Chapter 3 - "maling akala"

8 1 1
                                    

Back to Vicky Marcelo POV


Ang bilis na talaga ng oras ngayon, hindi ko man lang naramdaman yung weekend. Paano ba naman kasi may Saturday class din kami.


"Kris lunch tayo ha?" yaya ko kay Kris


"Be di ako pwede ngayon may kikitain ako" sagot naman niya. Aba sino kaya kikitain nito?


Kris Javier POV


"Be di ako pwede ngayon may kikitain ako" sabi ko kay Vicky. Nang lalapitan ko na si Darren ay bigla siyang umalis. Aba baliw toh ha.


From: Darren Conception


Kris sa garden tayo mag-usap.


Choosy naman nitong lalaking ito. Sa garden pa gusto makipag-usap, ganun ba kaprivate ang pag-uusapan namin. Pagkabasa ko ng text niya ay agad na akong pumunta sa garden at nandoon na din naman siya.


"Kris" tipid na sabi niya na mukang kinakabhan. Bakit naman kinakabhan tong lalaking toh.


"May problema ba Darren?" sagot ko naman


"Kris. Kasi ano" kabadong sabi niya. Ano ba yan Darren para naming nagliligawan tayo dito.


"Ano ba talaga yun Darren, nagugutom na ako eh" sabi ko para magmadali ng masabi sa akin ni Darren yung sasabihin niya.


"Kris kasi may aaminin ako sayo" sabi niya sa akin. Hala may gusto pa ata sa akin ito ha. Masasapak ko toh.


"Darren don't tell me" sabi ko na nanlalaki ang mata


"Huwag kang assuming Kris" sabi niya sa akin na tumatawa pa tapos hinampas pa ako. "Eh kasi naman paputol-putol ka eh. Sabihin mo na kasi kung ano sasabihin mo" sagot ko naman sa kanya


"Kris mahal ko talaga si Vicky" seryosong sabi niya sa akin. Seryoso ba ito? Mahal talaga niya si Vicky? "Alam kong hindi madaling paniwalaan kasi nga sa mga naririnig niyo tungkol sa akin, pero kasi binago ako ni Vicky" dagdag pa niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, bakit pati ako kinakabhan.


Back to Vicky Marcelo POV


Pagkatapos namin kumain nila Lyn ay naisip namin na maglibrary muna para tapusin yung assignment sa Stat. Habang papunta kami sa library ay may hindi ako inaasahan na makikita. Nakita ko si Darren na may kasamang babae, at hindi lang siya kung sinong babae, si Kris yung kasama niya. Siya ba yung sinasabi ni Kris na kikitain niya? Hindi kaya may gusto si Darren kay Kris? Kaya ayaw ba ni Kris si Darren para sa akin kasi sila na? Nakoooo Victoria napapraning ka nanaman.


"Oi be" tawag sa akin ni Elsie


"Bakit?" tanong ko naman?


"Parang wala ka sa mood ngayon" sagot naman niya sa akin. Oo wala talaga ako sa mood. Makita mo ba naman yung kaibigan mo na kasama ng taong mahal mo.


Pagkatapos namin gumawa ng assignment ay umuwi na din kami agad. Habang nakahiga naisip ko na itext si Kris para tanungin kung sino yung kinita niya kanina. Nagreply din naman siya agad kaso, yung reply niya hindi sakto sa nakita ko kanina. Bakit kailangang itago sa akin ni Kris na si Darren ang kinita niya kanina.


KINABUKASAN


Kahit parang ayaw kong pumasok dahil sa nakita ko kahapon ay pinilit ko ang sarili ko. Tama ang mga kaibigan ko, hindi pwedeng maapektuhan ni Darren ang pag-aaral ko. Pagdating ko sa room ay agad akong yumuko sa desk ko. Ayaw ko muna kasing makipag-usap sa kahit sino.


Habang nakayuko ako ay narinig ko na pinag-uusapan ni Lanie at Lyn kung bakit di ko man lang sila binati at parang wala ako sa mood. Totoo naman eh wala talaga ako sa mood. Maya-maya pa narinig ko na yung boses ni Kris na nakikipag-usap sa kanila. Siguro inamin na ni Kris yung tungkol sa kanila ni Darren. Hmp.


Nang matapos ang dalawnag subject namin ay lumabas na ang iba kong kaklase dahil nga sa may 1hr vacant kami samantalang sila Lanie at Lyn naman ay lumapit sa upuan ko, for sure sasabihin na nila yung tungkol kay Kris at Darren.


"Be may sasabihin sayo si Kris" sabi ni Lyn


"Alam ko na. Kayo ni Darren, kaya pala ayaw mo siya para sa akin" asar na sagot ko. Hindi ko na napigilan sarili ko eh.


"Be ano ba yang sinasabi mo?" sabi ni Kris na parang nagulat sa sinabi ko. Come on Kris magkukunyari ka pa.


"Nakita ko kayo ni Darren kahapon sa garden, tapos nung tinanong kita kung sino yung kasama mo hindi mo sa akin inamin Kris. Ano sa tinggin mo ang iisipin ko?" galit na sabi ko pero parang sila din naguguluhan sa akin. Oo kahit ako naguguluhan din sa sarili ko.


"Be mali ang iniisip mo, oo be, nagsinunggalin ako sayo kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo yung dahilan kung bakit kami nagkita ni Darren" sagot niya. See umamin din siya. " Di ko alam na ganyan pala ang tinggin mo sa akin" dagdag niya tapos lumabas siya ng room na sinundan naman ni Lanie. So ako pa yung mali?


"Be mali ka ng iniisip kay Kris, nag-usap sila ni Darren kahapon dahil sayo" sabi ni Elsie "Humingi si Darren ng favor kay Kris na kausapin kami na bayaan namin siyang patunayan ang sarili niya para sayo" dagdag pa niya. Hindi ako makapagsalita sa narinig ko. Dahil sa hindi ako makapaniwala na mahal na din ako ni Darren at dahil na din nasaktan ko si Kris.


Ganito ba talaga ang love? Nakakapraning?


Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Kris, alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko. Kaya naman nanghingi ako ng tulong kanila Lyn. Kasi naman eh, bakit napapraning ako pagdating kay Darren. Hindi din maalis sa isip ko yung sinabi sa akin ni Elsie


"Humingi si Darren ng favor kay Kris na kausapin kami na bayaan namin siyang patunayan ang sarili niya para sayo"


Bakit kailangang patunayan ni Darren ang sarili niya sa akin? Ayaw ko man magassume pero hindi ko maiwasang ngumiti.

Almost You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon