IMANI
Tulad nang napag-usapan, sumabay ako kay Orion na mag-enroll. Nagsisi naman ako kaagad dahil isa palang private school ang pinasukan ko, so, I need to look for scholarship din.
While I am enrolling for first year for the same course bago ako nag-stop, si Orion ay second year na, sa field ng Business. Kung nagpatuloy ako sa pag-aaral parehas sana kaming second year.
“Are you hungry?” tanong niya paglabas namin ng university.
“Hindi naman, ikaw ba gutom?” tanong ko pabalik.
“Uh, no,” maikling tugon niya. “Where do you want to go now?”
“Nowhere, kailangan kong balikan si Isoke,” turan ko.
“Will you get mad if ano, I want to take you somewhere ngayon?” nag-aalangang sabi niya.
Ngayon ko lang siya narinig magsalita na may halong Filipino. Well, his grandparents sa father side are pure American at nag-asawa ang daddy niya ng Filipina so that makes him half-half.
“Uhm, sandali lang ba?”
“Yes, yes,” mabilis niyang sagot.
“Sure, sige.”
“Nice. Get in,” saad niya at iginiya ako sa sasakyan.
Pumasok naman ako kaagad at siya rin. Isinukbit ko ang seatbelt ko at nakitang hindi ito ginawa ni Orion.
“What are you doing? Put on your seatbelt, Orion,” seryosong sabi ko. Agad niya naman itong ikinabit.
“Dude, this Imani Beverley,” bulong niya na obviously ay narinig ko naman. Hinayaan ko na lamang ito at nagsimula na siyang mag-drive.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko nang medyo nakalayo na kami sa university.
“Ah, diyan lang. We’ll be there in five minutes.”
Tumango-tango na lang ako at hindi na umimik pa. Nawawala talaga ang dila ko kapag kami lang dalawa. And I can’t deny na sa mga nagdaang buwan na magkasama kami, I am developing a feelings for him. Pero kailangan ko itong itigil dahil mahirap na.
Tama nga siya, huminto ang sasakyan niya sa loob ng limang minuto. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pa sa paglabas na parang bata.
Pumasok kami sa isang parang old house, hindi ko ma-explain kung ano ito. Huminto pa saglit si Orion sa may counter para magbayad at kumuha ng ticket, kailangan daw ito para makapasok kami sa loob. Hindi ba loob na rito?
Sumunod lang ako sa kaniya habang siya ay sinasabayan ang paglalakad ko kaya medyo bumagal ang lakad namin.
“Ah, mauna ka na. Ikaw ‘yong may alam dito eh,” saad ko at tumango naman siya.
Maya-maya lang ay nasa harap na kami ng isang wooden door. Binuksan niya ito at namangha ako sa aking nakita.
“This is wonderland,” manghang sabi ko.
May mga paruparo na may iba’t-ibang kulay ang lilipad-lipad sa loob ng kwarto o hardin, kung ano mang tawag dito. Ang iba ay dumadapo pa sa ulo at balikat ko.
Lahat ng bulaklak na nakikita ko ay hindi totoo pero ang nagpapaganda sa mga ito ay ang ilaw sa loob mismo ng mga pekeng bulaklak na iyon.
Mas lalo pa akong namangha nang marinig ko ang munting boses ng mga bata sa paglilibot namin sa lugar. Inaya ko si Orion na makinig muna sa kanila at hindi naman siya umalma. Ang magagandang boses nila ay namalagi sa utak ko hanggang sa ayain ako ni Orion na tumuloy sa paglilibot.
YOU ARE READING
Forgotten Reminiscence
RandomImani Beverley was in her first year of college. Together with her boyfriend and bestfriend - they've done things together as they were all in the same course. Although there are rough times with friendship and love. She managed everything perfectly...