CHAPTER 14:

3.7K 95 1
                                    

Isinalang ni Mariano ang CD sa DVD player at in play ang botton, saka inakay si Carina na maupo sa sofa na nanduon.

Sa umpisa isang magandang musika ang pinakikinggan nila hindi nag tagal natapos ang tugtugin.

"Paano kung may mahirap na umibig sa iyo? ipag papalit mo ba ang pagiging popular mo pare para sa isang mahirap lang?" tanong ng lalaki.

Humalakhak muna si Aj saka nag salita.

"Kabaliwan lang ang umibig sa isang mahirap parekoy! dahil ang mga mahihirap ay oputinista lamang, gold digger at mukhang pera, hangad lamg nila ang pera ko, kaya bakit ko ipag papalit ang masaya kong buhay kung kalbaryo naman ang magiging kapalit nito, pero bago pa mangyari iyong plano niya sa akin, mag papakasasa muna ako sa kanya!" sagot naman ni Aj.

Nag katinginan ang mag asawang Mariano at Carina.
Marahil kung sila ang nasa sitwasyon ni Arbie ganun din ang gagawin nila, ngunit ito ay wala namang katotohanan.

Muling nabaling ang atensyon jila ng mag salita ang host ng drama.

"Very good Mr. Alarcon your exellent! Im so proud of you!" wika nito at nag palakpakan ang iba pang estudyante.

Hindi na ito napakinggan ni Arbie ang huling sinabi ng nag salita sa CD dahil sa samot saring emosyon, idagdag pa ang babaing nakita niya na kasama ni Aj.

--------

Nakahiga si Arbie sa sofa sa sala at nanunuod ng TV dahil ayun kay Dilyn pwede daw niyang gawin lahat ng gusto niya sa bahay na iyon na labis na ipinag tataka ni Arbie.

Wala sa pinapanuod ang nasa isip ni Arbie sa malaking larawan ni Dilyn na nakasabit.

Nagkibit balikat na lamang siya at nanariwa nanaman ang sakit sa dibdib niya.

Napaluha siya ng maalala ang pag suyo at masasayang araw nila ni Aj, ang pag tatanim nila, ang madalas pag punta nito sa mansyon nila Ella para hatiran sila ng mangga, yun pala lahat ng iyon ay pag babalat kayo.

Lalo pa siyang nanliit ng maalala ang babae na kasama nito, maganda ito at sexy at halata na mamahalin ang suot ng damit.

"Sana hindi ako nag padala sa damdamin ko,sana? sana? sana manhid na lang ako!" ani Arbie.

---------

"Pinsan tulungan mo naman ako na hanapin si Arbie,paki usap naman baka alam mo kung saan siya nag punta?" tanung ni Aj kay Ella.

"Hindi talaga, masaya pa nga namin na binati diya dahil mapapabilang na diya sa pamilya natin, anu ba ang nangyari?" tanung ni Ella.

Laylay ang balikat ni Aj na nag kwento sa pinsan.

"Nilapitan mo na ba si Algun at Jocelyn?" ani Ella.

"Oo pinapakalat na nila ang mga contact nila pero hindi na ako makapag hintay gusto ko ng makita si Arbie." ani Aj.

Napaurong naman si Dilyn ng marinig ang boses ni Aj at hinahanap nito si Arbie.

Galit din siya kay Aj dahil sa ginawa nito kay Arbie kaya hindi niya sasabihin kung nasaan ang kaibigan, akala pa naman niya mahal nito ang kaibigan.

Pero nag alinlangan siya dahil para namang sinsero si Aj sa ipinapakita kay Arbie.

Napabuntong hininga si Dilyn.

"Hay, mga tao talaga sa panahon ngayon kahirap pag katiwalaan!" naibulong na lang ni Dilyn saka tumalilis at pinuntahan ang kambal.

Pauwi si Aj ng makatanggap ng tawag mula kay Carmina.

"Hey kumusta bakit hindi ka sumipot sa usapan natin kagabi?" tanung nito kay Aj.

"My fiancee is missing!" sagot naman ni Aj.

"What? eh paano ang plano natin? yong plano mo tuloy pa ba yon?" tanung ni Carmina.

"Oo kahit anung mangyari tuloy ang plano ko, kahit tumulay ako sa apoy gagawin ko mabawi ko lang at maibalik ko lang ang tiwala sa akin ng mahal ko!" sagot ni Aj.

"Wow ang lucky naman ng wife to be mo! at gagawin ko ang lahat para sa plano mo yun lang ang magiging regalo ko sa inyo pag ikinasal na kayo, oh siya matutulog na muna ako!" ani Carmina.

Nag bakasakali naman si Jocelyn na puntahan si Dilyn at tanungin baka may alam ito dahil napag alaman niya na si Dilyn lang sa ngayon ang pinag kakatiwalaan ni Arbie na kaibigan.

"Oh ate Jo,hinahanap mo raw ako?" tanung ni Dilyn,kinakabahan man ay hindi nag pahalata.

"Oo kasi may itatanung ako! alam kung alam mo na ang itatanong ko Dilyn"

Hindi nakakibo si Dilyn dahil alam na niya ang pakay ni Jocelyn.

"Bakit di mo pa diretsahin ate?" ani Dilyn.

Ngumiti muna si Jocelyn sa kanya saka ginagap ang kamay ni Dilyn.

"Alam mo may mga bagay na kailangan harapin at ayusin, mga bagay oh suliranin na dapat lutasin at iyun ay mangyaysri lamang sa maayus na pag uusap! hindi na kailangan lumayo upang takbuhan ito? paano malilinawan ang isang tao kung takot namang harapin ang katotohanan na mas nanaisin pang mag tago na lamang dahil takot masaktan! lahat tayo ay may suliranin ngunit nasa atin iyun kung paano natin iyun lulutasin, ang problema ay hindi tinatakbuhan kundi hinaharap ito ito!" ani Jocelyn kay Dilyn.

Parang nawalan ng dugo ang mukha ni Dilyn, namutla at napaluha siya dahil tumama sa kanya ang sinabi ni Jocelyn.

Nakahanda naman siyang harapin ang pansatiling problema ngunit hindi pa sa ngayon.

"Dilyn gusto kong malaman kung alam mo ba ang kinaroroonan ni Arbie ngayon? tulad ng sabi ko kailangan nilang mapag usapan ni Aj ang kanilang problema!" ani Jocelyn.

Hindi naman malaman ni Dilyn kung sasabihin ba niya oh hindi.

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon