CHAPTER 2:

5.8K 98 2
                                    

Nakalipas ang tatlong araw mula ng mangyari ang binyagan naging palaisip si Arbie.

Totoo nga kaya na.may pag tingin si Aj sa kanya oh ilusyon lamang niya, okay sana kung katulad din niya ang estado nito sa buhay, pero kahit pag balik baliktarin pa niya ang mundo mahirap parin sila.

Natapos na nilang pakainin ni Dilyn ang kambal at napatulog na rin nila ang mga ito kaya nag tungo sila sa garden upang mag dilig ng halaman."Arbie tignan mo oh andyan nanaman si Aj! aminin nanliligaw xa sayo anu?" pangungulit ni Dilyn.

"Hindi ah, saka porket kinakausap lang ako ng tao nanliligaw na?" kaila ni Arbie.

"Wag ka ngang mag sinungaling, bakit lagi ka niyang isinasayaw sa tuwing may okasyon dito at halos ayaw ka ng bitawan, saka ang pag punta punta niya dito anu yun? wala lang?" pang huhuli ni Dilyn.

Pinatirik naman ni Arbie ang mga mata.

"Wala akong aaminin dahil hindi naman kami, isa pa hindi kami bagay anu, saka gino goodtime lang ako nun naniwala ka naman?" ani Arbie.

Umismid lang si Dilyn at sinalubong si Aj na may dalang mangga.

"Hi Aj! para sa akin ba ito?" ani Dilyn.

Napakamot na lamang sa ulo ang binata at napatingin kay Arbie na kunwari abala sa pag didilig.

"Asan nga pala ang kambal?" tanung ni Aj sa anak ni Daniel at Ella.

"Nakatulog na, kaya maupo ka diyan at kukuha ako ng sawsawan kainin na natin yang dala mong mangga at ako'y natatakam na!" ani Dilyn.

"Hoy babae samahan mo muna si Aj duon oh sa upuan, kj neto!" ani Dilyn at nag martsa na patungo sa loob ng bahay upang manguha ng bagoong na pag sawsawan ng maniba na mangga.

Mag proprotesta pa sana si Arbie, ngunit wala na ang kaibigan siya namang pag tawag ni Aj.

"Bhie, samahan mo naman ako dito," ani Aj sa dalaga.

Dahil sa kagandahan ng loob nag tungo naman siya sa kinaroroonan ni Aj.

"Pwede bang dito ka sa tabi ko umupo? saka please naman bhie wag mo naman akong iwasan, kaya nga panay ang punta ko dito dahil gusto kitang makita, pero mukhang umiiwas ka?" ani Aj.

"Hundi ako umiiwas busy lang minsan pag nagagawi ka rito, saka bakit gusto mo akong makita?" tanung ni Arbie na kinakabahan.

"Kailangan pa bang itanung iyun di ba halata?" ani Aj.

Hindi nag tagal dumating na si Dilyn na may dalang sawsawan at hugasan ng mangga pati kutsilyo tangan niya.

Kaagad namang nanguha si Aj ng mangga at agad binalatan.

Nakangiti ito na gustong isibo kay Arbie ang kanyang binalatan.

"Kaya ko namang mag balat ng kakainin ko," ani Arbie na nahihiya.

Aaminin niya na kinikilig siya kay Aj at may lihim ding siyang pag tingin dito, ngunit takot siyang masaktan at sumubok lalo na at lupa siya at langit naman ang binata.

"Wow mamgga, tito ako rin pahingi, saka pasubo na rin!" ungot ni Alrea.

"Ikaw talaga agaw eksena, teka akala ko ba pag tatanim ang gusto mo dahil kasama mo ang tito Randy mo? bakit puro litrato iyan ng kabayo?" ani Aj.

"Tito, hindi naman porket may hawak akong litrato ng kabayo eh hindi na ako mag tatsnim or nawala na ang hilig ko sa pag tatanim, siyempre hindi dadagdagan ko lang ang hilig ko, teka iniiba mo ang usapan eh, subuan mo rin ako, bakit si ate Arbie sinusubuan mo ako ayaw mo?" ani Alrea.

Para namang napahiya si Arbie.
Nasamid naman si Dilyn.
"Are you okay?"

"Oo," sagot ni Arbie.

"Sandali ikukuha kita ng tubig," ani Aj at mabilis na pumasok sa loob.

"Hindi kaya ako mag pururot nito, mangga tapos iinum ng tubig?" napapangiting saad ni Arbie.

Kinikilig naman si Dilyn.

"Ate kung ayaw mo ako na lang ang iinum,pero papagawa na lang ako ng juice kay tito tapos sabihin ko sayo pero sa akin pala!" ani Alrea na sinumpong nanaman ang pag ka pilya.

"Waaagg! nakakahiya!" ani Arbie sa bata.

"Dont worry tita okay lang yun," sagot naman mi Alrea saka tumakbo patungo sa loob.

"Tito wag na lang daw tubig kung pwede daw juice na lang!" ani Alrea.

"Ha? talaga sinabi ni Arbie iyun?" masayang tanung ni Aj.

"Opo saka paki dagdagan daw po ng sugar!"

"Okay sige ako na bahala, lumabas kana susunod ako," ani Aj.

Napahagikgik naman si Alrea.

Alam nito na malakas ang tama ni Aj kay Arbie, hindi na siya bata para hindi maunawaan ang nanguayari.

Pakanta kanta si Aj dala ang pitsel ng juice.

"Ito na ang juice ninyo!" nakangiting saad nito.

"Salamat tito, nga pala sorry tito di si ate Arbie ang nag sabi kundi ako! peace!" ani Alrea at sinalinan ng juice ang baso.

"Asan na ba ang tawas dito ko lang ibinaba sa lababo nawala na!" nag hihimutok naman na sabi ni Aling Lai.

Napapagod na itong kakahanap sa wakas natagpuan niya ngunit bukas na.

"Wow halatang masarap ang juice mo tito!" ani Alrea at tinungga ang baso na may juice ngunit agad din ibinulwak at nag kasamid samid pa.

"Tito iyang juice mo na ang pinakamasamang lasa ng juice in the world wide promise!" ani Alrea kasabay ng pag ubo.

Curious namang tinikman ni Arbie.

Ngunit tulad ni Alrea nasamid din ito at naubo.Naisip tuloy ni Aj baka bawas point na iyun kay Arbie.

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon