CHAPTER 7:

3.7K 103 1
                                    

Tulonggg!"

Sumisigaw si Arbie ngunit walang tumutulong sa kanya, ang taong tumulak naman sa kanya ay mabilis na tumalilis.

Palinga linga naman ang katulong dahil may narinig siyang hiyaw, di nag laon nakita rin niya ang dalaga na nalulunod.

"Diyos ko pong mahabagin!" usal ng katulong saka humingi ng saklolo.

"Tulong, may nalulunod sa pool, tulungan ninyo!"humahangos na sigaw ng katulong.

Agad namang nag silabasan ang mga bisita, ganun na lang ang takot na lumarawan sa mukha ni Aj ng mapag sino ang nalulunod.

"Tabi kayo!tabi" tabig ni Aj at mabilis na nag dived sa tubig.

Ngunit lumubog na si Arbie at marami naring nainum na tubig,

"Bhie my God! hold on!" ani Aj at maingat na inilapag sa gilid ng pool si Arbie.

"Bhie! gising gising!" ani Aj at tinatapik ang pisngi ng dalaga ngunit wala parin ayaw paring gumalaw nito, kinabahan na si Aj at napapaluha na ito.

"Please Arbie hold on wag mo akong iiwan!"

Umiiyak na si Aj habang pina pump niya ang dibdib ng dalaga upang makalabas ang nainum na tubig nito ngunit wala parin, last option na niya ang i mouth to mouth ang dalaga.

Parang walamg naririnig si Aj ng mga sandaling iyun kundi ang tibok ng kanyang puso, kinakabahan at natatakot siya!"

Pilit hinihigop ni Aj ang tubig na nainum ni Arbie at bigyan na rin ng hangin ang baga nito.

Paulit ulit na ganuon ang ginawa ni Aj.Nag sama na rin ang luha at tubig sanhi ng pag kabasa ang ngayon ay umaagos sa mukha ni Aj.

"Please Bhie dont leave me like this!" ani Aj na sumisigaw na at isa pang pump sa dipdib ang ginawa niya hanggang sa inubo si Arbie at lumabas ang tubig na nainum nito.

"Thanks God!" ani Aj at mahigpit na niyakap ang dalaga.

"Yaya! paki kuhanan ng towel si Arbie!" utos ni Jayson ang kaibigan ni Aj.

Binuhat ni Aj si Arbie at ipinasok sa loob ng bahay at binalot ng twalya ang basang katawan.

Kung may masamang nangyari kay Arbie 'di niya mapapatawad ang sarili.

Nanginginig naman sa takot ang dalaga habang yakap siya ni Aj panay ang kanyang pag luha.

"Sssshhhhh! tama na your safe now!" ani Aj.

"Hindi ako makapaniwala na may mga taong masasama na kayang gumawa ng bagay na ganito?" ani Arbie sa pagitan ng pag hikbi.

"What do you mean?"

"May tumulak sa akin sa pool, nag papahangin lamang ako ng bigla na lamang may kamay sa likuran ko at tinulak ako!" ani Arbie.

"Ang sabihin mo baka tatanga tanga ka lang kaya nahulog ka at sinu naman ang mag tutulak sayo?" taas ang kilay na tanung ni Patricia

"Lets find out!" ani Jayson at binuksan ang malakung screen na nasa sala, shock si Patricia meron palang mata sa bawat sulok at labas ng bahay nila Jayson, saka lamang niya napag tanto ng Congressman nga pala ang ama nito kaya bawat bahagi ng bahay ay may camera para sa proteksyon na rin ng pamilya.

Makapigil hininga ang mga susunod na eksena, kagagaling lamang ni Arbie ng comfortroom ng matigilan ito at napalingon sa gawi ng pool.

Dahan dahan siyang lumapit sa pool side at hindi niya namalayan si Patricia na lumapit at ubod lakas siyang itinulak.

Nanlaki ang mata ni Patricia, at maging ang mga kaibigan nito ay ganun din. Napaatras ang mga kaibigan ni Patricia.

Nag babaga ang mata ni Aj sa galit at binitawang saglit si Arbie sa pag kakayakap, at hinarap si Patricia.

Galit na sasampalin sana ni Aj si Patricia ngunit 'di niya itinuloy.

"How dare you Pat? You know what? kaya walang lalaking nag kakagusto sayo dahil may saltik ka! baliw kana Patricia dahil kung nasa matino kang pag iisip 'di mo gagawin ang ginawa ko kanina, papatay ka ng taong walang kalaban laban! at yang mga kaibigan mo!" ani Aj at bumaling sa tatlong kaibigan ni Patricia.

"Malamang ganyan din ang ugali tulad ng sa iyo, bulok kaya wag kayong mag taka kung lahat ay isusuka kayo dahil sa mabaho ninyong pag katao, maganda nga kayo at mayaman pero daig pa ninyo ang nga walang pinag aralan!" galit na wika ni Aj.

Napahiya si Patricia at ang mga kaibigan nito sa sinabi ni Aj.

Lahat ng mga mata ay mapanuring tinignan sila.

"Hey wala kaming kinalaman sa ginawa ni Patricia, kaibigan nga namin siya pero 'di kami tulad niya!" pag tatanggol ni Agnes sa sarili at bumaling kay Jayson.

"Jayson..."

"Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo Agnes kaibigan mo si Patricia at mag sama sama kayo! baka ma pulute pa kami sa lalabas diyan sa bibig mo!" galit din sabi ni Jayson at tinalikuran ang mag kakaibigan.

Nilapitan ni Jayson si Aj at Arbie.

"Guys pasensya na kayo kung nangyari ang ganito!" hinging paumanhin ni Jayson.

"Hindi mo kasalanan pare!"

"Siya nga pala mas mainam ng umuwi na kami ng makapag pahinga si Arbie" ani Aj at laling kinabig payakap ang dalaga.

"Nauintindihan ko pare!" sagot ni Jayson.

Dahil sa kahihiyang natamo umalis ang groupo ni Patricia ng watak watak, at pinangako nila sa sariling lalayuan na ang huli.

Habang nasa biyahe naman si Aj at Arbie sobra paring nag aalala si Aj.

Inihinto niya ang sasakyan ng maramdamang nangangatal ang katawan ni Arbie sa ginaw.

Kinuha niya ang kanyang jacket sa likod ng sasakyan at ipinasuot iyun kay Arbie.

"Are you okay? idadala kita sa hospital!" ani Aj.

"Wag na giniginaw lang ako dahil basa itong suot ko!" sagot ni Arbie.

"Hubarin mo na yang suot mo at itira mo na lang yang jacket!" ani Aj at lumabas ng kotse.

Dagli dagli namang nag hubad si Arbie at jacket na lamang ang isinuot.

Nang matapos mag bihis si Arbie tinawag na niya si Aj.

Napalunok si Aj ng makita ang hita ni Arbie.

Patay malisya siyang naupo sa driver sit at inistart na ang sasakyan.

.Ngunit hindi siya makapag concentrate hanggang di niya nagagawa ang isang bagay na kanina pa jiya gustong gawin.

Inihinto ulit niya ang kotse at walang sabi sabing siniil niya ng halik ang dalaga.

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon