IMANI
Ang bilis lumipas ng pahanon. Lumalaki na si Isoke at mas malikot na. Lagi siyang nakabuntot kahit saan man ako pumunta, nariyang kung ano-anong kinakalikot niya habang nagluluto ako, gumagawa ng nga ingay gamit ang mga gamit sa bahay, at ang pinakanahirapan ako sa kaniya at ‘yong nagtago siya. Halos umiyak na ‘ko no’n kasi hindi ko siya makita tapos ando’n lang pala nagtatago sa mga halaman nila Tita Graciela, talagang tinago niya ang sarili niya sa akin.
Sa pagbili ko ng gamit na kailangan ko sa pag-aaral si Isoke at si Orion ang kasama ko. Malapit na ang pasukan kaya naman mas lalo kong pinagtuonan ng pansin si Isoke. Although, hindi niya pa naiintindihan masyado ang mga pangyayari, kinakausap ko pa rin siya na parang isang batang may isip na.
I tell her things about my studies and that her Lolo and Lola Graciela will take care of her while I am away. Of course she asked about Ophelia and I told her she’ll come to visit her too. At first it was hard kasi akala niya ay iiwan ko siya pero nakuha niya rin na hindi naman pala.
“Is everything prepared?” asked Orion when he entered our house.
“Yes, I am good to go,” sagot ko saka isinukbit ang bag ko sa balikat.
Sinabihan niya akong susunduin niya ako kahapon para sabay na kaming pumasok at para masamahan niya rin daw ako sa classroom ko baka raw maligaw ako. Alam ko namang hindi dahil ilang beses kaming nag-tour sa school na ‘yon no’ng bakasyon kaya alam ko na ang pasikot-sikot.
“Hey there, baby,” he greeted Isoke nang makalabas sa kwarto dahil kagigising lang.
“Good morning, sweetheart,” bati ko sa kaniya.
Hindi niya pinansin si Orion at sa akin dumiretso para magpabuhat at magpalambing. Akala ko ay iiwan ko siyang tulog pero nakaramdam yata siya.
“School, Mommy?” inaantok na saad niya.
“Yes, baby.”
“School. Isoke?”
“You’ll go to school once you become a big girl.”
“Okay. Luck.”
“Thanks, baby.”
Kinuha ni Orion ang bag ko mula sa akin dahil hindi nagpababa si Isoke. May daanan naman sa gilid ng bahay nila Tita Graciela pero sabi nila ay dumaan na lang daw kami lagi sa may backdoor. Doon din naman talaga ako dadaan kasi sa kanila ko iiwan si Isoke.
“Hello, baby,” bati ni Tita nang makapasok kami sa bahay nila. Nagpabuhat naman sa kaniya si Isoke.
“Mag-ingat kayo at mag-aral nang mabuti. Ako na ang bahala sa kaniya,” wika niya sa amin.
“Sige po Tita. Aalis na po kami, pakisabi na rin po kay Tito. Salamat po.”
“We’ll get going, Tita,” singit ni Orion.
Naglakad na kami papunta sa kaniyang kotse at sumakay. Pinaandar niya naman agad ito and he drove smoothly until we reached the university.
“I’ll see you later, Imani,” he said. He leaned and kisses me on the forehead and I was totally shocked by what he did.
Hindi na ako nakapagsalita at nauna na siyang pumasok. Napailing na lang ako at naglakad kahit na lumilipad ang utak ko dahil sa ginawa niya. Why did he do that?
Bago ako pumasok sa room ay huminga ako nang malalim. Marami na sila sa loob at medyo maingay rin. Kaniya-kaniyang usapan.
Paborito talaga yata ako ng pwesto sa may bintana dahil ito na lang ang bakanteng upuan na sakto sa akin. Meron pa naman akong nakita pero sa paligid ng mga lalaki.
YOU ARE READING
Forgotten Reminiscence
RandomImani Beverley was in her first year of college. Together with her boyfriend and bestfriend - they've done things together as they were all in the same course. Although there are rough times with friendship and love. She managed everything perfectly...