Chapter 1 - that moment

15 1 1
                                    


Ngayong araw ay ang debut ng matalik kong kaibigan na si Chel. Kaya naman pinapunta ko yung pinsan ko sa bahay namin, nanghiram kasi ako ng damit at magpapatulong akong mag-ayos. Yep, hindi ako yung babae na mahilig at magaling mag-ayos sa sarili.


"Anak malapit na daw si Ate Pamela mo" sabi sa akin ni mama, kaya naman naligo na ako para pagdating niya magbibihis na lang ako at mag-aayos.


Pagkatapos kong maligo ay nasa bahay na nga si Ate Pam. Ipinasuot niya sa akin yung red and black dress na dala niya, at inayusan na ako. Simple lang ang ayos sa akin ni Ate Pam, pero nagustuhan ko naman ito kasi ayaw ko naman yung gagawing coloring book yung mukha ko at tsaka di naman ako yung debutant para mag-ayos ng bongga. Pagkatapos akong ayusan ay nagpahatid na ako kay papa sa meeting place namin ng mga kaibigan ko na pupunta din sa debut ni Chel.


Pagdating ko sa meeting place ay nandoon na yung 3 kong kaibigan na masayang nagkukwentuhan.


"Hi Vicky" sabi sa akin ni Shane at sinagot ko naman siya ng ngiti at naupo na sa tabi niya.


"Ganda naman Victoria Secret" sabi sa akin ni Darren. Okay na sana yung ganda eh bakit Victoria Secret? Bwiset talaga itong lalaking toh, puro asar na lang ang alam gawin. Kaya naman pinabayaan ko na lang siya at naglaro na lang sa phone ko habang hinihintay yung dalawa pa naming kasama. Habang naglalaro ako ay biglang may tumawag sa akin. Kaya naman lumayo muna ako sa mga kasama ko para masagot yung tumatag.


Elsie Pascual's Calling


"Hello Els" sabi ko. "Els" short for Elsie


"Ayan na. Anjan na si Vicky" sabi naman niya. Mukang conference ito ah.


"Sino mga andito?" tanong ko naman


"Lyn, Kris, Ikaw, Ako" sagot naman niya


"Be anjan na ba si Darren?" tanong naman ni Lyn.


"Oo bakit? Kakausapin mo?" masungit na sagot ko sa kanya.


"Asus kunyari ka pa be. Huwag ka na magselos, di ko crush yun. Di kita aagawan" sagot niya sabay tawa. Aba naman talaga itong batang ito.


" Baliw ka" masungit na sagot ko ulit.


"Oi umayos ka jan ha. Uwi ka agad pagkatapos" sabi ni Elsie


"Huwag papaabutin sa Love. Crush lang be ha?" sabi naman ni Kris


"Ayooooooooon" sabi naman ni Lyn sabay tawa. Nako itong mga babaeng ito talaga

"Ewan ko sa inyo" sabi ko naman sa kanila


"Oi seryoso kami be. Ingat ka"sagot naman ni Kris. Alam ko naman na seryoso sila pag tungkol kay Darren ang usapan. Si Darren pala yung lalaki na laging nang-aasar sa akin pero crush ko. Hay nako ewan ko ba. Kahit may naririnig akong hindi magaganda tungkol sa kanya crush ko pa din siya.


"Alam ko naman eh. Bye na nga muna baka umalis na kami eh" sabi ko sa kanila.


"Sige bye"

"Ingat"


Call ended............


Nakita ko kasi na dumating na yung dalawang kasama pa namin kaya nagpaalam na ako sa kanila. Habang nasa biyahe kami ay naaalala ko yung mga asar at payo sa akin nila Lyn. Paano ba naman kasi, itinabi sa akin ni Noel si Darren. Hay nako alam naman niyang iniiwasan ko na si Darren ehh. Lakas talaga magtrip.


Pagdating naman sa party ni Chel ay itinabi nanaman nila sa akin si Darren. Ano ba guys umiiwas na nga ako eh. Maya-maya pa ay nagsimula na yung party ni Chel, bago magsimula ang 18 roses ay nagpalaro muna sila. Sa di inaasahan ay isinali ako ni Chel sa paper dance. Okay lang naman sana eh, kaso si Darren yung ipinartner sa akin. Tae naman ohh.


"Bakit nakabusangot ka?" tanong sa akin ni Darren habang inaayos namin yung newspaper na gagamitin namin.


"Pake mo" masungit kong sagot


Nang maayos na nga lahat ng players ay nagsimula na yung laro, magpapatalo sana ako kaso biglang nakipagdeal sa akin si Darren. Sabi niya pag natalo kami hindi na niya ako titigilan asarin, pero pag nanalo kami titigil na siya sa mga asar niiya sa akin. Kaya naman pumayag ako, dapat manalo kami para tigilan na niya ako habang hindi pa ako lubusang nahuhulog sa kanya. Tama ang mga kaibigan ko hindi dapat ito umabot sa LOVE. Kaso sa bandang huli natalo kami, paano ba naman kasi di niya daw akong kayang buhatin. Ang bigat ko daw kasi, eh samantalang mas malaki pa nga siya sa akin tsaka di naman ako kabigatan eh. Bwiset talaga kung kelan last na lang ehh.


Pagkatapos ng laro ay pinakain muna kami tapos sinunod na yung 18 roses, 18 candles, 18 gifts, tapos 18 shots. Natapos ang party ni Chel na masaya ang lahat lalo na siya, kaso ako hindi. Paano ba naman kasi puro asar yung nakuha ko kay Darren. Bago kami umuwi ay may nirequest yung debutant, at yun ay magpicture daw kami ni Darren. Hindi na ako nakahindi kasi debutant yun tsaka pag naginarte pa ako baka mas matagalan pa kami, kaya naman nagpapicture na kaming dalawa ni Darren. Pagkatapos magpicture ay nagulat ako sa binulong ni Darren.


"Ayan may picture na tayo. Pwede na madevelop" sabi niya sa akin. Wth!!! Darren Santos. Tae naman, sabi ko bawal kiligin eh kaso hindi ko mapigilan yung sarili ko. Kaya naman tinawag ko na si Noel para makaalis na dito. Baka mahalata pa ako ni Darren na kinikilig.


Pagkauwi ko ay agad akong nagonline para tingnan yung mga pictures kanina, for sure naman nagupload na sila. Ayun nga, nakapagupload na sila at nakita ko na yung picture namin ni Darren na agad ko naman sinave sa phone ko. Bakit ba? Crush ko eh, tsaka di naman niya malalaman. Nang tiningnan ko yung mga comments puro may heart, may comment pa na "iba na yan" tapos "love". Kaso ang pinaka nakakuha ng pansin ko na comment ay yung comment ni Darren Santos. Yung comment niya na.


"w/ my one and only"


Taeee ano ba naman itong pinagcocomment niya,kinikilig ako na naaasar. Darren Santos talaga!! Puro kalokohan. Ayan tuloy puro chat na yung mga kaibigan ko sa akin. At dahil wala ako sa mood ngayon at pagod pa ako hindi ko na muna pinansin yung mga chat nila, for sure naman tungkol sa picture yan. Itutulog ko na lang muna ito.

Almost You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon