epilogue (2/3)

506 14 5
                                    

Aowen.

iMessage

(d)adi

Today 4:59 PM

parking

thank you, ao. i love you

i have pasalubong
Read

━━━━━━━━

“Ate, do you play Roblox?” Umiwas iyong mga mata ko kay Kia habang natatawa. Nasaan na ba si Adi!?

“No, baby,” sabi ko na lang. To distract her, kumuha ako ng gummy bear sa harapan namin at binigyan siya. Inabot niya naman at kagaya ng kanina pa naming ginagawa, pinaghiwalay niya iyong ulo at katawan ng kawawang gummy bear bago kainin.

“C’mon, ate, I'll teach you how.” Umiling-iling na lang ako at sinubukan siyang i-distract uli.

I just babysat Adi’s youngest sibling today. Okay lang naman. Ang cute, cute ni Kia tapos nakakatuwa na may kasama ako rito sa unit.

Kaso kanina niya pa ako pinipilit maglaro ng Roblox. Ang problema, hindi ako marunong at hindi ko talaga ma-gets iyong laro. Ewan ko ba. Siguro hindi ko talaga trip. Inaya na rin ako niyan ni Bo pero wala siyang napala sa akin kahit tinuruan niya rin ako. Maybe, I wasn't really made for such games, you know? Charot. Pero not charot.

Napalaban din ako sa English-an sa batang ito. Buti na lang na-practice na ako sa kuya niyang bulol din kapag nagta-Tagalog. Grabe. Ang galing naman mag-Tagalog nina Tita, anong nangyari sa mga anak nila?

“Is Kuya here na?” Tumango-tango ako habang naka-ngiti sa kaniya. Nginitian niya naman ako in return. Sobrang cute!

Si Adi, hindi ko pa din alam kung nasaan na. Nag-text na siya, mga twenty minutes ago na rin yata na parking na raw siya. Saang bundok ba siya nag-park? What if sakalin ko siya???

Hindi pa rin kasi nagdi-dinner si Kia. Actually, maaga pa naman for dinner at kanina pa kami kain nang kain rito, pero gusto ko sana kasama siya mag-dinner na mukhang ayaw ni Adi na epal.

Alas sais na. Sumimangot ako nang pumasok si Adi sa unit ko. He didn't have to knock or ring the doorbell anymore. Two years in this love-hate relationship (love-hate kasi epal talaga siya), minsan binabardagol niya na talaga ako.

Huminto pa siya banda roon sa pinto. Akala niya naman lalapitan ko siya at sasalubungin ng yakap na mahigpit. Ang ganda ng parking niya ha. Halos 45 minutes siya sa baba? Saan siya nag-parking, sa lobby? Paano siya nagparking, pantay na pantay ba dapat na inabot siya nang gano’n katagal?

“Hugs?” Napa-irap ako. Tuwang-tuwa namang tumakbo iyong kapatid niya at niyakap siya.

Kia started talking to his Kuya, kung anong nangyari today at iyong mga pinanood namin tapos iyong mga kalokohang pinagku-k’wento ko sa bata. Amazed na amazed siya sa mga kalokohan ko! Mild pa nga ’yon. Kung si Bo ang nag-babysit, pagdating ng magulang, matigas na buto ng bata. Charot.

“Are you galit?” Adi kissed my forehead. Hinampas ko nang pabiro ’yong dibdib niya. Seriously, aRe yOu GaLiT? Alien talaga ’to. Daming arte.

“Bakit ako magagalit?” Umupo siya sa tabi ko. Iyong kapatid niya ay panay pa rin ang laro sa phone. Naalala ko na naman na pinipilit niyang install-an iyong phone ko ng Roblox. Hindi ko talaga keri. Parang gusto kong mangurot. Charot.

“Because it took me so long since I texted that I was already at the parking lot?” Inirapan ko siya ulit.

“Buti alam mo.” Hinatak naman niya ako tapos ay niyuyogyog nang kaunti kasi nangungulit. So epal in the whole wide world.

see you laterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon