimik dito at walang tao. Napaluhod ako sa bermuda grass, tinakpan ko ang mukha ko atsaka humagulhol sa pag iyak.
Akala ko ba wala nang sakit? Akala ko ba tapos na lahat ng sakit na naranasan ko kay Tyler? Pero bakit ganun? Ang sakit sakit.
Nilabas ko ang isang litrato na nasa bulsa ko. Isang litrato na punong puno ng pagmamahal at kaligayahan. Yung mga araw na masaya kaming dalawa ni Tyler, sa litratong ito nakaakbay sakin si Tyler tapos parehas kami nakangiti. Sana ganto parin kami hanggang ngayon. Pero ano pa bang magagawa ng 'sana' ko? Eh hanggang sana lang din naman yan eh.
"Gago ka Tyler Lopez!" Sigaw ko atsaka humagulhol sa pag iyak. Binato ko yung picture naming dalawa. Kinalimutan na niya ako kaya kalimutan ko na rin dapat siya.
Napayuko ako habang nakaluhod parin sa bermuda grass dito sa likod ng school. Nakatingin lang ako sa baba habang umaagos ang mga luha ko.
"There were times, when I just want to look at your face." Alam mo yung pakiramdam na mapapakanta ka nalang? Nakakatawa ako kung makikita mo ako ngayon. Ito yung theme song namin ni Tyler eh.
"With the stars in the night... There were times, when I just want to feel your embrace, in a cold night..." Kahit pa na masakit, kailangan ko paring balikbalikan ang mapait at mapang kutya kong nakaraan hanggang sa wala na akong maramdaman.
"I just can't believe that you are mine now..." Napatigil ako sa pag kanta at humagulhol ulit sa pag iyak. Kahit pa na isa akong masama at mala demonyang tao, meron parin akong puso. Tao parin ako kaya alam ko kung paano masaktan.
"Ang galing mo pala kumanta." Boses lalaki na nang gagaling sa likuran ko. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kase blurred na yung paningin ko dahil sa kakaiyak.
"K-kanina ka pa ba dyan?" naiiyak ko paring tanong. Kinuskos ko ang mata ko gamit ang mga daliri ko and finally, nakita ko na din ang mukha niya. Hindi ko siya kilala, pero hindi ko maiitanggi na maitsura siya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko.
"It's been four months Sareen." Tinap niya ang balikat ko habang sinasabi niya yun. Pero teka, alam niya?
"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." Patay malisya kong sagot.
"I know everything about you and Tyler. Atsaka yung about kay Tim." A-alam niya lahat? Pano? Hindi ko nalang siya pinansin, tinakip ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay at humagulhol.
"It's okay Eya, ilabas mo na lahat ng sakit na nararamdaman mo. I can be your tissue, wala akong paki-alam kung itapon mo na ako pagkatapos. Gusto kong maging usefull sayo Sareen." Tinignan ko siya. Nagkatitigan kami ng eyes to eyes, nakikita ko sa mga mata niya ang pagiging concern niya sakin.
"Sino ka ba?" Tanong ko habang naka tingin sa kanya pataas since na matangkad siya at naka luhod ako.
"It doesn't matter Eya. Sa ngayon, ilabas mo muna lahat ng sakit at galit na nararamdaman mo." Ano namang mawawala kung magpapa comfort ako? Wala naman sigurong masama pag magpapa comfort ako diba? Pati ang reyna may kahinaan. Tumayo ako at niyakap siya, wala akong pakialam kung hindi ko siya kilala. Ang akin, nasasaktan ako at wala nang mas sasakit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
My Campus Queen
Fiksi RemajaAmazonang Eya meets Supladong Tim. Negative plus negative? Negative din ba kaya ang kalalabasan o positive na nag uugat ng pagmamahalan? "ang corny niyan." Tim "Wag kang OA description lang to." Sagot ko, nakakaasar na! "I-end mo na." Tim. "Edi i-en...