Chapter 2 - "crush lang"

12 0 0
                                    

Ngayon ang unang araw ng pasok namin, kaya naman maaga akong gumising para asikasuhin ang sarili ko. Wala naman din kasi akong ibang aasahan kasi nakadorm ako. Syempre pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay dumiretso na ako sa Mcdo. Nag-usap kasi kami kagabi ni Lyn na sabay kaming mag-bibreakfast.. Pagdating ko sa Mcdo ay naghanap na ako ng magandang pwesto at tinext si Lyn na nasa Mcdo na ako. Maya-maya pa ay nagreply na siya.


From. Lyn Angeles

Be sorry kagigising ko lang mauna ka na. Baka malate ako. Sorry talaga.

Nako naman Lyn talaga. Unang araw ng pasok late ka nanaman. Pasaway talagang batang ito, mag-isa tuloy akong kakain.


To. Lyn Angeles

Azarrrrr naman be. Sige dalian mo na nga jan. See you sa room.


Pagkatapos kong itext si Lyn ay agad na akong umorder ng kakainin ko. Syempre kagaya ng nakagawian ay 2pc pancakes at coffee ang inorder ko. Habang kumain ako ay biglang may nagtext.


From: Kris Javier

Bes good morning. Nasa room ka na ba?

Kaya naman nireplayan ko agad siya na wala pa at busy pa akong kumain. Habang masarap ang kain ko ay nagulat ako sa kumausap sa akin


"Victoria Secret wala ka bang kasama?" sabi ng pamilyar na boses. Shemssss. For sure si Darren ito, siya lang naman ang tumatawag ng Victoria Secret sa akin eh


"Tigilan mo na nga ako sa Victoria Secret na yan" sagot ko naman


"Alam mo ba kung bakit Victoria Secret tawag ko sayo?" sagot niya sabay upo sa tapat ko


"Hindi, tsaka pake ko. Oh bakit ka naman umupo agad sinabi ko ba na wala akong kasama?" masungit na sabi ko


"Bakit meron ba?" serysong tingin niya sa mga mata ko. Shemmsss bakit biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Taeeeeee. Kaya ayun di na ako nakapalag at tinuloy na lang ang pagkain ko. Tahimik akong kumakain ng biglang magsalita si Lance.


" Vicky bakit biglang ang sungit mo sa akin?" tanong niya habang naghihiwa ng pancake. Oo sinusungitan ko na siya ngayon. Kinakabhan kasi ako sa sinabi ni Kris na Love. Kaya bago pa man umabot sa Love ay iiwasan ko na


"Trip ko lang" mabilis kong sagot sabay inom ng kape.


"Ahhh alam ko na. Baka meron ka lang" sagot niya sabay tawa. Kaya naman di ko na lang pinansin kasi mukang nangaasar. "Oi joke lang yun. Huwag mapikon" sabi niya ng makita niyang mukang seryoso na ako. Binilisan ko na lang ang pagkain ko para makaalis na at di ko na makita itong baliw na ito


Umalis ako ng walang paalam kay Darren, paano ba naman kasi nakakainis.

As usual, kahit di ko pa nabubuksan yung pintuan ng room namin rinig ko na yung mga boses ng mga kaibigan ko at nung pagbukas ko ayun kanya-kanyang bati na sila sa akin. Umupo ako sa tabi ng mga kaibigan ko sa bandang likod. Kagaya ng inaasahan ko magtatanong sila sa nangyari nung debut ni Chel. Mga baliw talaga itong mga ito nakwento ko na ikukwento ko pa ulit, tas mga mukang kinikilig pa pero may mukang naiinis din, dahil nga sa mga di magandang naririnig namin tungkol kay Darren.

Almost You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon