Aowen.
I already told you my thing, my ass. What my actions showed, or my texts rather, na pinutol ko na iyong kung ano mang meron sa amin ng Irvin na ’yon. Pero nasaan ako? Nasa building at floor na parang kabisadong-kabisado ko nang puntahan kahit naka-pikit pa ako. Grabe.
Bakit ako nandito? Siguro kasi sabi niya pag-uusapan nang personal. Sige, kumbinsihin mo pa sarili mo, Aowen.
Hindi ako nahirapang makapasok sa building kanina. The guards even greeted me. Sobrang babait nila, nakakatuwa. Pagpasok ko rin sa receiving area ng office niya, the guard stationed there even waved at me.
I scanned the area. Wala si Mario na secretary niya na baby face. Baka nasa meeting din. Uupo sana ako roon sa couch kaso medyo nakaka-ilang iyong mga dumadaan. Parang kilala nila ako.
Pumasok na lang ako sa office niya. Nagpaalam naman ako sa guard, sabi ko lang papasok ako. Pinagbuksan pa ako ng pinto. Wala na talagang atrasan ’to. Sabi ko bye, pero nandito ako. Parang sira.
Bahala na. At least, may closure kami kung ito na ’yon?
For a few minutes, nandoon lang ako sa dulo ng room, naka-tanaw sa labas. Ganda talaga ng glass wall niya rito e. Hindi ko alam kung may iniisip ako o kung anong nasa isip ko nang makarinig ako ng movement sa loob.
Nagkagulatan pa kami pareho. Si Mario. “Hi, ma’am.”
Ngumiti lang ako. Kapag tinanong ako nito kung bakit ako nandoon, anong sasabihin ko? Hulaan niya? Gusto kong matawa.
“Si Sir po ba? Nasa meeting pa po, e,” nakangiting sabi niya tapos tumingin siya sa relo niya. “In fifteen to twenty minutes po siguro, dito na po ’yon. Drinks ma’am? Food?”
Umiling na lang ako at nag-gesture na hindi naman kailangan. I am really out of my mind for being here. Baka ako na iyong nasisiraan.
May kukunin lang daw siya tapos ay bumalik na doon. May dala pa akong adobong patatas na may kaunting manok. Niluto ko kanina. Naging habit na lang siguro na magdala tuwing pupunta ako rito kasi napaka-unhealthy rin talaga madalas ni Adi.
Ano ba talagang pinunta ko rito? Bakit ako may dalang adobo kung pagpapaalam ang purpose ko rito?
I continued looking at the view, weighing my choices kung magi-stay ba ako or aalis. Pero kahit may parte sa utak ko na parang sinasabihan akong umalis na, hindi ko magawa. Sa dahilan siguro na nandito naman na ako. Sayang pamasahe. Sayang effort na magbihis at pumunta rito. Bahala na lang talaga.
Nagtatalo utak ko kung aalis ba ako o hindi na napu-frustrate na ako. Pero sayang naman pinunta ko rito. Baka sabihin din ni Mario sa amo niya na nandito ako.
“OMG, Ao!” Napahawak ako sa dibdib ko kasi, hindi biro, nagulat talaga ako. Paglingon ko, si Kei pala, iyong sumunod kay Adi na kapatid niya, na halos kaedaran ko. Kyla Eerie Irvin. Ang kukulit ng pangalan.
I greeted her back and hugged her back when she did at nang bumeso ito. I tried my best na ngitian siya nang totoo kahit may paga-alinlangan ako. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. She led me sa sofa and we talked for awhile. Nang medyo humaba na ’yong k'wentuhan, pabalik-balik na ’yong tingin ko sa pintuan. Halos twenty minutes na ang nakalipas. Sabi ni Mario, fifteen to twenty minutes.
And when the door opened, I think I froze. Nagtama agad tingin namin. Natahimik ako. Natahimik din yata si Kyla. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa kaniya nang magpaalam siya at lumabas ng silid. Una na raw siya. Baka naramdaman niya rin iyong tensiyon sa pagitan namin ng kapatid niya.
Nandoon pa rin si Adi sa pintuan. Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Mukha kaming mga sira. I averted my gaze away from him kasi tumayo ako. Pag-angat ko ng tingin, nasa tapat ko na siya. Ang lapit niya na. Yakapin niya na ako, baka naman. Na-miss ko rin talaga siya. Ano ba ’yan. Ang rupok-rupok naman.

BINABASA MO ANG
see you later
Romanzi rosa / ChickLitAowen Croce is currently at the part of her life where she expects to be loved back, well, by the luck of life and of her budding career. Yet, life is surprising, indeed. As she tries to resolve a problem that occurred in her business, she bumps int...