Chapter XVII

1 0 0
                                    

IMANI

Bumalik ulit ako sa pagtatrabaho kay Ophelia dahil bakasyon na. Mahaba-habang pagpilit ang ginawa ko bago siya pumayag, hanggang sa matapos lang naman ang bakasyon eh. Pinipili kong magtrabaho pa rin dahil hindi ko naman pwedeng igastos ang natitirang pera sa banko na iniwan ni Daddy sa akin, para sa pag-aaral ni Isoke ‘yon. Ilang taon na lang papasok na siya kaya mas kailangan ko pang mag-ipon lalo na’t marami akong plano para sa ikabubuti niya.

“How’s Isoke?” tanong ni Ophelia habang inaayos ko ang mga benta sa kani-kanilang lalagyan.

“She’s doing great,” I answered enthusiastically.

“Well she has a great mind and she can learn fast. I love your child as much as I love you, dear,” nakangiti niyang sabi.

“Thank you, we love you, too,” sagot ko at tumawa kaming dalawa.

Hindi naman ako napapagod sa trabahong ito dahil madalas lang akong nakaupo. Minsan ay naglilinis at nag-aayos-ayos pero kadalasan nasa counter lang ako nakikipagkwentuhan kay Ophelia hanggang sa may magbayad na customer. Kapag uuwi naman ako sa bahay ay bubungad sa akin ang makulit kong anak na nagiging pahinga ko, idagdag mo pa ‘yong mapagmahal kong boyfriend. Kapag kasama ko sila buhay na buhay ako, kaya ano pang mahihiling ko? Ang mga taong ito ang kumukumpleto sa buhay ko, sila lang sapat na, higit pa nga kung tutuusin.

Lunes hanggang Sabado ang pagpunta ko sa tindahan ni Ophelia. Nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko kasi sinasama ko sa akin si Isoke, wala namang problema si Ophelia roon mas gusto niya pa nga. Kadalasan pa ay kasama ko si Tita Graciela at Tito Will, tapos Orion is around too. The store is never quiet kapag magkakasama kami.

While we’re here at the store, tinuturuan kong magbasa si Isoke because she asked for it.

“Mommy, pi-si-ko?” tanong niya habang tinuturo ang salitang “psycho”.

I chuckled a little. “No, anak. It’s psycho.”

“Oh, like psychology without logy?” excited niyang saad.

“Yes, anak.”

“Okay, Mommy. Teach me more.”

I love teaching her dahil ang dali niyang matuto. Hindi rin sumasakit ang ulo ko sa kaniya dahil nakaupo lang talaga siya at tahimik na iniintindi ang bawat salitang nababasa niya.

“Mommy, gardening?” tanong niya sa kalagitnaan nang pagbabasa namin sa manipis na reading book na binili ko para sa kaniya.

“Gusto mong matuto ng gardening?” She nodded. “Sige, after church tomorrow we’ll do gardening and we’ll ask Tita Graciela for help, okay?”

“Yey,” masayang sabi niya.

Nang magsawa siya sa pagbabasa ay humiwalay siya sa akin at lumapit kay Ophelia para makipagkulitan. Hinayaan ko lang sila at ako naman ay nag-search sa computer ni Ophelia ng tungkol sa gardening para naman may maituro ako kay Isoke bukas.

Excited siyang magsimba kinabukasan. Cute na cute ako sa kaniya dahil sa suot niyang red dress na may mga ribbon na design partnered with a cute red dolls shoes. Kinuhanan ko siya ng pictures at karamihan doon ay stolen dahil ayaw niya sa camera.

Habang sinusuklay ko ang buhok niya ay tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Orion ang nakarehistro sa caller ID. Binaba ko ang suklay at sinagot ang tawag.

“Morning, hon,” bati ko.

“Morning. I’ll be there in three minutes. Are you two ready?”

“Yes. We’ll wait you outside na lang.”

Forgotten Reminiscence Where stories live. Discover now