Chapter 4 - "we're the perfect two"

8 0 0
                                    

Victoria POV


Kinabukasan nagulat ako sa katahimikan sa loob ng room, himala na lang kasi kung maging tahimik ang section namin pag wala pang Prof. Pagkapasok ko wala din pumapansin sa akin. Ano nangyari sa mga kaibigan ko? May ginawa ba akong mali? Oo nga pala, yung kay Kris. Siguro nainis na silang lahat sa akin. Hay nako napakapraning kasi Victoria. Kaya naman naisipan ko na lang magreview para sa quiz namin mamaya.


Habang nagrereview ako ay may inabot sa akin si Kris na paper na may nakasulat na "You're the apple to my pie". Huh? Teka okay na ba kami? Kaso bakit I'm the apple to her pie? Tomboy ba si Kris? Nako di naman siguro. Pero para san ito?


Maya-maya pa may inabot naman sa akin na papel si Lyn na may nakasulat na "You're the straw to my berry".


Sinundan naman ni Lanie na may nakalagay na"You're the smoke to my high". Teka ano bang nangyayari? Tsaka familiar sa akin yung mga nakasulat. Eh yung lyrics ito ng Perfect Two ehhhh. Mga baliw tong mga toh.


Nangtatanungin ko n asana sila kung para san yung mga papel ay un biglang lumapit sa akin si Darren.


"Cause you're the apple to my pie. You're the straw to my berry. You're the smoke to my high. And you're the one I wanna marry.Cause you're the one for me. And I'm the one for you.You take the both of us. And we're the perfect two. We're the perfect two" kanta sa akin ni Darren. Tae ang bilis ng tibok ng puso ko. Mukang matatalo pa yung karera ng mga kabayo. "Good Morning Victoria Mendez" matamis na sabi ni Darren sabay tapik sa ulo ko tapos pumunta na siya sa likod. Tae Darren masasapak na kita eh ang sakit sa pusooooooo.


Dadaldalin ko sana sila Kris kaso bigla naman ng dumating yung Prof. namin. Ano ba yan Sirrrrr. Ang hirap magpigil ng kilig. Parang pagpipigil pag nauutot ka na Hahahahahaha . JOKE LANG.


Syempre pagkatapos ng unang subject agad ko ng kinausap si Kris tungkol kanina at nagsorry din ako sa nangyari kahapon. Ayun na nga tinotoo na ni Darren yung panliligaw niya. Ganito pala yung feeling ng nililigawan, halong saya at kaba. Oo first time kong ligawan, pake niyo ba.


Pero ayun na nga hindi ako makatinggin sa likod kasi feeling ko laging nakatinggin sa akin si Darren. Nakucurious tuloy ako sa itsura ko. Darreeeennnnn naman kasiiiiiiii.


Pagkatapos ng klase namin ay pinabayaan na ako nila Lyn. Aba himala, mga walang balak mag-lunch. Pero okay na din yun para tipid.


Habang naglalakad ako pababa sa hagdan ay piglang may nangalabit sa akin at pagtinggin ko. Si Darren yung nangangalabit sa akin na binigyan pa ako ng matamis na ngiti. Taeeee ano ba Darren kanina pa ang bilis ng puso ko pati ba naman ngayon.....


"Kain tayo" yaya niya sa akin


"Nagtitipid ako eh" sagot ko. Tae bakit ayon nasagot ko? Huhuhuhuhu hindi naman din kasi ako sanay kumain sa labas na lalaki kasama ko at TAKE NOTE si Darren pa.


"Sagot ko. Basta sasagutin mo din dapat ako" sabi niya sa akin na ikinatigil ko sa paglakad. Ito na ba talaga yun? Lumalove life na ako? "Hoy! Ano ka ba, huwag kang mag-alala hihintayin kitang sagutin ako. Pero ngayon kain na talaga tayo nagugutom na ako eh" sabi niya sa akin sabay hatak sa kamay ko. Hawak ni Darren Conception yung kamay ko. Omaayyygaddd. Ang hirap magpigil ng kilig.


Kumain kami ni Darren sa Bonchon at kagaya ng ng sabi niya nilibre niya ako. Habang kumakain kami ay daldal siya ng daldal at sinabi din niya sa akin na seryoso siya sa akin, na liligawan niya talaga ako, at gusto daw niyang manligaw sa bahay namin. Samantalang ako naman ay di mapakali sa kinauupuan ko. Aba first time ko yung gantong feeling eh.


Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya ako sa dorm at sinabi din niya na araw-araw niya akong ihahatid sa dorm. Pero syempre binara ko siya. "Salita lang yan" sabi ko sa kanya at sinagot naman niya ako ng "Try me Victoria. Basta para sayo kaya ko". Taeeee naman maghihiwalay na nga lang kami nakakasakit pa ng puso. Hindi dahil sa hindi ko nagustuhan yung sinabi niya. Dahil sa ang bilis tumibok ng puso ko na para bang gusto ng lumabas sa katawan ko para magsaya.


Syempre kinuwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari ngayon sa akin. Puro asar at payo ang narinig ko sa kanila. Pero hindi na kagaya dati na ayaw talaga nila si Darren para sa akin.


Darren POV


Ngayon araw ay nasimulan ko na ang panliligaw k okay Vicky. Ang sarap sa feeling na nailabas ko na yung totoo kong nararamdaman para sa kanya. Pag-uwi ko sa bahay ay chinat ko siya para hinggin yung number niya. Oo wala pa akong number ng babaeng matagal ko ng gusto. Nakakahiyang manghingi sa kanya eh. Ayaw ko naman sa iba ko hinggin number niya., gusto ko kasi siya talaga mismo magbibigay.


Mahigit isang oras din kaming magkatext at magkachat ni Vicky kahit habang kumakain ako ay okay lang basta siya. Lakas sa akin ni Victoria Mendez eh. Mahal ko kasi. Naputol ang pag-uusap namin dahil sa magrereview na daw siya para sa quiz nila.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon