4th Chapter: Vacation

45 0 0
                                    

x: mm- Tristan Yuki Fontanillo

Jeya's POV

What the heck?!

"Bakit kasama yan?!"

Sh*t! Bakit dalawang peste ang makakasama ko?!

"Eh ikaw? Bakit ka kasama? Tss." Mapangasar na tanong niya.

Sasagot pa sana ako kaso bigla siyang lumipat sa kay kabilang banda ni Jia at inakbayan ito. Yan tuloy, katabi ko na si Jia. Medyo umiwas ako para hindi makadikit yan si Jia. Pero...bakit naman kaya nagsama yang Jia na yan ng boyfriend niya? Jusko po, ang landi talaga!

"Jeya." Tawag sakin ni Mama kaya lumingon nalang ako sakanya.

"Matuto kang rumespeto at wag ka rin magisip ng kung ano dahil magkahiwalay ang kwarto nila. Ayusin mo yang ugali mo."

Ha? Wow naman. Ano nanamang ginagawa ko? Napasigaw lang naman ako kung bakit kasama yung boyfriend ng anak niya ah?! Ang dami pang sinabi. Juice colored!

Tumango nalang ako bilang sagot. Pag sumagot pa kasi ako ng kung ano diyan baka kung ano pang isipin niyan. Psh.

Nakakainis talaga!

"Ma! Ayan na!"

Narinig kong sumigaw si ate at tinuro ang isang Van. So, yun pala yung hinihintay namin dito? Tss. Baka nga siguro magba-bakasyon kami or gagala lang sa kung saan. Kapestehan naman oh, hindi man lang ako nainform! Parang agad agad naman ata?

Lumapit na kami dun sa van at marahas na kinuha nung boyfriend ni Jia ang mga gamit ko. Kukunin ko pa sana kaso huli na...nalagay niya na sa likod. Tss. Nang makabalik siya dito ay binigyan ko siya ng irap na binalikan niya naman ng mapangasar na tingin. Peste!

Hinintay ko munang makasakay silang lahat para naman malaman ko kung san ako p-puwesto. Syempre dun ako sa walang nakaupo! Kaysa makatabi ko yang mga yan!

Binuksan ni Mama ang pinto sa front seat at parang nakaramdam ako ng feeling na gustong manabunot sa manipis na buhok ng driver.

Wag niyong sabihing kasama rin yan?!

Aba punyeta! Edi sana dinala niyo nalang ako sa impyerno!

Makakasama ko lang naman si Jia, ang pesteng boyfriend niya na si Tristan, at pati narin si Mama. Tapos dadagdag pa yan?!

Damn it! yung naging KABIT lang naman ni Mama dati ang driver ng van kaya magmumukhang hell ang sasakyan na 'to.

Maya-maya ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng front seat kaya nagising ako sa pesteng realidad lalo na kung peste pa ang nagsalita.

"Hoy Jeya! Wala ka bang balak sumakay?"

Napairap nalang ako at sumakay na. Sinasara ko yung isang upuan dito sa pwesto nila Jia para makadaan ako sa likod pero biglang tinabig ni Tristan yung kamay ko at siya nalang ang nagsara neto.

"Hindi kasi marunong."

Urggh! Pati ba naman yan pinapansin niya?! Peste naman oh! Makasakay na nga lang!

Umupo na ako dito sa pinakalikod na upuan. Buti nga magisa lang ako dito eh. Mas okay narin yung ganto kaysa nga sa tulad ng sinabi ko kanina-- ang makatabi yang mga yan.

-

Napamulat ako dito sa pwesto ko dahil naramdaman kong may umaalog at narinig kong may sumisigaw sakin. Ang tagal ko rin palang nakatulog!

"Jeya, bakit ka natunganga? Andito na tayo oh!"

Narinig kong sabi sakin ni Jia. Tss.

=_______=

Behind The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon